pangalawa.

17 0 0
                                    

(tinatamad ako so pagtiyagaan na lang ang malayang tula-ish.)

Galing na mismo sa bibig mo,
sarili mo na ring salita,
wala ni isang taong dumaan sa buhay ko ang naging sigurado sa akin.
Pero kung iisipin,
kahit pala ikaw, hindi rin.

Ang hirap ng masyadong nag-iisip.
Pasensya, nakaugalian, mahirap na tanggalin.
Hindi ko mawari kung takot ba talaga mahulog nang tuluyan sa walang kasiguraduhan,
o sadyang takot na lang sa ikaw ng pang kabuuan.

Alinman sa dalawa, may takot pa rin.
Maganda rin ang matakot, para maihanda ang sarili sa ano mang mangyayari.
Sakaling napagdesisyunan mo nang umalis sa buhay ko,
masaktan man ako'y hindi na magugulat.

Tatanggapin ko rin kung sabihin mo sa akin na urong ka,
maiintindihan ko naman.
Hindi ba't dito ako magaling?
Umintindi.
Parati lang umintindi.
Siguro nga nalilito ka lang.

'Di ako sigurado
kung kakayanin ko pa bang maging "kaibigan".
Dahil pagkatapos ng lahat ng ito,
mananatili na lang himlay ang sentro.
Kung saan nagsimula ang lahat, kung bakit nasasaktan ako.
Puso,
mamamayapa kahit wala nang saysay.
Wala nang buhay.

(072321)

To Fill or Burst, To Break or BuryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang