CHAPTER THIRTEEN

37 21 0
                                    

Talia's Pov

"Wow ang ganda. Talia, bili picturan mo ko." Sabi ni Briella. Sabay abot sakin ng DSLR niya.

"Wag na." Sabi ni Tyler. Saka kinuha yung Camera sa kamay ko.

"At bakit wag na. Ang kj talaga nito." Sabi pa ni Briella.

"Kasi maganda ka na." Sabi pa ni Tyler, na nagpablush sa muka ni Briella.

Nginitian namin yung dalawa, ngayon lang yan mamaya bangayan na naman. Di rin nagtagal sa kame'ng magkakaibigan ang nagpicture, para'ng group picture.

Nagikot-ikot kame sa buong paligid. Sila Briella, Aubre at Alexis nilaro ng nilaro yung Cherry blossom na nalalaglag sa puno. Sinasaboy nila sa isa't-isa.

"Bakit ikaw, ayaw mong sumali sa kanina?" Tanong ni Jayden. Kaming dalawa lang ang mag-kasama dahil kasama nung tatlo yung mga boys.

"At bakit ikaw ayaw mo din sumama sa kanina?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Nauna ako. Bakit nga?" Tanong niya ulit.

"Kasi ayaw ko lang." Sagot ko.

Totoo naman wala pa ako'ng balak maglaro ng Cherry blossom no, mabango siya pero tinatamad ako'ng gumalawa ngayon. Pati pinefeel ko yung ganda ng paligid.

Nag-iisip ako ng bigla ako'ng sabuyan ng Cherry blossom sa muka. Pagharap ko si Jayden ang nagsabuy sa muka mo. Kaya gumanti ako. Ayon nag-gantihan kame.

Ayun sumali na rin yung anim samin. Para kame mga batang naglalaro ng una sa loob ng kwarto, ang pinag-kaiba nga lang sa labas kame sa Cherry blossom to hindi bulak.

Nang mapagod kame sa ginagawa namin naghanap kame ng pwede'ng makainan na malapit. Di rin nagtagal may nakita kame'ng retaurant kaya naman pumasok na kame.

Katulad kagabi mga boy's ulit ang nagbili ng pagkain namin. Inintay lang namin sila sa lamesa malapit sa glass window. Lingon lang ako ng lingon ng may mapansin ako'ng taong pamilyar. Nang makita ko siya nakatayo lang malapit sa kinakainan namin ngayon.

Anong ginagawa niya dito. Mag-isa talaga? Tanong ko sa isip.

Natigil lang ako sa pagtingin sa labas ng dumating na sila Jayden dala yung mga pagkain. Pagkatapos namin kumain. Nagikot pa kame ng onti at napagdesiyunan ng umuwi.

KINABUKASAN tinanghali ako ng gising dahil nanood pa kame ni Jayden kahapon ng hapon nung pag-uwi namin. Ngayon naman pupunta kame sa mga store at botique dito sa Korea.

Para sa souvinir katulad ng sinabe ko nung isang-araw. Puro keychain lang yung mga natitipuhan ko mayroon BTS Keychain BLACKPINK Keychain at marami pang-iba. Bukas ng gabi ang Flight namin pabalik sa pinas

"Okay na yan nakuha mo?" Tanong ni Jayden.

"Oo. Pero nasan yung sayo?" Balit na tanong ko.

"Andito sa tabi ko." Sabi niya na ikinakunot ng muka ko. Eh bukod sa ako ang katabi niya wala na.

"Nasan?" Tanong ko pa.

"Ikaw!" Sabi niya.

"Muka ba ako'ng keychaine?" Tanong ko.

Pero di ako sinagot ng damuho. May pa-alis alis pa eh mahal naman ako. Kaya sinundan ko sabi niya siya magbabayad ie. Nang makalapit ako sa kanya iniabot ko lahat ng hawak ko sa kanya.

"Bayaran mo." Sabi ko sabay abot.

"Talaga lang huh."

"Yess, sabi mo ie."

Nginitian niya lang ako at pumunta na ng Cashier at binayadan yung mga keychain na kinuha ko at yung stuftoys ng BTS si Tata, Cooky at Shooky. Ang tagal ko ng hinihintay kung sino ang bibili ng mga stuf toy's ng BTS sakin.

Iniabot niya sakin yung paper bag kung saan nakalagay yung mga binili ko pero siya ang nagbayad diba. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko.

Hinintay namin yung anim kung kailan sila matatapos. Di rin nagtagal nag-aya na silang lahat na bumalik na sa hotel dahil magaayos pa daw sila ng gamit, kame din naman ni Alexis kailangan na din namin magligpit.

Pagbalik sa hotel nagpahinga lang ako bago ko naisipang simpanin yung mga dala kong gamit. Nang maayos ko na, nagulat ako kasi may dumating na mga pagkain eh wala naman akong sinabe kanina nung umakyat kame.

Pinagbuksan ko na lang siya ng pinto ng kwarto para maipasok na niya yung mga dala niya'ng pagkain.

"Alexis...tara na kakain na." Tawag ko sa kapatid ko.

"Eto na ate." Sagot niya sakin.

Paglabas niya umupo na siya sa bakanteng upuan at kumain na kame. Pagtapos naming kumain naligo na din kame dahil para wala na kame gagawin mamaya pag-alis. Alsyete pa yung flight namin kaya may oras pa kaming mag-ayos.

************

Nandito na kame sa airport nagchecheck na ng mga ticket yung flightattendant. Nang makasakay kame sa eroplano, ganon parin yung mga ayos namin. Makakatabi parin yung mag-jojowa.

Paland na kame ng gisingin ako ni Jayden. Paglabas namin kinuha lang ni Jayden yung laguage namin. May naghihintay na van sa labas para sumundo samin ngayon.

Yung van na to ang naghatid sa amin nung kame rin ay paalis na. Hinatid lang kame nila Jayden sa bahay namin.

"Goodnight , Mhie. I Love You!" Sabi niya at sabay halik sa labi ko.

"Goodnight, Dhie ingat kayo huh. I Love You, Too." Sabi ko sabay halik sa kanya.

Ibinaba muna niya yung laguage naming magkapatid at sumakay na sa van, pero humabol pa ng isang halik. Kaya napangiti ako.

"Anak nandyan na pala kayo. Dapat nagsabi kayo na pauwi na kaya para naman nasundo namin kayo ng papa mo." Sabi ni Mama sabay halik sa pisngi namin magkapatid.

"Ma, may sundo si Jayden na van kaya dun na kame sumakay lahat." Sabi ko.

"Ah ganon, mabuti di ka pinapabayaan ng boyfriend mo. O siya kumain na ba kayo halika at kumain na tayo ng sabay-sabay." Sabi pa niya.

"Hindi po ako kakain Ma, kumain po kame dun sa eroplano kanina kaya busog po ako." Sabi namin magkapatid.

"Ganon ba, oh sigi kayo'y matulog na pagod pa naman kayo sa byahe. At siya nga pala bibili ang ng gagamitin natin sa Christmas at New year bukas, wag niyo na lang ako samahan para naman maka-pagpahinga pa kayo."

"Nako Ma, hindi po sasama parin kame sayo hindi naman po ako napagod, pati gusto ko pong sumama sa inyo bukas, pati dun na lang po tayo nakakapagsama'ng tatlo." Sabi ko.

"Ganon ba Talia, oh sigi maaga tayong aalis bukas, at baka magkaubusan ng kakailangan natin dahil maraming bumibili."

"Opo Ma, sigi po akyat na kame."

Tumango lang si Mama sakin. Katulad nga ng sinabe ko umakyat na kame magkapatid, papasok na sana ako ng kwarto ng magsalita si Alexis.

"Ate di ka naman galit kay Mama at Papa diba?"

"At bakit naman ako magagalit sa kanila?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Kasi di ipapakasal ka nila sa tao'ng di mo naman gusto."

"Alexis, wala ako'ng karapatan na magalit sa kanila okay, pero aaminin ko nung una dinamdam ko yung sinabe nila pero ngayon wala na yung okay na ulit kame nila Mama at Papa, kasi mga magulang ko sila iniisip lang nila yung nakakabuti sakin."

"Pero ate mahal mo si kuya Jayden pano siya?" Tanong niya.

"Oo mahal na mahal. Pero kaya ko naman na pakiusapan si Mama at Papa na di ako magpapakasal kay Casper lalo't na di pa ako graduate."

Tumango-tango siya sakin bago siya pumasok sa kwarto niya, ganun din ako pumasok na ng kwarto. Naglinis lang ako at nahiga na sa kama.

Di ko pa inaayos yung mga damit ko bukas na lang tinatamad na ako ngayon at inaantok na kaya pumikit na ako at gumawa ng paraan para dalawin ng anto. Di rin nagtagal dinalaw na ako ng antok kaya nakatulog na ako.

PINKY PROMISE.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now