CHAPTER SIX

51 29 2
                                    

Talia's Pov

Kinagabihan sabay-sabay kame nila Mama na kumakakain, wala si Papa ngayon kasi nasa trabaho pa. Bukas pa ang uwi niya.

Nang matapos. Si Alexis ang naghugas ng pinagkainan namin, ako naman umakyat na sa taas para naman makapag-linis na. Pagkatapos ko nagbihis lang ako ng terno panjama.

Matutulog na sana ako kaso di ako dinadaan ng antok, kanina pa ako likot ng likot dito sa higaan ko para ako'ng bulate na nilagyan ng asin.

Hanggang sa inagaw ng atensiyon ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Tumayo naman ako para kunin yun.

Nang makuha ko na, dumaritso agad sa pagpindot ng Facebook yung mga kamay ko. May sarili yata'ng isip ang nga kamay ko kaya napindot agad.

Pero teka ano nga ba ang ginagawa ko sa Facebook. Wala naman ako'ng gagawin dito. Nag-iisip ako ng pwede ko'ng gawin ng biglang sumagi sa isip ko yung pangala'ng Fatima kanina sa cellphone ni Jayden.

Agad ko nama'ng sinerch yung pangalan na yun pero ang daming lumabas na picture, isa na dun yun babae'ng model. Eto kaya yung Fatima na natawag sa kanya kanina, pero syempre di ko pinindot yung picture baka hindi. Pati di ko alam ang apelido nung babae.

Binura ko na yung pangalan nung Fatima. Yung kay Jayden naman ang sinerch ko baka naman makita ko dito yung Fatima na tumawag sa kanya.

Pagkaserch ko lumabas agad yung mga kapangalan ni Jayden pero nakita ko kaagad yung sa boyfriend ko talaga. Wala naman ako'ng makita, pero may isang picture ng babae ang umagaw sa atensiyon ko.

Yung kanina'ng Model na babae'ng nakita ko Friend niya, baka naman eto talaga ang Fatima'ng tumawag sa kanya kanina. Pipindutin ko na sana yung profile nung babae para makita ko kung sino yung kasama niya'ng lalaki kaso biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako para mabuksan yung pinto. Pagbukas ko bumungad sakin yun kapatid ko na para'ng gusto na din matulog pero di makatulog.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Si ate Aubrey at ate Briella nasa baba. Hinahanap ka." Sabi niya.

"Huh, bat naman nandito sila?" Tanong ko pa.

"Aba malay ko. Babain mo na nasa baba sila."

Tumango lang ako at binuksan na ng malaki ang pintuan para naman makalabas ako. Pagbaba ko nakita ko nga'ng nasa sala sila kausap si Mama.

"Goodevening tita!" Bati nila kay Mama.

"Goodevening naman mga hija. Gabi na ah andito pa kayo?!" Tanong ni Mama.

"Ma, ako na bahala sa kanila." Sabi ko.

"Osige, sarado mo yung pinto pag-matutulog ka na huh, ilock mo." Bilin pa niya.

"Yes Ma."

Tumabi naman ako sa mga kaibigan ko na nakatingin sakin. Saka naman umakyat si Mama sa kwarto nila ni Papa.

"Oo nga naman gabi na saka kayo nagpunta." Sabi ko.

"Kasi naman sabi ni Henry nag-away daw kayo ni Jayden." Sabi niya. "Totoo ba yun?" Tanong ni Aubrey.

"Hindi, ano lang onting Selos lang para kay Jayden. Kasi naman yung lalaking nakausap ko nung Intrams kasamahan pala ni Papa yung Daddy sa trabaho." Paliwanag ko pa.

"May nakilala kang lalaki nung Intrams tapos di mo sinabe samin." Sabi pa ni Briella.

Para naman di unfair kinwento ko sa kanila yung nangyari nung intrams kung pano ko nakilala yung lalaking damuho na yun na balak pa yata'ng sirain yung Love Life ko.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now