chapter 24 : the powerful babies

542 51 0
                                    

Shawn pov:

Nandito ako ngayon sa mundo ng mga guardian ko dahil nandito na daw ang kanilang ika-apat na kaibigan, kaya ako nandito ay dahil gusto ng maging guardian ko ang kanilang kaibigan. Dahil sa kanilang sinabi ay kaagad akong humilata sa aking kama, alam ko naman na mamaya pa magigising ang aking mga anak dahil katatapos palang nilang kumain at tiyaka pinaliguan ko narin sila bago ko sila patulugin.

Master Shawn mabuti naman at nandito kana, kanina kapa hinihintay ng kaibigan namin.. nakangiting wika saakin ni clair

Nasaan siya ngayon?..wika ko sakaniya

Nasa hardin po siya ngayon, hindi na ako nagpasama sa kaniya dahil alam ko naman ang pasikot-sikot dito sa kanilang mundo, dahil ilang beses narin ako nakapunta dito para mag ensayo. Ng makarating na ako sa hardin ay natanaw kuna ang kanilang sinasabing kaibigan, nakatalikod palang ito pero alam mo na kaagad na ulam na, dahil sa laki ng katawan niya at ang puti niya din.

Kanina pa kita hinihintay Shawn...wika ng lalaki habang nakatalikod parin saakin

Anong pangalan mo?...wika ko

Ang pangalan ko ay Zake at ako ang diyos ng lahat, kaya ako naging guardian mo dahil ikaw ang pinili ng diyos sa pinaka taas-taasan saamin na magliligtas sa mundong ito. Sa ngayon mo lang kami magiging guardian dahil paglaki ng mga anak mo ay kami ang kanilang magiging guardian. Kailangan na nating maging isa para matawag na kitang master...wika ni Zake

Sinugatan na niya ang kaniyang palad ganon din ang aking ginawa, ng maghalo na ang aming dugo ay naging sanggol din ito.

Itong sanggol na ito ang magiging guardian mo kapag lumaki na ang iyong mga anak...wika ni Zake

Grabe ang pogi naman ng sanggol na ito, pwedi ko bang siyang maging anak nalang?...wika ko

Hindi maaari master dahil nakatadhana siyang maging guardian mo, kapag nilabag mo ito ay mawawalan kaming mga guardian mo...wika ni Zake

Ah ganon pala yun?. Hindi ko na pala gusto na maging baby ang isang yan dahil may apat na akong mga baby...wika ko kay Zake

Bigla nalang natawa ng malakas si Zake dahil sa aking inasal.

Nag-uusap pa kami ni Zake ng bigla nalang may maramdaman kaming napakalakas na enehirya na galing sa mundo ng majika, nakakatakot ang enerhiyang iyon dahil pati si Zake ay hindi makagalaw ng maayos dahil nahihirapan na siyang makahinga.

Kanino galing ang malakas na enerhiya na yun?...wika ko kay Zake

Unti-unti ng nagigising ang kapangyarihan na nakatago sa mga anak mo..wika ni Zake

Biglang nalang akong kinabahan sa sinabi ni Zake na galing pala sa aking mga anak ang nakakatakot na enerhiya. Kailangan ko ng gumising para pahintuin ang aking mga anak.

Zake babalik na ako sa mundo ko...wika ko. Bago paman siya makapagsalita ay nakagpaglaho na ako papunta sa mundo namin, bumungad saakin ang aking mga anak na ngayon ay nakatayo sa kanilang mga higaan habang nagpapalabas ng malakas na enerhiya. Tuwang-tuwa pa sila ng makita nila ang nangyayari sa aming bahay dahil nasisira ito sa kanilang mga ginagawa.

Mga anak tigilan niyo na yan..wika ko sakanila

Tumingin sila saaking gawi at lumipad papunta saakin habang nakangiti, diyos ko ano bang nangyayari sa aking mga anak? Apat na buwan palang silang nasisilang ko pero kaya na nilang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Natatakot ako na baka maramdaman ng masasamang nilalang ang enerhiyang pinalabas ng aking mga anak, baka kunin sila saakin. Hindi ko kakayanin na mawala ang aking mga anak.

Ng makalapit na sila saakin ay itinigil na nila sa wakas ang kanilang pagpapa labas ng malakas na enerhiya, nakalutang parin sila sa aking harapan habang nakangiti saakin.

Mama... sabay-sabay na wika nila saakin

Pumunta ako sa aking kama upang papuntahin din sila, hindi ko kasi kayang buhatin silang lahat kaya pinapunta ko sila sa kama ko. Ng maka upo na sila ay kaagad akong nagsalita para ipabatid sakanila na hindi tama ang kanilang ginawa. Ikinumpas ko ang aking kamay para ibalik sa dati sa ayos ang aming bahay.

Mga anak ko, wag niyo ulit uulitin iyon dahil baka may kumuha sainyo, gusto niyo bang mawalay saakin?..malambing na wika ko sakanila

Sana naman maintindihan nila ang ibig kung sabihin total nasa mundo naman kami ng mahika na ang imposible ay posible.

Mama.. nakangiting wika nila

Ay! Akala ko pa naman maiintindihan nila ang mga sinabi ko hindi pala...

Nagugutom ba ulit ang mga baby ko?... nakangiting wika ko sakanila

Tumango sila na ang ibig sabihin ay nagugutom na ulit sila.

Kaagad akong lumabas sa kanilang silid, habang ang mga anak ko ay naka sunod saakin habang naka lutang sa likuran ko. Ng makarating na ako sa kusina ay kaagad namang umupo sa mesa ang aking mga chikiting, Ako naman ay kaagad akong nagluto para sa kakainin namin ngayong tanghali.

Wala ngayon sina Sofia at Angelika dahil may mga date daw silang dalawa. Hindi nila sinabi saakin kung sino ang kanilang mga kadate dahil daw sikreto muna. Hindi kuna sila pinilit pa dahil alam ko naman na hindi sila magsasabi saakin. Walang pasok ngayong araw kaya nandito lang ako sa aming bahay.

Pagkatapos kung magluto ng ulam ay kaagad ko naman itong hinain sa mesa, tuwang-tuwa pa ang mga baby ko dahil sa niluto ko ang kanilang favorite ulam na adobong manok at tiyaka tinolang isda. Para lang akong nasa mundo ng mga tao dahil nagagawa ko parin ang magluto ng mga ulam na sa mundo ng mga tao kulang naluluto.

Mag pray muna tayo bago tayo magsimulang kumain..wika ko sakanila, pagkatapos kung mag pray ay nilagyan ko ang kanilang mga plato ng mga pagkain, syempre ako ang nagpapakain sa kanila dahil hindi pa naman nila alam kung paano gumamit ng kutsara at tinidor. Ang mga lalaki kung anak ang mas marami ang kain kaysa sa Prinsesa ko na limang kasubo lang ay hindi na ulit ito uulit.

Ng matapos kuna silang pakainin ay kaagad ko silang ipinunta sa kanilang mga kwarto, hinayaan ko silang maglaro muna sa kanilang kwarto nilagyan ko din sila ng barrier para doon lang sila sa loob ng barrier maglaro. Ako naman ay pumunta sa kusina para maglinis. Pagkatapos kung maglinis ay kaagad akong pumunta sa kwarto ng mga baby ko. Naabutan ko sila sa loob ng barrier na mahimbing na natutulog. Nakakawala talaga ng stress kapag nakikita ko ang aking mga anak.





Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now