CHAPTER FIFTEEN

35 21 0
                                    

Talia's Pov

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Hindi na ako nakabalik sa pagtulog dahil gusto kong tumulong sa pagluluto ni Mama, papasok na sana ako sa C.R ng kunin ko ang cellphone ko para maitext si Jayden, ng magsend saka lang ako tumuloy sa C.R.

Pagkatapos ko'ng magtoothbrush at maghilamos ay bumababa na ako, pero tumigil ako sa kwarto ng kapatid ko. Kumatok ako ng tatlo'ng beses para magising siya. Di rin nagtagal lumabas si Alexis na nakakunot ang noo.

"Bakit ba, ate. Ang aga-aga nang-gigising ka?"

"Bumangon ka na diyan yung mga kaibigan mo ang iingay sa baba." Sabi ko.

"Bakit bumaba ka na ba?"

"Hindi pa."

"Eh pano mo nalaman na nandyan sila?"

Kung hindi baga naman tanga tong kapatid ko malamang narinig ko kaya nga ako nagising ie.

"Syemre narinig ko lalo na yung bakla mong kaibigan." Sabi ko.

"Ah talaga, sigi na ate baba na ako maghihilamos lang ako." Sabi pa niya.

"Hmm."

Nginitian niya lang ako at sinarado na ang pinto. Ako naman tumuloy na sa pagbaba. Nagulat nga lang ako ng ang dami'ng bata. Kaya dumaritso ako sa kusina.

Narinig kong may kausap si Mama pagkakita ko yung mga tita ko pala, kaya naman pala ang daming mga bata ie.

"Oh hija gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinhintay ng Tita Selena mo magising." Sabi ni tita Satana

"Goodmoring po!" Bati ko.

"Napakaganda talaga ng pamangkin kong ito. Pero matanong ko lang may Boyfriend ka na ba hija?" Tanong ni Tita Satana.

"Opo, Tita." Sagot ko.

"Dapat lang hija hindi sinasayang ang kagandahan natin. Pero maiba tayo, pwede mo bang ipakilala samin ang magiting na ginoo na ito?" Tanong ni Tita Selena.

"Opo, pupunta po siya mamaya." Sabi ko.

"Mabuti, gusto namin siya kilatisin." Sabi nila Tita ng sabay.

Kakaiba talaga tong mga Tita kong to. Masyadong makaluma. Pero di ko maalis sa kanila yung mga laki'ng espanyola si Mama at mga kapatid niya. Si Tita Selena ang panganay sa kanila siya din ang unang nag-ka-asawa gawa ng pamilya nila ni Mama kung baga naging Arrange Marriage ang kasal ng Tita Selena, pero nag-kaanak naman sila ng asawa niya dalawa'ng lalaki.

Si Tita Satana naman ang bunso, pero hindi naging Arrange Marriage ang kasal nila dahil sadyang maginoo at may yaman ang napangasawa niya kaya wala'ng nagawa si Lolo at Lola. Nag-kaanak sila ng Tatlo'ng Maria.

Si Mama naman ang pangalawa, hindi din Arrange Marriage ang nangyari sa kanila ni Papa, dahil katulad niya si Tita Satana na mayaman ang napangasawa, pero nagbago lang yun ng itakwil ni Mr. Guillermo si Papa na sarili niya'ng anak dahil may gusto ipakasal kay Papa si Mr. Guillermo na mayaman din. Pero hindi naman laki si Mama sa hirap ng mga panahon na yun dahil nasa Spain sila nila Tita at magulang nila.

Nabalik lang ako sa ulirat ng danggiin ako ni Alexis. "Bakit?" Tanong ko.

"Ate, kanina pa kita tinatawag di mo ba ako marinig."

"Huh, ano ba yun?"

"Sabi ko halika na gawin na natin yung Salad at Macaroni, gusto na daw matikman ng mga kaibigan ko."

"Sigi." Yun na lang ang nasagot ko.

Sabay na kame'ng nagtungo ng kapatid ko sa kusina, kahit maraming nagluluto doon kasya pa naman kame dahil malaki-laki ang kusina namin.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now