15 JUL 23 | to break and be buried

5 0 0
                                    

It felt obligatory to write this last part of this book, but I would still do it anyway because I can't leave things unresolved.

Hi,

It's been so long, I forgot about you. If I ever remember, what I only feel is anger. You have betrayed me in ways that you didn't care to face within yourself. I knew you'd push matters on the back of your head, and you'll wait until it haunts you in time. You had this pattern to try and overlap or even cover up the bad circumstances by welcoming a fresh start. It always ends up unresolved, you always choose to run away.

However, I fully admit that I also did stuff during my most desperate times. I tried to keep you when I was the one who pushed you away first. But then, it was just that one time. Ano, trip mo 'ko igaya kay George? Na isang beses lang akong napagod, iniwan mo na ako? Sometimes when I think about that stuff, I question myself: Hindi ba naging enough 'yong pag-unawa ko? Iyong patience ko?

Naalala mo ba no'ng nagtanong ka sa akin kung nababase ba ang greatness ng pagmamahal sa isang tao sa kung gaano katagal bago ka makaget-over? Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko naman na talaga. Sa dalawang beses na nakilala kita sa buhay kong ito, sobrang bilis mong makalayo. Palagi akong naiiwan, pinakiusapan naman kita 'di ba? Hindi ko maintindihan bakit naging mahirap para sa 'yong magsabi. Naiwan ako, e.

Kung naiwan man ako, pinakaalala ko na sa sarili kong huwag hahayaang manlambot pagdating sa 'yo. Takot akong maulit 'yong dati sa unang minahal ko, e. And to speak the truth, I was right. I wasn't stuck for too long. Malaki nga lang ang naging galit ko sa 'yo, umabot sa puntong hindi ko mang nakita na mangyayari 'to no'ng una dahil higit pa yata sa sarili ko ang pagmamahal na mayroon ako sa 'yo.

Hinayaan kong damdamin lahat ng emosyon na dapat kong maramdaman towards you. Maski 'yong mga acts of betrayal mo, dinamdam ko. Sobrang miserable ko, pero alam kong makakalabas ako sa set-up na 'to. Nagtiwala ako nang sobra sa 'yo, inintindi kita na kahit maubos man ako, ayos lang basta para sa 'yo. Minahal kita at lahat ng mga taong nakapaligid sa 'yo. I loved you despite everything. I knew it was a one-of-a-kind love that only existed once in a lifetime.

Sobrang bigat at sakit mang makita ka lang, tiniis ko. Ginusto ko 'to, hindi ba? Naniwala ako sa 'yo at sa pagkatao mo, e. Sa pait ng pakiramdam ko sa 'yo, nakalimutan kong pwede pa palang humingi ng kapatawaran. Pasensya na, wala na rin akong maramdaman. Nilapitan mo ako, pero walang laman ang kaisipan ko. Tanging inaalala ko lang ay kung handa ba akong magpatawad?

Kasi kung sa kapatawaran ang usapan, kung tanggapin ko man ang paghingi mo ng tawad—kinakailangan ko na ring patawarin ang sarili ko. Mapapatawad ko kaya ang sarili ko? Sa mga salitang hindi ko sinadyang banggitin, mga kakilusan na hindi ko napag-isipan, mga panahon na pinili kong magtiis kasi alam kong ganoon naman talaga kapag nagmamahal, lagi at laging may mag-aadjust, kailangang marunong umunawa.

Hinarap kita kahit hindi ako makaramdam ng dapat maramdaman. Kahinaan ko mang tingnan ka sa mata lalo na't alam kong nasasaktan ka, ginawa ko pa rin. Sa huling beses, ipinilit ko. Gustong-gusto kitang sigawan no'n, gusto kong iparamdam sayo gamit ang mga masasakit na salita 'yong ginawa mo sa akin. Kaso wala, e. Ganoon din naman tayo natapos, kung ano-anong nasabi ko't lumayo ka rin. Ewan ko, pero pakiramdam ko lang din ay kaya mo napagdesisyunang harapin ako ay para sa sariling ikabubuti mo—para mapalaya ka lang ng guilt na nararamdaman mo.

Pinangarap kong makasama ka hanggang huli, sa pagkakaalam ko kasi kakampi kita, e. Hindi ko na lang din nakita na kahit pala ikaw, pwede kong makasalungat. Alam mo bang no'ng una ay ayaw ko ring maramdaman ng mga kaibigan mo na kinamumuhian ko sila dahil sa 'yo? Akala ko mapapanindigan ko 'yon. Natakot ako, nakilala ko 'yong iilan sa kanila. Nalaman ko kung anong ginawa niyang pinaka matalik mong kaibigan sa babae. Binibigyan na lang kita ng benefit of the doubt na hindi mo alam, kasi kung alam mo man talaga, kahit kailan siguro hindi na kita patatawarin.

Naging parte ka rin naman ng buhay ko, naranasan ko 'yong nga bagay-bagay sa unang pagkakataon. I thought we had something special, e. No'ng nilapitan mo 'ko, kakaunti lang din ang narinig kong eksplanasyon mula sa 'yo. Hindi na rin ako handang makinig sa kung ano mang sasabihin mo, nagawa mo na bago mo masabi sa akin, e. Pinili mong gawin 'yang mga 'yan. Alam mo bang natuto akong magvape? Kinapitan ko 'yan, lagi rin akong hindi ako makahinga. Naiwan din akong mag-isa, nahirapan akong makisalamuha, at mas lalong kamuntikan na 'kong mag backslide sa church. Pa'no, pinakita mo sa akin 'yong ugali na hindi naman dapat itaglay ng isang Kristiyano. Ang dami kong narinig na tungkol sa 'yo noon. Ni isa wala akong nagustuhan. Iyong betrayal mo rin, na una mo akong inimbitahan sa simbahang 'to, pinangarap ko lang naman ding makasama at makatabi ka kahit isang Sunday service man lang, kaso 'yong nakilala mong wala mang isang taon, nagawa mo agad. Kaya mo palang gawin 'yong mga iyon, 'no? Ako lang pala exception mo.

Sa totoo lang, hindi ko alam anong mararamdaman pagkatapos nating magkapatawaran. Niyakap lang kita para sa ikatatahimik ng huling kahilingan ko man lang no'ng natapos tayo. Alam ko ring parte ng sarili mo hindi makapaniwalang kaya kitang patawarin, hindi ko rin inakala sa sarili ko 'yon. Pagkatapos ng retreat na 'yon, iniyak ko lahat-lahat uli sa Panginoon. Dahil sa retreat na 'yon, naalala kong minsan na akong humandusay before the Lord at paulit-ulit siyang tinanong kung bakit Niya nga ba inallow 'tong sakit na 'to sa akin.

Pagkatapos ng usap na 'yon, mas lalo akong naguluhan sa kung anong dapat maramdaman ko para sa sarili ko. Humanap ako ng sagot. Naghahanap pa rin ako ng sagot. Napatawad na nga ba kita? Kasi kung oo, baka 'yong sarili ko hindi ko pa.

Sobrang sakit na lang ng naidulot mo sa akin kahit alam kong sinubukan naman talaga natin, pinipili ko na lang na kalimutan. Kahit pakiramdam ko hindi ko 'to deserve, sige, okay na lang. Susubukan ko pa ring makisama sa 'yo. Susubukan kong ibalik 'yong dating sigla ko. Kakayanin ko 'to, kinaya ko namang mag-isa bago ka pumarito sa buhay ko.

Kung ano mang mga desisyon ang gagawin mo, sana maghunos-dili ka na rin. Hindi ako natutuwa sa mga narinig kong ginawa mo. Sana itama mo 'yang mga 'yan. Sana magabayan ka pa nang maayos. Sana sa susunod, hindi ka na umulit. Halos tatlo na kami nina Allyza na ginanito mo, sana naman patunayan mo sa aking deserve mo pa 'tong kabaitan na 'to.

Hindi ko ipinagmamalaking minahal kita, pero tanggap kong ginawa ko ito noon. Kahit papaano, proud pa rin ako sa achievements mo. Kasama mo 'ko noong plano pa lang 'yang mga 'yan, e. Ito ako sa huling pagkakataon, sinusulat ko ito para sa iyo. Pagbutihin mo, magbago ka.

Angel

To Fill or Burst, To Break or BuryWhere stories live. Discover now