CHAPTER FIVE

54 30 3
                                    

Talia's Pov

Maaga ako'ng nagpa-gising kay Mama para naman di na maghintay si Jayden sakin. Ang usapan kasi namin susunduin niya ako.

Bumangon na ako para makaligo na, pagkatapos ko nagbihis lang ako at bumaba na para naman makakain. Pagbaba ko nakita ko agad si Mama na naghahain ng pagkain.

"Goodmorning Ma!" Bati ko. Dumaritso ako sa sink para kumuha ng baso lalagyan ng tubig.

"Goodmorning, oh kumain ka na para mahatid na kayo ng Papa mo." Sabi ni Mama.

"Ah Ma, susunduin po pala ako ni Jayden."

"Ah ganon ba, sigi." Sabi ni Mama na may ngiti.

Umupo na ako sa upuan para makakain na. Bumaba na rin ang kapatid ko para naman may kasabay ako. Nang matapos kame, si Alexis lang ang hinatid ni Papa. Ako hinintay ko si Jayden sa labas, sakto naman ng umalis ang sasakyan ni papa siya nama'ng dating ni Jayden.

"Googmorning, Mhie!" Bati niya, sabay halik sa pisngi ko.

"Goodmorning Dhie, kala ko matatagalan ka pa." Sabi ko.

"Pwede ba yun edi nalate yung, Mahal ko." Sabi niya.

"Ehh, cheessy mo talaga, tara na nga." Sabi ko. Nagpaalam lang ako kay Mama at sumakay na ako ng kotse, pinagbukas niya ulit ako ng pinto.

Nasa byahe na kame ng biglang tumunog yung cellphone ni Jayden na nakalagay sa cellphone holder. Sabay naman kame'ng napatingin dun ni Jayden.

Nung makita ko yung pangalan nawala yung ngiti ko sa labi. Pinatay lang naman niya yung tawag, pagpatay niya, siya nama'ng lingon ko sa kanya.

"Sino si Fatima, Dhie?" Tanong ko.

"One of my friends in the states." Di naman siya makaharap sa mga mata ko.

"Pero bakit mo pinatay? Malay mo may sasabihin lang siya?" Tanong ko.

"It's nothing Mhie, she just scratching, there's nothing important to say, she was called earlier." He said.

"Okay." Sabay naman kameng humarap sa isa't-isa at ngumiti.

Pagdating namin sa School, yun parin ang nasa-isip ko. Pano kung di siya kaibigan lang? Pano kung may-kailangan pa siya'ng iba? Teka nga bakit ko ba iniisip yun, pano kung totoo naman pala yung sinasabe ni Jayden di lang ako naniniwala sa kanya.

Pero bakit di siya makatingin sa mga mata ko nung sinasabe niya kung ano niya yung Fatima'ng yun. Pero wala pa naman siya'ng nasasabi tungkol sa Family niya, yung nasa states lang. Tatanungin ko na lang siya pag-kame'ng dalawa na lang.

Nawala lang yung pag-iisip ko ng kinatok na ni Jayden yung bintana sa sasakyan niya. Pagbukas niya lumabas na ako ng may ngiti sa labi kahit binabagabag ako ng pag-iisip.

Kinapitan naman niya yung kamay ko nung bumaba na ako. Sabay ngiti, nahawa naman ako sa ngiti niya kaya kahit na binabagabag ako ng pag-iisip napangiti na lang tuloy ako. Nagtuloy na kame'ng pumasok sa loob.

Nakita naman agad namin ang mga kaibigan ko. Kasama sila Henry at Tyler. Lagi na lang sila ang apat ang nauuna dito sa School.

"Goodmorning, Talia." Bati nila sakin.

"Mornning." Sabi ko naman.

"Sinundo ka ni Jayden?" Tanong ni Aubrey.

"Yes, sa pagkaka-alam ko wala namang masama na sunduin niya ako, kasi Girlfriend niya ako." Sabi ko. Nagkatingin naman sila ni Briella.

"Ayy oh, nag-kaboyfriend lang naging pilosopo na." Dagdag niya pa.

Nagtawanan lang kame at nagtuloy na sa Room, magsisimula na kasi ang lesson. Nakita na namin si Sir na pumasok, kaya pumasok na rin kame.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now