chapter 13 : 1&2-symbols

569 48 0
                                    

Shawn pov:

Magandang umaga sainyo. Ang tatalakayan natin ngayon ay ang tungkol sa labing dalawang tagapagligtas na nagbuwis ng kanilang mga buhay upang maibalik sa maayos at katahamik ang mundong ito. Sila ay sina Jr, Rome, cheska, ana, Sara, Kate, blaze, Jake, kairo, gina, Gracia at ang kanilang pinuno na si Jayden. Silang lahat ay napili ng diyos upang ilagtas ang kaniyang mga likha subalit naging sakim ang ibang miyembro ni Jayden sa kapangyarihan dahilan para sila ay kontrolin ng kanilang mga kapangyarihan. Dahil si Jayden lang ang hindi naging sakim sa kapangyarihan ay siya lang ang biniyayaan ng diyos ng kapangyarihan na makakapag ligtas sa kaniyang mga likha.

Bakit po sila kasama kung naging sakim sila ng kapangyarihan?...wika ni sofia

Dahil nong buo pa sila ay lagi silang nagtatagumpay sa mga misyon, hindi sila nag-aalinlangan na gawin ang misyon kahit na mahirap ito. Mas marami kasi ang kanilang nagawang kabutihan kaysa sa kasamaan....wika ni sir joshua

Guro, nasaan na po sila?.. kuryos na wika ko

Basta ang alam ko ang labing isang mga tagapagligtas ay ikinulong sa kailaliman ng lupa habang si Jayden naman ay wala na kaming naging balita sakaniya pagkatapos ng digmaan. Bigla nalang siyang naglaho na parang bola.

Ano po ang mga kapangyarihan na hawak nila?...wika naman ni angelika

Jr - ice
Rome - hangin
cheska - tubig
ana - lupa
Sara - weather manipulator
Kate  - boses kaya niya patulugin o patayin ang kaniyang mga kalaban sa pamamagitan ng kaniyang boses.
blaze - kidlat
Jake - light
Kairo - darkness
gina - apoy
Jayden - creation and destroyer

Wow makapangyrahan pala silang lahat...wika ng isa naming kaklase

Oo nga eh ang kaso nga lang ay hindi sila nakuntento kung anong mayroon sila...wika naman ni sofia

Sir ngayon po ba ay mayroon ng napili ang diyos na bagong magliligtas sa ating daigdig?...wika ng isa pa naming kakalse na babae

Sa ngayon ay wala pa ..wika ni sir

Hanggang dito nalang muna tayo, paalam mga mag-aaral ko... nakangiting wika ni sir joshua bago maglaho sa aming harapan.

Grabe pala ang history ng mga dating tagapagligtas noh?...wika ni angelika

Oo nga eh, ang hindi ko lubos akalain ang hindi nila pagiging kuntento sa kung ano mang mayroon sila. Naging dahilan tuloy ito upang sila ay maparusahan.

Nasaan na kaya ngayong si Jayden noh?...wika ko

Oo nga eh, sana makita ko siya para makapag pasalamat manlang tayo sa kabutihan niya...wika ni angelika

Ahh guiz mauna na ako sainyo dahil magsasanay na ulit kami...wika ni angelika

Sige, see you nalang sa kwarto natin...wika naman ni Sofia

Sir si Joshua ang last subject namin kaya nagpasya kami ni Sofia na umuwi nalang sa aming tinitirhan. Upang magpahinga, ng makauwi na kami ay kaagad na humiga si Sofia sa kaniyang kama pero ako nagbabalak umalis dahil sa tagal kunang nandito ay hindi pa ako naka pasyal dito. Tanging bahay, canteen at paaralan lang ang aking napupuntahan tuwing naboboard ako. Pero ngayon ay napagpasyahan kung mamasyal sa loob ng campus at tiyaka balak ko ring puntahan ang batis na sinasabi ng doktor saakin.

Pagkaalis ko ay pumunta muna ako sa sinasabi ng mga estudyante na fountain dahil marami daw doon ang mga fairy na kalahi ni Allison, gusto kung makakita ng totoong fairy. Pagkarating ko ay nakita ko kaagad ang mga fairy na nagsisiliparan sa ibabaw ng fountain. Grabe ang ganda dito. Ng lumapit ako sakanilang pwesto ay tumingin sila sa aking direksiyon, nakitaan ko sila ng pagka sabik ng masilayan nila ako.

Pagkalapit ko sa fountain ay pinalibutan nila akong lahat, kahit ngatataka man ay ngumiti nalang ako dahil sa tuwa sa ginagawa nila saakin. Ang ganda nilang tingnan dahil iba-iba ang kanilang kulay. Nakakamangha silang tingnan dahil umiilaw din ang kanilang pakpak, natigil lang ang kanilang ginagawa ng may narinig kaming ingay sa may bandang puno, ng pinuntahan ko ito ay wala akong nakitang kahit na ano ng babalik na sana ako ay may bigla nalang lumabas na isang cute na lion na may apoy sa kaniyang ulohan. Ng lalapitan kuna ito ay bigla nalang itong naging isang simbolo at dumikit saaking kanang kamay kung saan nandoon rin ang bulaklak na aking mga anak. Pinipilit ko itong tanggalin ang kaso ay hindi ito mabura saaking kanang kamay kaya hinayaan ko nalang ito.

Bumalik nalang ulit ako sa fountain pero wala na doon ang mga fairy, dahil sa aking inis ay nilisan ko nalang din ito, pupuntahan ko naman ngayon ang batis na labasan ng aking mga anak, sobrang excited na akong makita ito, ano kaya ang itsura ng batis na iyon? Siguro sobrang ganda dahil ang mga diwata mismo ang nangangalaga nito. Nakakamangha talaga ang mga itsura ng mga diwata, si Bela at aurora palang ang aking nakikita na diwata sana sa aking pagpunta sa batis ay marami akong makita at maging kaibigan na diwata.

Lumabas na ako sa academia dahil nasa labas daw ng academia makikita ang batis ng mga diwata. Sobrang layo kuna sa academia pero kahit isang batis ay wala akong makita, maglalaho na sana ako pabalik ng academia ng may makita akong isang matanda na tilay nanghihina na, kaagad ko naman itong nilapitan upang bigyan ng tubig at makakain. Mabuti nalang nagdala ako ng pagkain at tubig para sa aking paglalakwatsa. Ayaw ko mang ibigay sa matandang babae ang aking paboritong pagkain pero ibinigay ko nalang ito dahil sobra akong naaawa sa kaniyang kalagayan.

Ng matapos ng kumain ang matanda ay nagpasalamat ito saakin, may ibinigkas siyang salita na hindi ko naman maintindihan, ng matapos na niyang bigkasin ang salitang yun ay bigla nalang siyang nagliwanag at pagkahupa ng liwanag ay bumungad saakin ang napakagandang babae na kahit ang mga diwata na tinaguriang pinaka magada ay mahihiya sakaniya kapag nakita siya.

Ano ang iyong dahilan bakit ka nagpakita saakin?...wika ko

Dahil gusto ko ako mismo ang unang makakita saiyo master...wika niya

Bakit mo naman ako tinawag na master?... naguguluhang wika ko

Dahil itinadhana na ikay aming maging master...wika niya

Amin? So ibig sabihin ay madami kayo?...wika ko

Opo master, Ako nga po pala si Sierra, Reyna ng mga hayop sa lupa, tubig at kalangitan....wika ko

Isa kang reyna?...namamangha wika ko

Opo master..wika niya

Wow ang galing naman...namamanghang wika ko

Ako po ba ang unang didikit sa iyong kanang kamay master?...wika niya

Sa totoo lang hindi dahil may nagpakita saakin na isang lion na umaapoy ang kaniyang leeg lalapitan kuna sana ito ng maging isang simbolo siya at bigla nalang dumikit sa aking kanang kamay.

Akala ko ba ayaw niyang makipag unahan saakin?...naiinis na wika ni sierra

Ano ang ibig mong sabihin?..wika ko

Wala po iyon master..wika niya

Kilala moba ang lion na iyon?...wika ko

Opo master dahil isa din siyang reyna ng mga kapangyarihan na binubuo ng lupa,apoy,tubig,hangin,kidlat, at ice....wika niya

Wow makapangyarihan pala kayo...namamanghang wika ko

Pero mas makapangyarihan pa saamin ang dalawa pa naming kaibigan...wika niya

Sino naman sila?...kuryos na wika ko

Wala po ako sa tamang posisyon upang ito ay sabihin sainyo, paalam master sa susunod uli... nakangiting wika niya

Pagkatapos niyang magsalita ay naging isang simbolo din siya katulad ng Reyna ng mga elemento... Nagpasya nalang akong bumalik sa aming tirihan dahil tinatamad na ako.

Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now