CHAPTER ELEVEN

34 22 0
                                    

Talia's Pov

Kinabukasan wala'ng pasok. Kaya di ako nagpagising kay Mama. Pero pag-baba ko ang ikinagulat ko. Nasa baba sila Mr. Fernandez at si Casper.

Ano'ng ginagawa nila dito? Pati ang aga naman yata. May kailangan kaya si Mr. Fernandez kay Papa, pero kung meron dapat tumawag na lang siya at pinapunta sa Hospital diba.

"Goodmorning, Ma." Bati ko sabay halik sa pisngi niya.

"Goodmorning nak. Gising ka na pala."

"Opo. Bakit andito sila?." Tanong ko.

"May gusto sana kame'ng sabihin anak." Sabi ni Mama.

"Sigi po ano yun?" Tanong ko pa.

Pero wala siyang sinabe. Sinenyasan niya lang ako'ng maupo sa upuan na nasa likod ko, saka tumabi si Casper sakin, pandalawahan na tao kasi ang pwede sa upuan na ito.

Umupo nabdin si Papa at Mama ganon di si Alexis at Mr. Fernandez. Nagsimula ng magkwentuhan sila Papa ng mga nang-yayari sa Hospital hanggang sa makarating tungkol samin ni Casper.

"Hija. Kaya kame nandito ni Casper. Gusto ko kasing mag-kamabutihan kayo ng anak ko ng sa ganon. Kayo ay hindi na mahirapan mag-adjust pag-kayo ay kasal na." Sabi ni Mr. Fernandez.

Na ikinagulat nang muka ko sabay harap sa kanya. Kasal sa tingin nila magpapakasal ako ng ganon ganin lang yung. Kala nila madaling magpakasal sa taong di mo naman gusto.

"Ho... Kasal ho, nagpapatawa ho ba kayo ni hindi pa nga po ako nakagraduate ng College kasal agad. Pati may boyfriend po ako'ng tao." Sabi ko. Habang nakatingin kay Mr. Fernandez.

"Hija. Di pa naman ngayon pagakatapos pa ng Graduate niyo ni Casper kayo magpapakasal. Pati alam naman na ito ng Papa mo." Sabi ulit ni Mr. Fernandez.

"Ma, Pa ano to kala ko ba, okay na kayo samin ni Jayden pero bakit ganon bat kailangan ko'ng magpakasal sa tao'ng di ko naman gusto." Sabi ko habang nakatingin kay Mama at Papa.

"Anak, hindi pa naman ngayon pati malay mo hindi naman talaga kayo ni Jayden. Kasi para kayo sa isa't-isa ni Casper." Sabi ni Papa.

"Ma, ayoko kong magpakasal sa taong di naman ako sasaya." Sabi ko sabay tayo na.

Susundan sana ako ni Alexis sa kwarto ko pero sabi ko wag muna. Bat ganon? Bakit kailangan nilang madisisyon sa taong pakakasalan ko.

Ni di ko nga kilala si Casper. Nakabangga ko lang yun sa School namin tas biglang magpapakasal na kame edi sana pala di na lang ako umuhi nung araw na yun edi sana di ko siya nakilala.

Nung tinawag ako ni Alexis dahil kakain daw ng tanghalian pero sabi ko ayaw ko. Nagbilin din ako na pagdumating si Aubrey at Briella papasukin na lang niya.

Di rin naman nagtagal ng may kumatok sa kwarto ko pero tinanong ko muna kung sino, saka ko lang binuksan si Aubrey at Briella na pala.

"Talia, anong nangyari?" Tanong ni Briella.

"Oo nga. Nagulat na lang ako bigla kang nagchat na may emoji na naiyak pa." Sabi ni Aubrey.

"Sila Papa. Gusto ako ipakasal sa anak ni Mr. Fernandez yung Casper na nakalaban ni Jayden nung intrams."

"Eh ano naman ayaw mo yun... Ano!..." Biglang sabi ni Briella. Pasigaw.

"Ipapakasal ka ng Papa mo sa di mo gustong tao." Sabi ni Aubrey

"Eh panon si Jaydn?" Tanong pa ni Briella.

"Ano'ng pano si Jayden. Syempre di ako pumayag na pakasalan yun no. Mahal ko si Jayden at mahal ako ni Jayden kaya kame lang ang pwede'ng magsama... Okay." Sabi ko.

"Pati may lakad pa tayo sa isang araw dapat wag mo'ng isama yang istrees mo sa Korea naiintindihan mo."--Aubrey.

"Oo naman. Ay oo nga pala bibili kame ni Jayden ng ticket. Teka lang text ko si Jayden." Sabi ko

Tinanguan lang nila ako at tinext ko na si Jayden pero di pa niya nababasa kaya naman tinawagan ko na ng diretso, sabi niya otw na siya kaya naman naligo na ako.

Nasa kwarto naman sila Aubrey at Briella. Pagkatapos ko nagbihis lang ako at sabay sabay na kame'ng lumabas ni Aubrey at Briella.

Andoon na din si Jayden sa tapat ng bahay. Di ko naman na napasin yung sasakyan nila Mr. Fernandez kaya naisip ko na baka wala na sila.

"Goodafternoon, Mhie." Bati ni Jaydn, sabay halik sa labi ko.

"Goodafternoon din, Dhie." Sabi ko sabay halik din sa kanya.

Yumakap na rin ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. Hayaan mo Dhie kahit ano'ng mangyari di kita ipagpapalit kahit kanino, kahit pa ano. Sabi ko sa sarili ko.

Sila Aubrey at Briella naman umuwi na di sila sumabay samin dahil may dalang kotse si Aubrey kaya dun na sumabay si Briella.

Kame naman ni Jayden, nagpunta sa bahay ng Family niya. Pagdating namin dun, tumawag siya sa source niya para makabili kame ng ticket to korea.

Di rin nagtagal ng may tumawag sa kanya at may nakuha na daw na walo nagtaka naman ako dahil wala yung pinakuha niya eh aanim langbkame.

"Dhie, bakit walo yung pinabili mo?" Tanong ko.

"Secret malalaman mo din." Sabi niya sabay akbay sakin.

Di rin naman kame nagtagal sa bahay nila dahil yung oras na natitira namin ay iginala na lang namin sa pag-iikot sa park at gumawa din kame ng ibang memories sa ibang lugar.

Kumain din kame sa masasarap na pagkain. Medyo sumakit pa nga yung tiyan ko kasi sobrang dami talaga'ng pinakain sakin ni Jayden.

At pati nakalimutan ko na yung napag-usapan namin nila Papa at Mama kanina'ng umaga dahil kasama ko ngayon yung tao'ng gusto ko'ng pakasalan.

Magkahawak kamay kame'ng dalawa ni Jayden na naglalakad sa Park habang nakikita yung mga bata na naglalaro, nagtatakbuhan, nagtatawanan at nagkakasiyahan na mga magula'ng dahil sa nakikita nila.

Kaya napangiti ako. Napansin ko na parang tumigil yung paglalakad kasi tumigil din si Jayden. Yung pala nakatingin siya sakin, gawa yata nung ngiti ko.

"Gusto mo ng baby, kaya ka ba na ngiti?" Tanong ni Jayden.

Siniko ko naman siya pero di naman malakas, naramdaman ko din na naginit yung muka ko. Napatingin ako sa kanya at sumagot.

"Pag-sinabe ko bang oo bibigayan mo ko." Sabi ko. Di ko alam kung bakit ko sinabe yon, o dahil yata sa kagustuhan ko na wag na magpakasal kay Casper.

"Oo naman, pero gusto ko kasal muna tayo. Pati di pa tayo Graduate." Sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabe niya. Totoo naman yun. Sana ganon din sila Mama at Papa sakin. Ayaw ko pa magpakasal, lalo'ng ayaw ko magpakasal sa tao'ng di ko naman gusto.

Nang matapos kame gumala. Hinatid ako ni Jayden sa bahay. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya, sweet talaga ng mahal ko.

"Ingat ka Dhie. I Love you!"

"I Love you too, Mhie!"

Nang makaalis na siya saka lang ako pumasok sa bahay. Kahit naman may sama ako ng loob sa mga magulang ko dahil guato nila ako ipakasal sa taong di ko naman gusto ko.

Ehh magulang ko pa rin sila. Kaya naman nagpaalam ako na pupunta kame ng mga kaibigan ko sa korea wala namang problema kay Mama at Papa.

Nung kinagabihan di ako kumain kasi sabi ko kumain kame ni Jayden sa labas, nirespeto naman nila yung sinabe ko. Kasi nag-paalam ako kanina sa kanila na lalabas kame ni Jayden.

PINKY PROMISE.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now