Kabanata 2

828 27 4
                                    

BTP KABANATA 2 

"You're awake." 

Napamulat ako sa gulat. The sunray welcomed my face. I close my eyes again. Masyadong nakakasilaw ang araw. I felt someone move to block the sunray.

Binuksan ko ang mga mata ko at ganun na lang ang gulat ko nang makilala ko kung sino ang kaharap ko. The guy in the bar! Napanguso ako. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"What's your name?" 'Yon ang unang lumabas sa bibig ko. Napangiwi ako nang biglang sumakit ang ulo ko. 

Hinilot ko ang sintido ko at humiga ulit. Suddenly, the realization hits me.

Agad akong napaupo mula sa hinihigaan ko. My eyes widen and my jaw dropped. I roamed around. This is not my room!

"Drink this," aniya. Inabot niya sa akin ang gamot para sa hangover at tubig. He stood up and leave the room. Tinitigan ko lang ang likod niya habang naglalakad siya. He has broad shoulders, lagi ba siyang nasa gym? His hand veins are popping.

Inilibot ko ulit ang tingin ko sa kwarto. He has a king size bed. The color palette of his room is black, gray and white. Sobrang linis. He has lots of books too. I stood up and walked towards his study table. Puro libro, makakapal na libro.

So, he's from UST Medicine, huh.

I'm guessing he's a first-year med student. I pouted when I realized we have a big gap. I'm just a first-year nursing student.

Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa kusina. Naabutan ko siyang nagluluto ng soup kaya lumapit ako sa kanya. He probably noticed my presence, so he turned his gaze. He's wearing his reading glasses, cooking while reading his trans. Nasa counter table ang iPad niya.

"I'm Veraine Maureen nga pala." I extended my arm. "You probably know me naman since we saw each other last night, but I was out of my mind kagabi, so I want to introduce myself to you."

Kinuha naman niya ang kamay ko at tumungo. "Satan," aniya. "Samuel Nathan."

My jaw dropped. He just shrugged and continue cooking. Sumisilip pa ako sa kanya pero hindi na niya ako tinapunan ng tingin. "As in Satanas is your name?" I asked, hiding my smile. 

Hindi pa rin siya kumikibo. Kung hindi ko lang narinig ang boses niya kanina baka isipin ko na hindi siya nagsasalita. Masyado siyang seryoso at kung tatanungin naman siya tatango o iiling lang siya. 

"You're so tahimik, 'no?" Napanguso ako nang tumango lang siya. But at least tumango siya.

"Alam mo ba, I like you," hagikgik ako. Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. His cheeks flushed and his ears were red. Napangiti ako lalo. "Kinikilig ka ba?" lalong lumakas ang tawa ko nang sinamaan niya ako ng tingin.

"I am not," he rolled his eyes. "Just eat, then go home," he added.

Oh my god, I forgot! Pupunta nga pala ako sa Pampanga ngayon. I need to go to our ancestral house because it's Manang Shane's birthday. 

"I need to go na pala. I have some errands to attend to." Tumayo ako at kumuha ng bread na ininit niya. Kinuha ang mga gamit ko na nasa sofa. Inamoy ko ang katawan ko at napangiwi. Amoy alak ako. I need to go home first. I feel sticky. Liningon ko si Satan at nginitian. "Bye, Satan! See you when I see you."

Nang makababa ako sa lobby sinubukan kong tawagin si Kuya Leo. Sigurado akong nasa condo siya ngayon. Baka hinahanap na rin ako nun. After five minutes, hindi pa rin siya sumasagot kaya tinawagan ko na si Kev. Thank God, he answered my call.

"Gaga ka! Where are you, huh?!" sigaw niya. Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses niya.

"I'm at... uh..." I roamed around, trying to see where I was. "Nasa España ako. Can you please pick me up? I need to go to Pampanga pa for Manang Shane's birthday."

Behind The Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon