Shawn pov:
Nandito kami ni david sa bahay ko, magmula ng malaman ni david na siya ang ama ay palagi itong nagpupunta sa bahay ko upang makipag kulitan sa kaniyang mga anak. Nagbabalak na ngarin siyang sa bahay ko na siya tumira eh, pero sinabi kung wag muna lalo nat may patakaran sila dito sa kanilang mundo.
Alam narin ng mga kaibigan namin at ni head master ang tungkol sa mga anak namin, nagulat sila sa una pero hindi nag tagal ay naging masaya din sila. Sa katunayan nga niyan, minsan narin pumupunta ang mga kaibigan ko dito para makipag kulitan sa mga anak ko. Ang walang alam nalang ay ang mga magulang ni david.
Ama&ina nasa academia po ngayon ang mga dating tagapagtanggol, kinakalaban po sila ng mga kaibigan niyo...biglaang wika ni klier
Bigla nalang kinabahan sa sinabi ng aking anak, pati narin si david nakita-an ko ng pangamba sa narinig Kay klier. Sierra lumabas ka ngayon din, bantayan mo ang mga anak namin. Pupunta lang kami sa academia.
Ako na po ang bahala master...wika ni sierra
Kaagad kaming nag teleport ni david sa school, halos sira na ang paaralan dahil sa labanan na nagaganap ngayon dito, pati ang mga kaibigan namin halatang nanghihina na dahil sa mga kalaban nila, hindi ako maka paniwala na sobrang lalakas pala nila. Walang silbi ang pagsasanay ng ilang buwan dahil hindi naman nila magalusan ang mga kalaban.
Time stop....wika ko
Pagkatapos kung bigkasin ang mga katagang yun ay nagsihintuan ang mga naglalaban-laban.
Shawn/David mabuti naman nandito na kayo...wika ni headmaster
Paano po sila naka pasok sa loob ng akademya?.. nagtatakang wika ko
Naisahan tayo ni Ann, hindi tumalab sakaniya ang ginawa mong pag tanggal ng kaniyang memorya.
Shawn, sa susunod ko nalang ipapaliwanag ang iba. Kailangan nating ilayo dito ang mga kalaban...wika ni headmaster
Ngunit wala akong kapangyarihan para ilayo sila dito sa akademya...wika ko
Ako na ang bahala diyan...biglaang wika ni bela na ngayon ay nasa harapan na namin.
Tama, kaya niyang gumawa ng isang portal..wika ko
Make a portal to the unseen place...wika ni bela
Bigla nalang nagkaroon ng malaking portal, hindi ko alam kung saan ito pero nakasisigurado ako na walang mapapahamak sa lugar na iyan.
Bago pa man maka galawa ang mga kalaban ay natapon na namin silang lahat papunta kung saan.
Guiz ito na ang digmaan na ating hinihintay, kapag pumasok tayo sa portal na iyan. Wala ng atrasan pa...wika ko
Gusto niyo parin bang sumama?..wika ni david
Nag tass ng kamay ang mga kabilang sa twelve legendary heroes, kasama ring nagtaas ng kamay ang mga studyanteng may malalakas ding kapangyarihan. Syempre kasama din si Sofia at miggy na nagtaas ng kamay.
Sasama din kami..malakas na pagkakasabi ng kung sino man
Tumingin kaming lahat, sa aming likuran. Bumungad saamin ang mga hari at Reyna ng ibat-ibang kaharia . Bigla nalang akong nabuhayan ng loob upang gawin ang lahat ng makakaya ko.
Kung sigurado na kayong lahat ay pumasok na kayo sa portal na iyan upang simulan ang tunay na laban...wika ko
Ipangako niyo saakin na walang mamamatay saating lahat..wika ulit
Sinumoon ko narin sina katapangan, Kloe at drago. Kasama nadin nila ang iba pa nilang mga kakampi.
Shawn, ipangako mo saakin na hindi ka mamamatay sa labanang ito. Papakasalan pa kita aking Reyna...wika ni david
Gago talaga ang lalaking toh, bumanat ba naman sa mismong labanan. Pero syempre bilang marupok ay kinilig ako.
Pangako David... nakangiting wika ko sakaniya
Pagkapasok namin sa portal ay bumungad saamin ang napaka lawak na tanawin, pero nagulat din ako ng makita kung mas lalong dumami ang aming mga kalaban.
Pero mas agaw pansin ang taong naka upo sa kaniyang trono, magtatanong na sana ako ng maunahan ako ni sofia..
Headmaster sino yan?...wika ni sofia
Nabuhay na pala ulit si satanas..wika ni headmaster
Ako na ang bahala sakaniya...wika ko
Pero baka hindi mo kayanin..wika ni headmaster
Wag kayong mag-alala dahil kaya ko siya...wika ko sakaniya
Time stop...wika ko, ang ilang kalaban ay hindi na makagalaw pero ang dating twelve legendary heroes ay nakaka galawa parin, kasama nadin si Ann at si satanas.
Baka may isa sa kanila ang may kapangyarihan na baliwalain ang kapangyarihan ko...wika ko
YOU ARE READING
The Twelve Legendary Heroes (completed)
FantasyIsa kaba sa mga magtatanggol ng ating mundo? NOT EDITED