Angel pov:
Nandito kami ngayon sa aming silid upang magpalit ng damit, katatapos palang kasi naman mag ensayo. Ng matapos na akong magpalit ng damit ay saktong may kumatok sa pintuan ng aming silid. Ng buksan ko ang pintuan ay bumungad saakin ang lalaki na matagal ko ng gusto, gusto ko siya matagal na ang kaso nga lang nabalitaan ko na may iba na siyang gusto.
Masakit sa una pero hindi nagtagal ay tinanggap kuna. Mas pinili ko kasing maging masaya ang taong mahal ko kaysa naman na saiyo nga siya ang kaso hindi siya masaya.
Angel busy kaba ngayon?.. nahihiyang wika ni Justin
Hindi bakit? Teka nga! Bakit kaba nahihiya ?....wika ko
Bigla nalang namula ang dalawang tainga ni Justin dahil sa itinanong ko sakaniya. May sakit kaya siya kaya siya namumula?. Hahawakan kuna sana ang kaniyang noo ng kaniya itong pigilan. Kaya ang ending naka hawak siya sa aking kamay. Pero kaagad niya itong binitawan.
Wala akong sakit kung yan ang inaalala mo... Wika niya
Bakit mo ba naitanong kung busy ako ngayon?...wika ko
Gusto ko kasing ayain kang mamasyal....wika niya
Niyayaya ba niya akong makipag date? Bigla tuloy nag-iinit ang aking pisngi dahil sa aking iniisip.
Kailan?...wika ko
Ngayon..wika niya
Teka lang magpapalit muna ako ng damit...wika ko
Wag na, maganda ka naman kahit anong suotin mo...wika niya
Mas lalong nag-init ang aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi, pakiramdam ko tuloy may gusto siya saakin.
Bolero...wika ko
Hindi ah, totoo kaya...wika niya
Okay...wika ko. Nahihiya na kasi ako kaya okay nalang ang aking nasagot sakaniya.
Saan ba tayo pupunta?..wika ko
Ipapakilala kita sa aking pamilya bilang aking kasintahan....wika niya
Halos mapanganga ako dahil sa kaniyang sinabi.
Alam mo masyado kanang bolero...wika ko.
Angel, hindi ako nagbibiro. Mahal kita angel matagal na, natatakot akong aminin ito saiyo baka kasi hindi pareho ang nararamdaman natin kaya hindi ko sinabi saiyo. Pero ng malaman ko na may gusto karin pala saakin ay nagdesisyon ako na magtapat saiyo....wika niya
Kanino mo naman nalaman na may gusto ako saiyo?...wika ko
Kina Zenny...wika niya
Gaga talaga yung babaeng yun, sabi ko naba hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng yun eh. Pero ayos lang yun dahil sakaniya nagtapat si Justin saakin.
Tanggap kami ng pamilya ni Justin, sa katunayan nga botong-boto sila saaming dalawa, lalong lalo ang mga kapatid niyang babae. Pagkatapos naming kumain sa kanila ay napag pasyahan naman namin na pumunta sa palasyo namin. Katulad din sa pamilya ni Justin ang aking mga magulang dahil tanggap din nila kami. Binigyan nga kami ng basbas ni ama at Ina eh.
Sobrang saya ko sa mga oras na yun dahil sa wakas napa saakin narin ang lalaking matagal ko ng gusto.
Hindi naman halata na masaya ka ngayong araw angel...wika ni sofia
Nandito kaming mga babae sa cafeteria dahil tapos na ang klase namin, pagkadating palang namin ni Justin sa paaralan ay nag desisyon na kaming mag hiwalay muna, dahil gusto niya ring daw sabihin sa mga barkada na niya na kami na.
Hayaan mo muna ang kaibigan natin, minsan nga lang ma moment sisirain mo pa...wika naman ni Shawn
Hindi kuna sila pinansin dahil gusto ko munang namnamin ang kasiyahan na aking nadarama ngayon, baka kasi hindi lang magtagal toh eh.
Pagkatapos naming bumuli sa cafeteria ay bumalik na kaagad kami sa aming silid aralan, pagkadating palang namin ay sakto ding papasok palang sina Justin na may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Nginiti-an korin siya para hindi naman masayang ang pagngiti niya saakin.
Vote and comment ❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/277449568-288-k210577.jpg)
YOU ARE READING
The Twelve Legendary Heroes (completed)
FantasyIsa kaba sa mga magtatanggol ng ating mundo? NOT EDITED