Royal Blood University 23: The First Move

806 46 7
                                    

Hours from now will be Luna Sangrienta, I don't know why but I can't fall asleep. Kanina pa ako napapabangon-higa sa kama ko dahil hindi talaga ako makatulog. Hindi naman ako sobrang pagod. I just wanted to rest for a bit but my body won't let me to.

I checked the time and it is 11 pm already. It's still class hour pero ibinigay saamin ng paaralan ang gabing ito para makapagpahinga para sa gaganaping paligsahan bukas.

I yawn and stretch my arm at kaagad na naglakad papuntang banyo. I splash my face with cold water a couple of times at kaagad na pinunasan ang buong mukha ko gamit ang malambot na face towel na nasa gilid. Kinuha ko ang suklay sa gilid marahan na sinuklayan ang humahaba ko na namang buhok. Napatingin ako sa nakahilerang pantali katabi ng mga facial washes at serums ko. Kumuha ako ng isang pantali ng buhok at kaagad na tinalian ang buhok ko ng mahigpit.

Bumalik ako sa kwarto at kaagad na pinalitan ang suot kong nightwear. Mabilis na kumuha ako ng sweatpants at sweater bago dinukot rin sa nightstand ang wallet ko.

I'm sure na bukas ang cafeteria ngayon. Kahit 11 pm na alam kong bukas pa sila kasi night school naman to.

Saktong palabas ako ng pintuan ng masulyapan ko si Blue na kakalabas lang rin sa dorm nina Emma.

Mukhang nagulat ito ng makita ako at kaagad na napakamot sa batok. “Saan punta mo K?”

“Cafeteria, ikaw?” tanong ko pabalik.

Napangiti siya. “Cafeteria rin. Ginutom kasi ako eh, ayaw akong bigyan ni Emma ng mga pagkaing nakastock sa fridge nila. Ang damot grabe!” himutok pa niya dahilan para mapatawa ako.

“Tara na,” aya ko sakanya at kaagad naman siyang sumunod.

Nang makarating kami doon ay humiwalay si Blue saakin dahil daw may titingnan daw siyang masarap na pagkain doon sa kabila kaya hinayaan ko nalang siya.

“What’s your order ma'am?” napatingin ako sa nagsalita bago sinabi ang order ko.

“Can I have burger with fries miss. Then isang watermelon shake. That would be all.” saad ko at kaagad na kinuha mula sa pitaka ang black card ko. Mabilis naman siyang kumilos kaya wala pang dalawang minuto ay hawak-hawak ko na ang order ko.

Nakita kong papabalik na si Blue sa direksiyon ko habang bitbit ang napakaraming chichirya at soda.

“Dito nalang tayo kakain K,” he stated at kaagad na nagtungo sa pwesto nina Kennedy tuwing kakain sila rito sa cafeteria. Hindi na ako umimik at kaagad nalang na sumunod.

Nang makaupo ay sinimulan ko na agad ang pagkain ng walang imik-imik at tanging ingay lang sa kinakain ni Blue ang naririnig ko at ang tunog na nililikha ko mula sa pagsipsip sa shake ko.

“Aray!” malakas na napadaing si Blue ng malakas na hampasin ni Emma ang balikat ni Blue, nabitawan tuloy nito ang sodang hawak dahilan para mabasa ang mesa.

“Tangina naman Ems! Huwag kang mangugulat! Atsaka ang sakit n'on ah!” malakas na reklamo niya at hinamas-himas ang balikat hinampas ni Emma. Napatingin ako kay Emma at kahit hindi man niya aminin alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon kaya naman ay kahit hindi ko pa natapos ko ang pagkain ko sa fries at kaagad na tumayo nalang.

Napabaling saakin ang atensiyon ng dalawa. “I'm going. Inaantok na ako,” pagpapaalam ko atsaka tinapunan ng tingin si Blue.

“You should share foods with Emma. You have tons of junk with you.” kaswal na saad ko. Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.

“Hell no K, ang damot ng babaeng 'to tas ibabahagi ko sakanya itong pinamili ko.” nagmamaktol niyang saad. Napailing nalang ako at iniwan silang dalawa doon.

Royal Blood University 1: The Vampire's BelovedOn viuen les histories. Descobreix ara