CHAPTER FOURTEEN

36 22 0
                                    

Talia's Pov

Katulad nga ng sabi ni Mama maaga niya kame ginising magkapatid para maaga rin namin maabutan yung mga kailangan bilin sa Supermarket.

Nag-pahatid lang kame kay Papa sa Supermarket at dumaritso na siya sa Hospital para magtrabaho. Nakapasok na kame, kumuha lang nang Cart si Alexis siya na ang kumuha kasi gusto niya siya ang magdala.

Dumaritso kame nila Mama sa mga seafood's at mga karne. Mga ito kasi ang kailangan ni Mama pagnag-hahanda. Kare-kare, kaldereta,adobo, piniritong isda ang mga niluluto ni Mama pag-pasko at hindi nawawala ang paboritong pagkain ni Mama ang minudo.

Nang makuha na namin nila Mama yung pinachap-chap niya'ng mga manok at baboy. Pumunta naman kame sa mga salad dish. Gumagawa kasi kame ni Alexis ng salad at macaroni pag-pasko kasi sa bahay nagpapasko yung dalawa kong kaibigan, ngayon na dagdagan na kame kaya marami na ang gagawin namin.

Inimbitahan ni Mama si Jayden at mga kaibigan neto na sa bahay na lang mag-pasko at bagong taon. Hindi naman nakatanggi yung mag-kakaibigan kasi si Mama na ang nang-imibita.

Pagkatapos namin mamili pumunta na kame ng cashier para mag-bayad, iniabot na ni Mama yung ATM niya at kinuha yung pinamili namin. Nang maibalik ng kahera yung ATM ni Mama lumabas na kame.

Nung Pauwi na kame sumakay lang kame ng Jeep, di ko pa kasi nakukuha yung license ko kaya di pa ako pwede humawak ng manobela. Ayaw ko din naman higit wala pa nga talaga.

Nasa bahay na kame ng magtanong si Mama. "Alexis, si John ba dito mag-papasko?" Tanong ni Mama.

"Ma, di ko pa naitatanong pero sabi niya sakin nung may-pasok pa baka umuwi siya sa state's anodon na din kasi yung ate niya na naipakilala ko sa inyo." Sabi niya.

"Ah, ganon, buti naman para kumpleto silang mag-pasko." Sabi ni Mama.

Tumango lang si Alexis sa sinabe ni Mama. Paakyat na dapat ako ng magsalita ulit si Mama, pero ako naman ang kausap.

"Talia, pakitunguhan mo naman ng maayos si Mr. Fernandez at ang anak niya'ng si Casper, kasi dito sila magpapasko!" Sabi ni Mama.

"Ma, bakit dito alam mo naman na inimbitahan mo din si Jayden?" Tanong ko.

"Anak sinabe lang din ng Papa mo, kaya pagbigayan mo na please."

"Pero Ma, wala ba sila'ng makakasama sa bahay nila at doon mag-pasko." Sabi ko.

"Anak matagal ng wala'ng ina si Casper." Napatigil ako sa sinabe ni Mama. Wala nang Ina si Casper.

"Kaya anak sigi na kahit sa Pasko lang." Sabi ni Mama na may pagmamaka-awa.

"Ita-try ko po!" Sabi ko. Sabay panik sa taas.

Bat naman ngayon lang sinabe ni Mama, eh nakita na ni Jayden si Casper pano kung mag-pangabot silang dalawa. Talaga naman oh. Ano'ng gagawin ko? Di ko naman pwede sabihin kay Jayden na wag na lang pumunta. Bahala na nga.

Nang marating ko yung kwarto ko naligo na ako nagpunas at nagbihis. Papaupo na ako sa study table ng tumunog yung Cellphone ko na nasa kama. Kaya tumayo ako at kinuha yun.

Pagkakita ko nang kung sino ang nagtext biglang lumabas yung ngiti ko.

Messege: Dhie❤
Nakauwi ka na, Mhie?

Messege:Dhie❤
Opo, Dhie. Nasan ka?

Sumagot agad ako sa text niya nung makita ko'ng si Jayden yung nagtext. Nasabi ko din nga pala na bibili kame ng mga gagamitin ni Mama sa kanya.

Bibitawan ko na sana yung Cellphone ko ng magtext ulit si Jayden.

Messege: Dhie❤
Nasa Condo Mhie, di naman ako natutulog sa bahay.

Nagtext lang ako sa kanya at tumuloy na sa pag-upo sa study table ko.

NAGHAHAIN si Mama ng bumaba ako galing sa taas tinawag ako Alexis na kakain na kaya bumaba ako, pati nandito na rin pala si Papa. Sabay sabay kame'ng kumakain ng magsalita si Papa.

"Alexis, gusto ko'ng itanong kung dito ba magpapasko si John?"

"Di ko pa alam, Pa. Pero tatanong ko din."

"Ikaw, Talia yung mga kaibigan mo?"

"Opo, Pa!"

"Katulad ng hinihingi ng Mama mo ng pabor, Talia. Baka pwede na pakitunguhan mo ng maayos si Casper at ang Tatay niya, dito sila magpapasko."

"Ita-try ko po." Sabi ko na lang.

"Wag mong itry, gawin mo dahil pag-kagraduate mo kayo din dalawa ang magsasama. Nagpag-usapan na namin ni Mr. Fernandez ang kasal niyo." Sabi ni Papa na nag-painit sa ulo ko. Nabitawan ko yung tinidor ko ng sabihin niya yun.

"Pa, kailan ko ba uulitin na di ako magpapakasal sa tao'ng di ko naman mahal!"

"At sino ang gusto mo'ng pakasalan yung Boyfriend mo ngayon?!" Patanong niya'ng sabi.

"Talia, isa lang gusto ko'ng hilingin sayo sana naman magkasundo kayo ni Casper yun lang. Pakikiusapan ko din si Jayden na wag ng magselos kay Casper."

Tumango ako kay Papa, tama naman siya ang auaw ko pa lang naman yung magkita si Jayden at Casper baka magpang-abot yung dalawa bukas dito sa bahay.

Mas okay na rin na alam ni Jayden na sila Papa ang may gusto. Nang matapos kame kumain nagligpit lang ako, si Alexis ang maghuhugas kaya naman ako ang nagligpit.

Pag-katapos ko umakyat na ako sa taas dahil baka kanina pa nag-iintay na ng reply yung mahal ko dahil iniwan ko yung Cellphone ko sa taas.

Pag-dating ko sa kwarto chineck ko muna yung Cellphone, ng mapansin na wala pa naman naglinis muna ako. Pabihis na ako ng biglang tumunog yung Phone ko.

Alam kong si Jayden na yun.

Pero nagbihis muna ako ng tuluyan at umupo sa kama. Terno short's ang suot ko ngayon dahil naiinitan ako. Tinext ko na si Jaydn ng makaupo ako. Makalipas ang mga kalahating oras ng mag-paalam na ako sa kanya kasi inaantok na ako.

Messege: Dhie❤
Goodnight Dhie, I love yoo, I'll see you tommorow.

Messege: Dhie❤
Goodnight Mhie, I love you, too. Okay I'll see you... Tommorow.

Nagsend lang ako ng three heart's sa kanya at binitawan na yung Cellphoe ko sa gili ng table. Nagkumot lang ako ng ipikit ko na yung mga mata ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

PINKY PROMISE.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now