chapter 27 : Lucas&Angelika moment

528 40 1
                                    

Lucas pov:

Mga pare saan ba ang magandang suotin para sa date namin mamaya ni angelika?...wika ko sa aking mga kaibigan

Kanina pa kasi ako hanap ng hanap ng mga pwedi kung suotin ang kaso nga lang wala akong mapili.

Gag* pare kahit mag black kalang at tsaka pantalon ayos na ayos na yun, dahil lahata naman ng mga isinusuot natin ay bumabagay saatin dahil mga pogi tayong lahat...wika ni Drake

Ang hangin  mo talaga drake, kaya ka hindi masagot-sagot ni Allison dahil sa pagiging mayabang mo...wika ko

Gag* pre nagsasabi lang naman ako ng totoo diba?...wika niya sabay baling sa aming mga kaibigan na ngayon ay nandito sa aking silid para tulungan ako na pumili para sa aking susuotin sa date namin angelika

Hindi niyo ba ako sasang-ayunan?..naiinis na wika ni Drake

Gag* pre hindi kami katulad mo na sobrang hangin..wika ni Lucas

Hindi na muling umimik pa si drake dahil kapag si Lucas na ang nagsasalita ay wala talaga nakakatalo sa ungas na ito.

Sang-ayon ako sinabi ni Drake na iyong susuotin pero hindi ako sang-ayon sakaniyang sinabi na mga pogi tayo kaya kahit anong suotin natin ay bumabagay saatin. Pwedi ding puting damit dahil sabi ni ama saakin na malinis daw tingnan ang mga lalaki kapag naka puti siya ng damit...wika ni Jackson

Sinunod ko nalang si Jackson na puti ang pangtaas at pantalon naman sa pangibaba. Umalis na sila saaking silid pagkatapos nila akong tulungan na mamili ng aking susuotin. Gusto ko kasing maging maganda ang paningin ni angelika saakin kapag magkita na kami. Ngayong araw ko siya ipapakilala sa aking ama at ina. Gusto ko na kasing makasama siya habang buhay kahit na imposible.

Malay natin mangyari ang aking naiisip na magsasama kami habang buhay.

Angelika pov:

Sofia/Shawn maayos naba ako?...wika ko sa aking mga kaibigan. Sila kasi ang nag-ayos sa aking mukha at sila din ang pumili ng aking kasuotan. Dress ang aking suot at ang kaniyang kulay ay violet sabi ni sofia violet daw ang kulay ng aking damit. At tiyaka ginawan ako ng sapatos ni shawn kulay puti naman ang aking sapatos. Gusto nga nila na pink din ang aking sapatos pero umaayaw ako dahil pangit naman kung pink ang lahat ng aking suot.

Ng tapos na nila akong ayusan ay saktong may kumatok sa pintuan ng silid namin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin si Lucas, ang linis niyang tingnan sa kaniyang suot ang kaso ngalang wala siyang sapatos naka paa lang siya. Kaya nag request ako kay shawn na gawan din ng sapatos si Lucas. White din ang ginawang sapatos ni Shawn para Kay Lucas para daw parehas kami.

Pagkatapos kung magpaalam sa dalawa ay nagteleport kami ni Lucas sa kanilang kaharian, akala ko puro kadiliman ang bubungad saakin pero nagkamali ako dahil maaliwalas ang kanilang palasyo parang hindi mga demonyo ang nakatira sa palasyong ito dahil sa ganda ng pagkakaayos. Para bang alam nila na may dadalaw sa kanilang palasyo kaya nag-ayos sila.

Naglakad na kaming dalawang papunta sa trono ng kaniyang ama at Ina, maganda din ang kanilang hallway dahil may mga nakasabit na mga larawan nila. Lahat ng mga larawan na nakasabit sa kanilang dingding ay mga larawan nilang magka pamilya. Ang pogi nga ni lucas doon sa kanilang family pictures eh.

Ng malapit na kami sa pwesto ng kaniyang ama at Ina ay tiyaka lang ako nakaramdam ng kaba, ngayon lang kasi ako makakaranas ng ipinapakilala sa pamilya ng lalaki, kaya kinakabahan ako baka kasi ayaw ng pamilya niya saakin.

Ama/Ina siya po si angelika aking nililigawan.... nakangiting wika ni Lucas

Magandang umaga iha..wika ng Ina ni Lucas saakin

Ngumiti naman ako sakaniya at tiyaka sa hari bago nagsalita.

Magandang umaga din po mahal na Reyna at saiyo rin po mahal na hari..wika ko

Naghanda kami ng pagkain para sainyong pagdating, kayat halina kayong dalawa pumunta na tayo sa hapagkainan baka lumamig pa ang mga pagkain...wika ng Reyna

Sumunod naman kami ni Lucas sa Reyna at Hari, unti-unti ng nawawala ang kaba ko. Dahil sa ipinapakitang kabutihan saakin ng Reyna, pero sa hari parang malabo na magustuhan niya ako para sa kaniyang anak dahil kanina pa ito na walang imik.

Ng maka upo na kami sa mesa ay kaagad kaming nagsimulang kumain, ang sasarap ng mga luto nila parang tataba ako nito ha, habang sarap na sarap ako sa pagkain ay bigla nalang nagsalita ang hari.

Kayo naba ng anak ko?.... seryosong wika ng hari

Hindi pa po dahil masyado pa kaming mga bata.... nahihiyang wika ko

Ano naman kung mga bata pa kayo? Wala naman kayong dapat ipag-alala dahil may makakain naman kayo....wika ulit ng hari

Biro kulang naman yun na masyado pa kaming bata.

Yung totoo po kaya hindi pa kami ng anak mo dahil hindi naman po siya nanliligaw saakin, kung hindi lang ako unang umamin sakaniya baka hanggang ngayon ay wala paring napupuntahan ang aming pagtingin sa isat-isat. Ewan ko ba sa anak niyo kung bakit hindi pa siya nanliligaw saakin, sasagotin ko naman siya kapag niligawan niya ako eh...wika ko

Bigla nalang natawa ang hari at reyna dahil sa mga sinabi ko, tumingin naman ako kay lucas na ngayon ay namumula na ang kaniyang mukha at tiyaka tainga, may sakit kaya si Lucas kaya ang pula-pula ng kaniyang mukha at tainga?

Ayos ka lang ba lucas?... nag-aalalang wika ko sakaniya

Bakit mo naman naitanong iyan?... nagtatakang wika niya

Ang pula kasi ng mukha mo at tiyaka ang pula din ng tainga mo, baka kasi may lagnat ka kaya ka nagkakaganyan...wika ko

Kinikilig lang aming anak kaya siya namumula...wika ng mahal na Reyna

Akala ko pa naman may sakit na si Lucas mabuti nalang kinikilig lang pala, pero para kanino?

Kanino ka kinikilig Lucas?... nagtatakang wika ko

Saiyo iyan kinikilig iha..tumatawang wika ng Reyna

Bakit po siya kinikilig saakin?...wika ko

Sinabi mo kasi kanina na sasagotin mo siya kapag nanliligaw ka, alam mo ba iha matagal ka ng gusto ng anak ko. Ayaw lang umamin dahil torpe iyang anak namin...wika ng Reyna

Ma aalis po muna kami ni angelika...biglang wika ni Lucas

Mag-iingat kayong dalawa...wika ng hari

Pagkateleport namin ay bumungad saamin ang labas ng kanilang palasyo. Nasa hardin pala nila kami, ang dami nilang bulaklak.

Angelika matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ito, pwedi ba akong manligaw?.... wika ni Lucas saakin na  nagpalingon saakin.

Wag ka ng manligaw dahil simula ngayon ay mag shota na tayo.. nakangiting wika ko

Salamat angelika, hindi ka magsisisi na sinagot mo ako... nakangiting wika ni Lucas saakin sabay hapit ng aking beywang at binigyan niya ako ng malalim na halik. Pagkatapos ng aming halikan ay pumasok na ulit kami sa kanilang palasyo para magpaalam sa kaniyang ama at ina, alam nadin nila na kami na. Tuwang-tuwa nga sila ng sabihin namin sa kanila eh.

Ng maka uwi na kami ay kaagad naman naming ipinaalam sa aming mga kaibigan, tuwang-tuwa silang lahat dahil sa kanilang nalaman na balita tungkol saamin.










Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now