PROLOGUE

515 41 5
                                    

Disclaimer: Pinky Promise is my second story this is purely work of fiction. So don't expect to much but do expect typographical and grammatical errors from it.

Ikaw yung tao pumasok sa buhay ko na ayaw ko ng umalis pero, pano kung isang araw di ka na mag-pakita. Pano kung di na kita nakikita? Pano kung di na kita nahahawakan? Pano kung di mo na pala ako mahal kaya umalis ka?

MGA TANONG NA NAGSIMULA SA TAO'NG DI KO NAMAN KILALA PERO NAHULOG AKO.

********************

May lakad kame ng boyfriend ko kaya maaga akong nagising di pa ako bumababa kaya wala pang-nambubulaho sakin pati walang pasok ngayon kaya wala'ng gising-gising na gaganap.

Pagbangon ko naligo lang ako at nagbihis. Nasa baba na ako ng makita ko si Mama na naghahanda ng pagkain, di ko pa makita yung magaling kong kapatid kaya wala pang nambibiwisit sakin.

"Oh gising ka na pala anak at bagong ligo san ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"Ah Ma, may lakad kame ni Jayden. Hindi ako nakapag-paalam sainyo ni Papa kagabi kasi may ginawa pa kame ni Alexis." Sagot ko. "Ah Ma, nasan nga pala yung kapatid ko?" Tanong ko pa kay Mama.

"Nasa taas pa di pa nga bumababa yun ie, tawagin mo na kaya kasi kanina pa siya lagabag ng lagabag dun sa kawrto niya?!" Utos pa sakin ni Mama.

Tumango lang ako tas umakyat na. Tama nga si Mama ang ingay ng kapatid ko, nung nasa tapat na ako ng kwarto niya kumatok muna ako pero di parin nabubuksan, edi kumatok uli ako pero wala parin, kumatok ulit ako pero tinawag ko na siya.

"Alexis...!" Sabay katok. "Alexis... Buksan mo naman yung pinto, kung ayaw mo ako ng ang magbubukas isa...dalawa...tatl--." Di ko na natapos yung pagbibilang ko dahil bigla na niya'ng binuksan yung pinto.

"Ate...kanina ka pa diyan?" Tanong niya sakin.

Tumango naman ako, parang maykakaiba kay Alexis ngayon nagbukas lang naman siya ng pinto pero pawis na pawis at hapong-hapo, isa lang ibig sabihin pag-ganya siya, may-nagawa siya'ng kasalan o may nalaman. Kaya nagtanong na ako.

"Bat pawis na pawis ka, nasa loob ka lang naman ng kwarto?" Tanong ko.

"Wala ito ate...uhmm sigi na baba na ako m-maliligo lang a-ako!" Sabi pa niya hinahabol ang hininga.

Tumango lang ako sa kanya at tuluyan ng bumaba. Ng makaratinng ako sa baba napansin agad ako ni Mama.

"Oh asan ang kapatid mo?"

"Naliligo lang Ma, pababa na din yun." Sagot ko. "Ma, wala nama'ng sakit si Alexis ngayon no?" Dagdag ko pa.

Tinignan naman ako ni Mama bago siya sumagot." Wala naman bakit, okay naman siya kagabi diba kayo magkasama." Sabi ni Mama.

"Opo!" Sagot ko na lang. Di ko na sinabe kay Mama kung ano yung nakita ko kanina kay Alexis. Baka naman may nangyari lang sa mga kabigan niya kaya ganon siya pero tatanung ko din, mamaya.

Hinahanap ko ngayun yung bag kong dala pero naalala ko pala na wala akong dinala kanina pagbaba ko, kaya pumanik ako sa taas para kunin nandon kasi yung cellphone ko ie, titignan ko baka may text na sakin si Jayden di ko agad mareplyan kasi wala sakin yung cellphone ko.

Pagdating ko sa taas dumaritso ako sa kwarto ko sa dulo. Kapit ko ng yung cellphone ko pero nagtataka parin ako dahil wala parin text o tawag si Jayden kagabi ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot o kaya di niya sinasagot yung text ko. Eto naman lakad namin ngayon sinabi pa niya sakin nung huli kame'ng magkasama.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now