CHAPTER SIXTEEN

40 20 0
                                    

Talia's Pov

After New year

Nandito kame sa bahay nila Aubrey di ko kasama si Jayden at yung boyfriend nila. Nahihiya ako kay Jayden ayaw ko'ng magpakita sa kanya. Kaya naman nandito ako sa bahay nila Aubrey kasi sinabe ko sa kanila na may nangyari samin ni Jayden, kaya sinisermunan nila ako'ng dalawa.

Kakasabi lang ni Tita Selena nung pasko tas sinuway ko na naman ulit, bale di lang pala isa lang ano dalawa pa. Nabalik ako sa ulirat ng may tumamang una sa mukha ko.

"Ano ba kasi, bat ba nambabato kayo ng unan."

"Tanga ka ba, hayy nako Talia, di ka ba nag-iisip." Naiiritang sabi ni Aubrey. "Bat naman bumigay ka agad, pano kung nalaman yan ng Mama mo kame malilintikan niya eh, tayo ang magkakasama nung New year." Dag-dag pa niya.

"Wag ka ngang OA Aubrey, di naman ako buntis."

"Yung nga eh, wala pa baka naman ulitin niyo pa." Sermon pa ni Briella.

"Hindi na nga, pati wala ng mauulit last na yun, promise. Pero sa ngayon, sigi na Friend wag niyo lang sabihin sa kapatid ko o kay Mama papagalitan ako non, lalo na si Papa."

"Sigi na, sigi na. Alam mo naman na malakas ka samin, pati kung di lang kita kaibigan baka di lang yan ang aabutin mo!" Sabi ni Aubrey, sabay yakap sakin. Kaya binalikan ko siya ng yakap, sumama na din si Briella.

Nanood kame ng horror movie ng tumawag yung kapatid ko kay Aubrey, di ko kasi sinabe sa kanya kung saan ako pupunta kaya ayon naghahanap ng pagtatanungan.

Sinagot naman agad ni Aubrey yung tawag. Ako naman tinignan ko yung Cellphone ko, kasi kanina pa di nagtetext si Jayden sa mga tawag at Text ko bat kaya. Tuloy pa kaya yung lakad namin bukas.

Bigla namang pumasok si Aubrey. "Pupunta daw yung kapatid mo." Sabi ni Aubrey, tumango naman ako.

"Magluluto lang ako ng ulam natin." Sabi ni Briella.

"Ano'ng lulutuin mo?" Tanong ko.

"Syempre yung paborito mo."

"Yeheyy, mahal na mahal niyo talaga ako!"

"Ano'ng mahal." Nagulat ako sa pagkasulpot ng kapatid ko sabay yakap sakin.

"Ang baho mo naman, lumayo-layo ka nga!" Naiirita ko'ng sabi.

"Ano'ng mabaho ka diyan, eh pagpunta ko dito naligo muna ako at nagtaxi, may aircon kaya yung taxi'ng sinakyan ko." Pagmamalaki pa niya.

"Eh basta lumayo ka, di ko gusto yang amoy mo nahihilo ako, ay ang sakit ng ulo ko pahiga muna sa kwarto mo Aubrey. Ang baho mo Alexis!" Sigaw ko sa kapatid ko.

"Hindi ako yun, ikaw yun." Sigaw din ng kapatid ko.

Di ko siya pinansin tumuloy lang ako sa pagpasok sa kwarto ni Aubrey, pero pahiga na ako ng bigla kong maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko, kaya tumakbo ako sa C.R para sumuka.

Pagkalabas ko humiga na talaga ako ng tuluyan ang sakit ng ulo ko. Ginising ako ni Briella dahil kakain na daw, bat di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pero okay na din medyo nawala yung sakit ng ulo ko. Bumabaliktad na lang yung sikmura ko at nasusuka.

Baka gutom lang tong nararamdaman ko, pero bakit naamoy ko lang yung ulam dumuwal na ako. Tumakbo ako sa lababo bago ko pa maduwal sa kinakain ko.

"Talia, okay ka lang?" Tanong ni Aubrey. Nasa likod niya si Alexis at Briella.

"Oo naman nagugutom lang ako." Sabi ko pa. Tumango naman siya.

"Oh tara na kumain na tayo para naman mawala na yang gutom mo."

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now