chapter 7 : academia

612 48 0
                                    

Angelika pov:

Ngayong araw na magbubukas ang academia ito, sobra akong nagagalak sapagkat makaka harap ako  ulit ng mga iba't ibang nilalang. Sana lang maging maayos ang aking paninirahan dito sa ibaba. Ng lumabas na kami sa aming tinitirahan ay kaagad kaming naglakad papuntang academia upang gawin ang pagsusulit bago kami tanggapin ng paaralang ito.

Tungkul naman kay sofia, may kapangyarihan pala siyang taglay at yun ay ang manipulahin ang mga dyamante. Nakakatuwa nga siya eh dahil mabilis niya itong magamit ng maayos. Kahit dalawang beses lang namin siyang sinanay ay kaagad niya itong natututong gamitin. Sobrang saya ko para sa aking bagong kaibigan.

Tungkul naman sa paghahanap ng Prinsipe na si Jackson sa kabilang saamin na magliligtas sa mundo na kaibigan rin ni Sofia ay hindi siya pinayagan ng diwata ng kalikasan na siya ay masilayan sapagkat papasok din naman daw ito sa akademia. Hindi na nagpumilit pa ang prinsipe dahil wala naman siyang laban kung sakali mang nagpumilit siya na ipakita ang kaibigan ni Sofia.

Jackson pov:

Hindi ko alam sa nangyari saakin sa batis bastat ang alam kulang ay pagkatapos kung maligo ay kaagad akong naglaho papuntang bahay ng diwata ng kalikasan. Sinabi ko sakaniya ang aking sadiya subalit hindi niya ako pinayagan na makita ang kaibigan ng babaeng taga lupa sapagkat mag-aaral din daw ito sa academia na aming papasukan.
Hindi na ako nagpumilit pa dahil wala naman akong magagawa dahil galing ito mismo sa isang diwata.

Nandito kami na ngayon sa harapan ng paaralan kung saan gaganapin ang unang pagsusulit.

Headmaster pov:

Kung nandito na ang lahat na bagong mag-aaral ay sisimulan na namin ang inyong unang pagsusulit. Ang una niyong gagawin ay kailangan niyong hawakan ang bolang nasa harapan ko upang malaman na kung saang pangkat kayo nabibilang.

Diamond - ang pangkat na ito  ay para sa may mga dugong bughay at sila din ang humahawak ng mga pambihirang kapangyarihan.

Gold - ito ay ang pangkat para sa mga bihisa na sa paggamit ng kanilang kapangyarihan

Silver - dito naman ay para sa mag-aaral na hindi pa masyadong alam kung pa ano kontrolin ang kanilang mahika.

Bronze - dito naman ay para sa mga estudyante na hindi pa alam kung ano ang kapangyarihang mayroon sila.

Gumawa nalang ako ng maraming bolang bilog para sa lahat ng mga estudyante ng sa ganon ay hindi na sila mahirapan pang pumila papunta saakin harapan. kaagad ko itong malalaman kung saang pangkat sila nabibilang dahil kaagad silang maglalaho papunta sa kanilang titirhan habang sila ay nag-aaral dito. Kung nabibilang ka sa diamond na pangkat ay may iba lang kayong tirahan ganon din sa gold, silver, at bronze. Ginawa namin ito para malayo ang alitan ng bawat pangkat.

Hindi ko nilagyan ng pangkat ang bagong tagapagligtas sapagkat alam ko na hindi pa sila handa kung sakali mang may nakaalam sa kanilang pagkatao. At para narin mapalayo sila sa kapahamakan.

Pagkatapos ng aking anunsiyo ay kaagad nilang hinawakan ang bolang nasa kanilang mga harapan. Kaagad naman silang naglaho hanggang nawala na sa aming harapan ang sobrang daming mga bagong mag-aaral sa aking paaralan.

Sofia pov:

Pagkatapos ng anunsiyo ng headmaster ay kaagad naming hinawakan ni angelika ang bolang bilog na nasa aming mga harapan. Pagkahawak namin nito ay bigla nalang nagliwanag, napapikit nalang kami dahil sa sobrang liwanag nito, ng humupa na ang liwanag ay binuksan na namin ang aming mga mata. Bumungad saamin ang aming tirahan na kulay gold talaga. So ibig sabihin nasa section ako ng gold na kung saan bihasa na kami sa paggamit ng aming kapangyarihan. Magkasama parin kami ni angelika pero ang iba naming kasama na Prinsipe at prinsisa ay nasa diamond section sapagkat sila ay may dugong bughaw.

Dito sa aming tinitirhan ay may isang kwarto at tig tatatlong tao bawat isang kwarto. Kaagad naman kaming pumasok ni angelika dahil gusto naming magpahinga na dahil mamaya pa ang aming klase. Kaming dalawa palang ang nasa loob siguro naghahanap pa isang iyon. Hindi niya yata alam na dito nalang saamin ang mayroong space. Nakita ko kasi na lahat ng mga katulad kung estudyante ay nagsipasok muna sa kanilang mga silid upang makapag ayos ng kanilang dalang gamit.

Shawn pov:

Dalawang araw ang ginugol namin ng mahal na diyosa upang masanay ako sa aking paggamit ng apat na basic na mahika. At ngayong araw ay naghahanda na ako sa aking mga gamit na dadalhin sa aking pagpunta sa academia. Hindi ako mapakali dahil sa sobrang saya na nadarama ng aking puso. Excited na ako na makita ang paaralan dito. Ng matapos na ako sa aking dadalhin ay lumabas na ako sa aking silid. Nadatnan ko si aurora na nasa kaniyang mesa nag-aalmusal.

Mag-almusal ka muna Shawn bago kita ihatid sa academia na iyong papasukan... nakangiting wika ni aurora

Okay po..wika ko

Pagkatapos naming mag-almusal ay kaagad na akong pinahawak sa kamay ni aurora upang maglaho patungo sa academia na aking papasukan. Ilang segundo lang ang aking hinintay bago kami makarating sa loob mismo ng academia.

Hanggang dito nalang ako dahil baka pagkaguluhan pa ako ng mga estudyante kapag na kita nila ako at lalo na baka mapahamak kapa kapag nakita ka ng mga mag-aaral na kasama mo ako....wikan ni aurora

Maraming-maraming salamat po sa lahat-lahat mahal na diyosa...wika ko

Walang ano man Shawn... nakangiti niyang wika bago siya mawala sa aking paningin. Naglakad na ako sa kanilang gymnasium kung saan gaganapin ang pagsusulit. Ano kaya ang kanilang ipapagawa saamin, sana madali lang ng sa ganon ay hindi ako mahirapan na makapasok kaagad. Ng makarating na ako ay saktong-sakto na nagsasalita na ang pinaka pinuno ng paaralang ito.

Ipinaliwanag niya ang lahat ng section sa paaralang ito. Sigurado akong swerte ang mga taga section diamond dahil bibigyan sila ng special treatment ng mga estudyante dito. Pagkatapos ng anunsiyo ng headmaster ay nagsilitawan na ang sinasabi niyang parang bilang crystal upang malaman kung saang section ka nabibilang. Kaagad ko namang hinawakan ang bolang crystal dahilan para itoy magliwanag napapikit naman ako dahil sa liwanag na dulot ng bolang crystal, ng buksan ko ang mga mata ko ay bumungad saakin ang  bahay na kulay gold, so ibig sabihin nasa gold section ako at ito ang bahay na titirhan namin ng mga ka section ko?. Namangha naman ako dahil sa aking iniisip. Papasok na sana ako ng bumungad saaking harapan ang isang papel na kulay gold ang kulay. Ng hawakan ko ito ay tumigil na ito sa kakalutang. Binuksan ko ito at bumungad saakin ang schedule namin para sa aming pag-aaral. Mamaya pa ang aming klase kaya nagpasya muna akong pumunta sa silid na aking tutuluyan upang ayusin ang aking mga gamit na gagamitin ko dito.

Halos na puntahan kuna ang lahat ng silid dito sa bahay na aming titirhan. Isa nalang ang hindi kopa na pupuntahan at iyon ay ang pinaka dulo ng bahay na ito. Ng buksan ko ay bumungad saakin ang tatlong higaan na may naka higa ng dalawang tao. Inilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng silid na ito, may sariling kitchen at cr nadin dito. May tatlong kabinet na ang nandito sa silid na ito. Nakakatuwa talaga dahil kompleto na ang mga kagamitan sa silid na ito.

Ng matapos na akong tumingin sa silid na ito ay nagpasya naman akong ilagaya sa kabinet ang aking mga damit na gawa mismo ng diwatang si aurora. Pagkatapos kung ilagaya ang aking mga gamit sa kabinet ay nagpasya naman akong umidlip muna total mamaya pa naman ang klase.



Vote and comment

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now