CHAPTER EIGHT

49 28 1
                                    

Talia's Pov

Kinabukasan di ako nag-pagising kay Mama kasi wala nama'ng pasok. Kaya tanghali na ako nagising, dahil napuyat ako sa kakaisip kagabi tungkol dun sa napag-usapan namin nila Aubrey at Briella kahapon. Tinignan ko muna yung cellphone ko, kung may text si Jayden. Pero wala.

Nang bumangon ako dumaritso ako sa C.R para magtoothbrush at hilamos, nagpunas lang ako ng muka para makababa na at makakain. Pagbaba ko wala'ng tao sa baba. Kaya bumalik ako sa taas, tinignan ko yung kwarto ni Mama at Papa. Wala'ng tao. Yung sa kapatid ko naman yung pinuntahan ko pero nakalock, kaya kumatok ako.

"Alexis..." Tawag ko, sabay katok.

"Bakit?" Sigaw niya sakin.

"Buksan mo nga to'ng pinto mo." Utos ko sa kanya.

"Oh. Ano'ng bang meron at nang-gigising ka ng tulog."

"Nasan sila Mama?" Tanong ko.

"Nag-punta sila don sa bahay nung Mr. Fernandez yata. Yung yung sabi ni Mama."

"Ano'ng gagawin nila don?" Tanong ko pa.

"Aba malay ko sana sumana ka para nalaman mo." Pagpipilosopo pa niya sakin.

Tinalikuran ko na lang siya. Aba kung ganyan din naman ang kausap mo wag na lang. Dumaritso ako sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko. Tetext ko si Mama kung ano ang ginagawa nila sa bahay ng Mr. Fernandez na yun.

Pagkatext ko binalibag ko naman ulit yung cellphone ko sa kama ko. Wala naman kasing text o tawag man lang si Jayden, pagtalaga di pa siya tumawag mamaya. Iisipin ko na talagang sila nung Fatima ie. Ih nakakainis.

Umupo ako sa kama ko at nagisip ng nagisip kung sino ba talaga ang paniniwalaan ko yung kutob ko'ng piling ko tama o yung sinasabe ni Jayden na kaibigan niya lang yung babae'ng yun. Hanggang may biglang pumasok sa isip ko. Bigla naman ako'ng tumakbo papunta sa kwarto ng kapatid ko.

"Ano na naman ate..." Sigaw pa niya.

"Buksan mo nga yung pinto?" Utos ko pa.

"Oh, bakit ano na namang itatanong mo?" Tanong niya.

"Kilala mo ba yung Fiance ng ate ni John?" Tanong ko. Dineretso ko na siya, kasi yun di naman ang pinunta ko dito ie.

"Hindi. Ngayon ko lang nga din nalaman na ikakasal na pala yun." Sabi niya.

"Ganto, tanong mo kay John kung sino ang mapapangasawa ng ate niya." Sabi ko pa. Sabay alis sa kwarto niya.

Pumunta na ako sa kusina para makakain na, di naman ako nahirapan pa dahil meron na agad sa lamesa. Ganyan si Mama kung aalis man sila ni Papa mag-iiwan muna siya ng makakain namin magkapatid.

Kumuwa lang ako ng plato at kanin pati na rin ng tubig at baso. Nagluto lang si Mama ng kare-kare. Eto ang favorite ko sa lahat ng niluluto ni Mama samin magkapatid.

Nang matapos ako'ng kumain naghugas ako ng pinagkain ko dahil wala nama'ng tambak sa lababo, baka pa ako pagalitan ni Mama. At nagpunas ng lamesa.

Bumalik lang ako sa kwarto ko para naman makapagreview. Exam na kasi next week gusto kong lang mag-advance reading at highlight ng kailangan ko.

Nag-aaral ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad naman pumasok sa isip ko na baka si Jayden ang nagtext sakin. Pero pagkakita ko bigla si Aubrey lang pala.

From: Aubrey
Talia, nasan ka?

To: Aubrey
Sa bahay. Bakit?

From: Aubrey
Intayin mo kame diyan ni Briella. Aalis tayo.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now