chapter 18 : battle

560 51 0
                                    

Shawn pov:

Ngayong araw na gaganapin ang nasabing paligsahan, halos lahat ng mga estudyante ay busy sa kani-kanilang mundo. Habang laming tatlo ay naghahanda na para sa paligsahan na gaganapin ngayon. Lahat ng kasali ng paligsahan na ito ay nandito sa arena, pati narin ang mga estudyante sa iba't ibang year level nandito rin.

Lahat ng kasali sa paligsahan na ito ay pumunta na sa gitna ng arena upang simulan na ang paligsahan.

Ng nasa gitna na kami ay bigla nalang nag iba ang aming paligid, don't tell me nagsisimula na?.

Wag kayong mag-alala dahil hindi pa nagsisimula ang paligsahan, ipinunta namin kayo diyan upang mas mapadali ang inyong gagawing plano upang maka survive sa larong ito.

Ang ating paligsahan ay tinatawag na death of survival, lahat kayo ay magkakalaban. Kailangan niyong talonin ang sampong estudyante upang ang twenty na estudyante ay siyang manalo. Nasa inyong parin ang desisyon kung sino ang hindi niyo papalipatin sa diamond section.

Simulan na ang paligsahan...wika ng anouncer

Magpapaalam na sana ako kina Sofia at angelika ng bigla nalang silang maglaho. Hindi paman ako nakakapag tago ng mag anunsiyo ang anouncer ng larong ito.

Princess from silver section is now eleminated

Siya yung top one ng silver pero bakit siya ang nauna?. Nevermind na ngalang kailangan kopa makahanap ng mapagtataguan hanggang sa matapos ang larong ito. Magtatagu na sana ako ng bigla nalang may sumulpot saaking likuran, papatamaan na sana niya ako ng kapangyarihan niya ng maglaho ako papunta sa kaniyang likuran. Lilingon na sana siya sa kaniyang likuran ng makagawa na ako ng illusion sa kaniyang utak, mabuti nalang useful ang kapangyarihan kung mind reading dahil kaya niyang maka gawa ng isang senaryo na iyong pinaka tatakutan sa iyong buhay. Ilang minuto lang ang itinagal ng babae sa loob ng akong illusion ng mawala na ito sa aking harapan. Sorry hindi ako isang mahina.

Christina from silver section is now eleminated

Sofia pov:

Hindi manlang ako nakapag paalam sa dalawa kung kaibigan dahil kaagad kaming naglaho upang paghiwalayin-hiwalayin. Nakakita ako ng babaeng mag-isa lang kaya gumawa ako ng dalawang golem na gawa ng aking crystal, at ipinasugod ko ito sa pwesto ng babae. Bibigyan na sana ng suntok ang babae ng golem ko ng bigla nalang itong naging usok.

Anong kapangyarihan kaya ang mayroon ang babaeng ito? Mukhang mahihirapan ako nito ah.

Yan lang ba ang kaya mo?..wika ng babae sa aking harapan

Ang galing ng kapangyarihan niya dahil ang kaninang usok ay nabuong tao. Ano kaya ang makakapagpatalo sa babaeng ito? Ah alam ko ikukulong ko siya sa aking bolang crystal, kapag magtagal siya saaking bolang crystal ay mawawalan siya ng hangin at doon na mangyayari ang aking naiisip na susuko siya. Pasimple akong naglagay ng mga crystal sa kaniya paligid, kailangan ko magdahan-dahan upang hindi siya maka halata sa aking plano.

Ng magtagumpay na ako ay kaagad nabuo ang aking bolang crystal sa kaniyang pwesto, bago paman siya maging usok ay naikulong na siya saaking bolang crystal, ilang minuto muna ang aking hinintay bago ko mapasuko ang babaeng usok na ito.

.
Audrey from silver section is now eleminated

Angelika pov:

Kailangan kung manalo upang makasama kuna ang aking mga kaibigan sa diamond section, nasa itaas ako ng puno ngayon naghihintay ng mabibiktima. Ilang segundo lang aking hinintay bago dumating ang aking biktima, saktong-sakto dalawa kaagad ang matatalo ko.

Kinontrol ko ang kanilang dugo upang huminto sa pag daloy sa kanilang mga katawan dahilan para sila ay mawalan ng ulirat. Iba talaga kapag gamay muna ang paggamit ng kapangyarihan dahil madali lang ang pagtalo mo sa iyong mga kalaban.

Joy and jericha are both from bronze section is now eleminated

Shawn pov:

Lima nalang ang kailangan matalo upang tanghaling winner ang 20 katao. Habang naglalakad ako ay may nakita akong babae na nag-iisa lang kaya gumawa ako kaagad ng hakbang upang talonin ito. Nagteleport ako sakaniyang likuran at kinalabit ko siya, bago paman siya makagawa ng aksiyon ay napa sailalim ko na siya ng aking kapangyarihan. Hindi kuna ginamit ang aming illusion dahil makapangyarihan din naman ang aking mind reader. Inutusan ko siya na sumuko na kaniya namang ginawa.

Rhoda from bronze section is now eleminated

Hana from silver section is now eleminated

Grace and caren from gold section is now eleminated

Mabuti nalang na eliminate ang dalawang bruhilda na binubully kami nina angelika at Sofia, pero syempre hindi kami mabully-bully nila dahil mas bitch kami kaysa sa kanilang dalawa, maliban lang kay angelika dahil umiiwas ito ng gulo, siya nga palagi ang nagpapahinto saamin kapag nagkaka gulo na kaming apat nina sofia.

Grego from section gold is now eleminated

Tapos na ang paligsahan at ang twenty na estudyante na mapalad na maililipat ay sina..

1. Shawn
2. Angelika
3. Sofia
4. Garret
5. Glen
6. Vincent
7. Blake
8. Christian
9. Diego
10. Roy
11. Japith
12. Andy
13. Jane
14. Jake
15. Jared
16. Kaloy
17. Kris
18. Aron
19. Allen
20. Thor

Sila ang mapapalad na maililipat sa darating na lunes, nagtataka siguro kayo kung bakit sa lunes pa sila maililipat kung pwedi naman bukas total huwebes palang naman, ang aming rason kung bakit sa lunes pa sila maililipat dahil bukas ay gaganapin na ang leveling bawat section. Apat na section ay maglalaban-laban upang malaman natin kung sino ba talaga ang nagkaroon ng malaking improvement sa nakalipas na dalawang buwan.

Malalaman din natin kung sino ang pinaka malakas na estudyante sa buong academia. Kaya habang may oras pa ngayon ay mag ensayo na kayo para bukas ay makakalaban kayo ng patas.

Shawn pov:

Sofia/Angelika congratulations saating tatlo, magiging kaklase narin natin sa wakas ang mga kaibigan natin na Prinsipe at Prinsesa, hindi na ako makapag hintay pa na ilipat na tayo.

Shawn/Angelika/Sofia congratulations sa inyong tatlo, ang gagaling ninyong tatlo kanina.. nakangiting wika ni Bela

Akala ko nga ng una na unang matalo si Shawn dahil hindi malakas ang kaniyang kapangyarihan at tiyaka para siyang mahina... nang-iinis na wika saakin ni Zenny

Bakit ganon nalang ang inasta ni Zenny? Ang pagkakaalam ko wala naman kaming naging alitan ah?

Zenny anong problema mo kay Shawn, bakit ka ganyan makapag salita sakaniya?..naiinis na wika ni Bela

Oo nga..pagsang-ayon naman ni angel at Allison

Totoo naman na mahina siya diba?...naniinsultong wika ni Zenny

Nagtataka rin ang mga boys sa inaasta ngayon ni Zenny, lalong Lalo na si Prinsipe Jackson.

May problema kaba saakin Zenny? Pwedi naman nating pag-usapan iyan diba?...wika ko sakaniya

Nagbabait-baitan ka naman si Shawn pero ang totoo pangit talaga ang ugali mo at tiyaka tama nga ang sinasabi ng mga estudyante na ahas ka at tiyaka attention seeker..wika ni Zenny

Dahil sa inis ko ay gumawa ako ng illusion na pinaka tatakutan niya, ng mapaluhod na siya sa sahig ay tiyaka ko lang itinigil ang ginawa kung illusion sakaniya. Tumalikod na ako sa kanilang lahat. Narinig kopa ang sigawan ng mga kasamahan ko pero hindi ko sila nilingon. Lumingon lang ako ng magsalita si Zenny

Bakit hindi ka na apektohan sa aking ibinato sayong bolang itim?...nagtatakang wika niya

Tumawa lang ako sakaniya sabay wika ng katagang.

Ibig sabihin lang non, mas mahina kaysa saakin. Bago mo ako pagsalitaan ng mga ganyang salita siguradohin mo muna na mas malakas ka kaysa saakin pangit na mangkukulam. Paalam mahinang nilalang... pagkatapos kung sabihin iyon kay Zenny ay naglaho na ako papunta sa dorm namin nina Sofia at angelika.

Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now