Kabanata 1

1.4K 30 2
                                    

BTP KABANATA 1

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga papel na nasa harapan ko. Kakatapos lang ng midterms namin pero nasestress pa rin ako. Kung tutuusin hindi ko dapat iniisip yun. I should be partying by now. Kahit naman mababa lang ang makuha kong marka ay okay lang sa parents ko.

Pumikit ako at sumandal sa inuupuan ko. Nasa may dapitan ako ngayon, kumakain habang iniisip ang exams ko. Tataba ako nito at siguradong papagalitan ako ni Mommy. Ayaw na ayaw niyang tumataba ako dahil mahirap magbawas ng timbang. Hindi rin nakikisabay ang metabolism ko kaya hindi ako pwedeng kumain nang kumain.

"Tara xylo." Napalingon ako sa likuran ko.

"Hindi ako pwede ngayon, Kev. Uuwi ako ng Pampanga bukas para doon magbakasyon."

He rolled her eyes and sat in front of me. Tinitigan niya ang mga papel na nakakalat sa lamesa bago inayos ang mga ito. "Minsan lang naman. Sumama ka na, please? Balita ko maraming gwapo roon," aniya.

I raised my brow. "What do you mean minsan lang? Gabi-gabi ka atang nasa xylo, e." Sabay kaming natawa. "Iinom na nga lang kailangan mahal pa? Pwede namang san mig na lang," I added.

"As if naman iinom ka ng san mig. Sa arte mong 'yan?" Kinurot-kurot pa niya ang tagiliran ko kaya natatawa ako. "Basta, sasama ka sa xylo mamaya."

I shook my head. I tie my black wavy hair into a ponytail. I reach for my makeup kit and retouch my face. 

Napatingin ako kay Kev nang marinig ko siyang magsalita. Hawak-hawak niya ngayon ang isang maliit na papel habang matiim na nakatingin sa hawak niya. Agad nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko kung ano ang hawak niya.

I grabbed the paper from him as fast as I could. His forehead creased and looked at me playfully. His lips lift up, teasing me. "Ikaw, ah. Sino 'yan? I can't believe the great Veraine Maureen has a guy in her wallet. Akala ko ba you don't like boys." Humagalakpak siya.

"Shut up, Kev," I groaned. "This is not mine. Sa blockmate ko 'to." Ipinasok ko sa wallet ko ang litrato na kanina lang ay tinititigan ni Kev.

"In fairness, gwapo 'yung nasa picture. But," tumingin siya sa akin na parang inoobserbahan ako. "You don't have friends inside your building. May I remind you that people hate you because you're such a bitch."

I rolled my eyes on him. Kinuha ko ang tissue na nasa harap ko at binalibag sa kaniya. Saktong-sakto sa ilong niya kaya napahawak siya sa ilong niya. "Ouch! Masakit 'yun, Vera. Ugh, kaka-facial ko lang!"

"Masyadong pasmado bibig mo. Shut up ka na nga."

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh." Ngumuso siya.

Sumimsim ako sa kape na hawak ko at tumingin siya kaniya. "Wala ka namang tinatanong," tipid na tugon ko.

"Ang hirap mong kausap, 'no?" aniya. "So, sino nga 'yang cutie na guy sa wallet mo? Crush mo?" he added. 

"You do know I don't do crushes. It's childish." Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya. "Stop laughing, Kev. Tara na nga sa xylo. I want to unwind."

Sabay kaming pumasok sa sasakyang dala niya sa school. I entered the shotgun seat and wear the seatbelt. May tiwala naman ako kay Kev pero ang mahirap sa kaniya masyado siyang mabilis magpatakbo ng sasakyan. Pakiramdam ko ay aatakihin ako kapag siya ang nagdadrive.

"Should I drive instead?" I asked him. He looked at me and shook his head.

"Fasten your seatbelt. We'll get there in no time," he said and drove us to the bar.

Nakahawak ako sa may pintuan ang sasakyan dahil medyo bumibilis ang pagdadrive niya. Mas lalo akong nainis nang may nadaanan kaming lubak na daanan kaya medyo napatalon ako. I examine at him and he seems unbothered.

Behind The Pain (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang