CHAPTER TEN

50 26 1
                                    

Talia's Pov

Kinabukasan wala ako'ng gana kaya, naman muntikan na ako malate sa School pero sinundo ako ni Jayden kaya maaga pa rin.

Di ko alam kung bakit iniisip ko pa rin yung mga napag-usapan nila Mama kagabi. Piling may malaki ako'ng maitutulong kay Papa kaya niya nasabi yon kagabi.

Pero nang makarating ako sa School di ko aiya inisip kasi exam ngayon. Ayokong sama ng loob ang maisagot ko sa exam ngayon baka ako'y di pa makagraduate.

Dalawang exam ang pinatake samin kaya mga twelve natapos ang lahat sa exam. After nun dumaritso kame sa cafeteria para kumain, malamang ano bang ginagawa don.

"Mhie, okay ka lang?" Tanong sakin ni Jayden.

"Oo naman, Dhie." Sabi ko, sabay ngiti.

"Pero bakit ang tahimik mo ngayon?" Dag-dag niya pa.

Napansin niya pala na tahimik ako ngayon.

"H-huh tahimik ba ako ngayon. Di rin naman ako maingay ah."

Nginitian niya lang ako at pinisil ang pisngi ko. Siya ang umorder ng pagkain namin kaya tinigilan na niya ako.

"Grabe ang hirap parin talaga ng Math di naig pa yung Love Life ni, Talia." Sabi ni Briella. Kaya na pa angat yung ulo ko ng marinig yung pangalan ko.

"Bakit naman nasali ang love life ko diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Pano hanggang ngayon wala ka pa ring alam diyan tungkol kay Fatima at Jayden kung iisa lang ba talaga." Sabi naman ni Briella.

Ay nakalimutan ko di ko pa pala nasabi sa kanila na totoo yung hinala namin tatlo. Pero pano kung sabihin ko na sa kanila ngayon di naman siguro magagalit Si Jayden kaibigan niya din naman to'ng dalawa.

"Ang totoo niya, nasabi na sakin ni Jayden kung ano talaga niya si Fatima. Pati tama yung hinala natin na Si Fatima na kapatid ni John at yung tumawag kay Jayden ay iisa." Sabi ko.

Pero yung dalawa ko'ng kaibigan nagkatinginan lang, pero gulat yung mga reaction nila. At sabay pa sila na tumingin sakin.

"Totoo?!" Sigaw nila sabay.

"Oo nga." Ulit ko.

"Eh pano ka. Fiance yun Girlfriend ka lang." Sabi ni Briella.

"Basta. Ang sabi naman sakin ni Jayden ayaw naman niya magpakasal sa babae'ng yun."

"Eh ano bang reason kung bakit kailangan pakasalan ni Jayden yung babae'ng yung?" Tanong ni Aubrey.

"Di ko alam."

"Dapat alamin mo. Pati nauna sayo yun Fiance yun." Sabi ni Briella.

"Pag-isipan ko." Sabi ko na lang.

Bat pa kailangan pag-isipan pwede naman tanungin agad mamaya diba. Bumalik na yung tatlo dala yung mga pag-kain namin.

Lasagna lang ang order nila'ng lahat. Nang maibaba sa tray yung mga pagkain nag-simula na kame kumain.

"Guy's wala nang pasok. Mall tayo." Biglang sabi ni Briella, habang nakain.

"Bakit mo naman naisip yan?" Tanong ni Tyler.

"Wag ka nga kj mo talaga." Sabi ni Briella kay Tyler habang nakatingin pa. "Ano G?" Tanong niya samin. Habang nakatingin.

"Sigi. Game kame ni Aubrey." Sabi ni Henry. Nginitian naman sila ni Briella.

"Kame din. Wala naman kame'ng gagawin ni Talia." Sabi ni Jayden. Habang nakatingin sakin. Nginitian ko siya.

Tinapos lang namin ang pagkain namin. At dumaritso na kame sa Mall, sa kotse ni Jayden ako nakasakay. Dapat kasi isa na lang ang dadalhin namin eh ayaw nung mga kaibigan niya gusto daw solo.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now