CHAPTER TWO

93 36 2
                                    

Talia's Pov

Ginising ako ni Mama kaya bumangon na ako agad, ayaw ko kasi'ng nalalate sa School kahit na, napuyat ako kagabi dahil binabagabag ako ng naramdaman ko kay Jayden kahapon.

Ang hirap iexplaine nung naramdaman ko pero isa lang ang alam ko, mahuhulog na ako sa--- KAMA.

"ARAYYY...!" Sigaw ko.

Bigla namang pumasok sa kwarto ko yung kapatid ko, nung marinig niya na sumisigaw ako.

"Ate anong nangyayari sayo?"

"Ano pa, edi nalaglag sa kama, tulungan mo kaya ako'ng tumayo!"

Tinulungan nga ako ng kapatid ko'ng tumayo, pero ang sakit ng pwetan ko, piling ko di ako makakapasok. Pero hindi pwede yun, hindi pwede'ng hindi ko makikita si Jayden... Hindi.

"Hay nako ate, tama si ate Aubrey no, may gusto ka na dun sa kaibigan ng boyfriend niya no, kaya nagmamadali ka ,para makita mo na." Pag-eetchos pa niya sakin.

"Hoy bata ka, wag ka nga naniniwala diyan sa mga pinag-sasabi ni Aubrey, hindi totoo yun." Sabi ko.

"Edi wag maniwala, pero pag yun totoo, magdidiwang pa ako hahahaha!" Habol niya pa.

Nakatayo na ako pero ramdam ko parin yung sakit ng katawan ko, kanina pwetan lang ngayon buo na. Nang matapos ako maligo at magbihis bumababa na ako para makakain na, naabutan ko si Alexis na nakain na sa baba, kaya naupo narin ako.

Nang matapos kame sa pagkain, lumabas na kame ng gate hinihintay na kasi kame ni Papa para ihatid sa School. Si Papa ang naghahatid samin sa School at saka siya papasok sa trabaho. Si mama naman sa bahay lang nananahi siya don, libangan na niya yon.

Nang makarating kame sa School hinalikan lang namin si Papa sa pisngi at bumaba na, pero may sinabi na muna siya.

"Di ko na kayo masusundo mamaya katulad kahapon dahil may gagawin pa ako." Sabi ni Papa.

"Opo Pa, ingat!" Sabi ko at umalis na kame dun.

Nasa hallway na kame ng makita ko sila Aubrey at Briella kasama yung boyfriend niya pero, di nila kasama si Jayden. Ng makalapit kame sa kanila nagpaalam na yung kapatid ko na papasok na daw siya sa klase niya.

Pero ako lingon lang ng lang sa kaliwa at kanan, baka sa kaling makita siya, pero wala di kaya malalate lang, nahulog pa ako sa kama para makita lang siya tas ngayon wala. Bakit kaya?

"Goodmorning Talia...bat ka lingon ng lingon?" Tanong sakin ni Briella. Nakita ko pa siya'ng humarap kay Aubrey ,Henry at Tyler.

Napansin pala nila na lingon ako ng lingon. "Goodmorning din...wala naman tinignan ko lang yung kapatid ko kung dumaritso sa Classroom nila." Palusot ko pa. Sana naman maniwala sila.

"Hindi ie, parang may hinahanap ka!" Pang-eetchos pa nila sakin.

"At sino naman ang hahanapin ko?!" Tanong ko sa kanila.

"Ayun ohh." Sabay turo sa likod ko.

Pagharap ko nakita ko si Jayden, bigla pang nagheart-heart yung mga mata ko, kala ko di ko siya makikita ngayon ie.

"Goodmorning, kanina pa kita sinusundan pero di ka naman humaharap sa likod mo." Sabi niya sabay ngiti.

Ang cute ng ngiti niya nakaka-inlove.

"Goodmorning, di mo naman ako tinatawag ie, kaya pano ako haharap?" Tanong ko pa sa kanya.

"Oo sigi na, tama na yan. Tayo'y pumasok na baka malate pa tayo." Biglang epal ng mga kaibigan namin.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now