CHAPTER EIGTHTEEN

31 17 0
                                    

Talia's Pov

After three year's

"Anak, wag naman lagay ng lagay ng chocolate's sa basket, puro chocolate ka na sa bahay." Sabi ko kay Jaycee.

"Pero Mommy, one lang naman yun eh!" Sagot niya sakin, sabay pacute pa.

"Sigi na po!" Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Nandito kame ngayon sa super market. Bumibili ng mga gamit sa bahay at pangagailangan ng anak ko. Kakaout ko lang sa trabaho at sinundo ang anak ko sa School niya.

Pupunta pa din kame sa bahay ng Mama ko at gusto daw makita ang apo niya. Nang makuha lahat ng kailangan ay nagbayad na kame sa cashier. Palabas na kame ng super market ng may biglang tumawag sakin.

Bff Aubrey... Calling...

"Anak, stay there okay." I said to Jaycee.

"Yes, Mommy."

"Hello!

"Where are you, bat wala ka na sa office?"

"Sinundo ko si Jaycee sa School niya. Bakit?"

"Si Mr. Mercardo nandito, ano'ng sasabihin ko?"

"Wala ka naman kailangan sabihin sa kanya, may pinakuha ako sa mesa ko kay Jemalyn kunin mo na lang sa kan- O-My-God Jaycee."

Mabilis kung hinablot yung kamay ng anak ko at hinigit palapit sakin. Maluha-luha ako ng makita'ng paiyak yung anak ko. Huminto yung kotse sa harapan namin pero di man lang bumaba yung nagmamaneho.

Agad kong kinarga yung anak ko at pumunta ng parking lot. Sinakay ko siya sa passenger seat at nilagyan ng seatbelt. Di ko na alam na may kausap pala ako sa cellphone.

"You okay anak!?" Nagaalala'ng tano'ng ko.

"Yes, Mommy. I'm sorry!"

"No, baby it's okay. I love you!" Hinalikan ko yung noo ng anak ko.

"I love you, too Mommy!" Nginitian ko lang siya.

Di ko alam yung mararamdaman ko. Iniwan na nga ako ni Jayden, pati ba naman si Jaycee na nagiisang iniwan niya ipapahamak ko pa. Tinignan ko muli ang anak ko na kumakain na ngayon ng chocalate na binili namin kanina.

Sabay ko'ng pina-andar yung kotse. Nang makarating kame sa bahay nila Mama. Sinalubong kame ni Alexis. Binuksan ko yung pinto at kinarga si Jaycee.

"Hi, baby come here. Tita will play you!" Sabi ni Alexis sabay kapit sa kamay ng anak ko.

Masaya nama'ng sumama si Jaycee sa Tita Alexis niya. Pumasok na rin ako ng bahay dahil gusto ko ng uminom ng tubig. Pagkapasok ko nakasalubong ko pa si Mama pagpunta kong kusina.

"Andiyan ka na pala anak. Asan ang apo ko?" Tanong ni Mama.

"Na kay Alexis po naglalaro!"

"Eh bat ganyan ang itsura mo?"

Napahilamos ko yung kamay ko sa mukha. "Ma, si Jaycee muntik masagasaan!"

"Jusko po kang bata ka, ano'ng ba nama'ng ginagawa mo!?" Tanong ni Mama.

"Di ko alam, Ma natatakot ako na baka katulad ni Jayden mawala din yung anak ko!" Binaba ko yung baso'ng kapit ko.

"Anak, wag mo ngang sabihin yan. Si Jayden may pag-aasa pang bumalik, okay." Sabi ni Mama.

Pero di na ako umaasa na babalik siya, tatlo'ng taon ako'ng nagtiis, nagintay pero wala siya. Ni tumawag nga di niya nagawa bumalik pa kaya. Kaya tama lang yung disisyon ko na wag ng ipaalam sa kanya'ng may anak kame, mas okay na yun.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now