Royal Blood University 3: Invitation

1.4K 49 4
                                    

Life is short and my temper is way more shorter. After what happened to Lester I can't still move on. Nakasama ko na siya sampung taong gulang palang kami at ito ang nangyari at wala man lang akong kamuwang-muwag kung ano na ang nangyayari.

Binuhos ko lahat ng inis ko sa paglilinis ng bahay, doing some job for me to earn money and to buy some goods to eat. Kahit ramdam ko na ang pagod sa katawan ko hindi parin ako nagpahinga. I don't want to rest kasi naiisip ko na naman si Lester and I hate it.

Damn that guy kung may problema siya sana sinabi niya saakin para matulungan ko siya at kung hindi ko man magawan ng paraan edi sana nakahingi kami ng tulong. Kung may nagbabanta man sa buhay niya o ano man. Pero wala mas pinili niyang manahimik at magpabaon sa lupa. Nakakainis.

“Kianna iha, may dala akong nilagang baboy. Kain ka muna iha.” napahinto ako sa pagkuskos sa sahig ng marinig ko ang nagmamalasakit na boses ni Aleng Gloria.

Kilala na niya ako dahil minsan nagpapalaba siya at ako naman na nangangailangan ng pera tatanggi pa ba ako? Ako na nga ‘yung inalokan ng trabaho.

Atsaka matandang dalaga si Aleng Gloria at nag-iisa siyang naninirahan sa malaki niyang bahay. Inimbita nga niya ako na doon na manirahan para daw may kasama siya at ang kapalit noon ay tutulong ako sa mga gawaing bahay.

Medyo maginhawa kasi ang buhay niya. Retired teacher tapos may negosyo pang pinapatakbo. May limang kasambahay pero ewan ko at inalok parin ako ng trabaho.

Pinahiran ko ang pawis sa noo ko gamit ang face towel na nakasampay sa balikat ko atsaka naglakad na patungo sa pintuan.

Maghahapon na kasi mula noong umuwi ako mula sa skwelahan. Lahat nga sila nagtaka ng makitang ang aga ko umuwi pero hindi na nagtanong pa lalo na’t napansin nilang wala ako sa mood para pagtsismisan.

“Aleng Gloria pasok po muna kayo.” magalang kong sambit atsaka siya pinapasok at pinaghila ng upuan para maupo.

Kumuha ako ng tubig at sinalin ito sa baso bago ibinigay sakanya. Mabilis niyang ininom ito.

“Bakit ang aga mo atang nauwi iha? Wala ka bang pasok?” marahang tanong niya at tinitigan ang mukha ko.

Umiling ako. “Meron po pero pinauwi ako ng dean. Medyo masama kasi pakiramdam ko.” wika ko at pinaghila ang sarili ng upuan at naupo paharap kay Aleng Gloria.

Napatango siya. “Hmm. Pero imbes na magpahinga ka bakit naglilinis ka ha?”  tumagos ang tingin niya sa likod ko at tiningnan ang mga naiwan kong kalat sa sahig.

“Hindi po kasi ako makatulog. Kaya naisip kong maglinis nalang ng bahay.” wika ko.

Napatingin ako sa dala niyang ulam. Bigla akong ginutom ng malanghap ko ang masarap na amoy nito.

“Para sakin po ba ‘yan?” tanong ko muli. Tumango siya at tumayo na kaya naman napatayo narin ako.

“Ah oo iha. Sige aalis na ako para makakain ka na. Magpakabusog ka ha.” pinagbuksan ko siya ng pintuan at pinasalamatan ng makalabas siya ay agad na kumuha ako ng pinggan at kanin atsaka bumalik sa mesa at nagsimula ng kumain.

Sumapit ang gabi at wala akong tanging ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto ko. Wala akong TV at hindi ko pinangarap na magkaroon ng TV. Wala naman akong gustong palabas na nais subay-bayan.

Kasalukuyan akong nakadapa sa hindi kalambutan kong kama habang nasa malalim na pag-iisip. Ano kayang kailangan ng dean saakin bukas? But haist! Dapat matulog na ako kasi hindi pa naman ako early bird.

Tumihaya ako pahiga at kumuha ng unan at tinakpan ang mukha ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

Royal Blood University 1: The Vampire's BelovedWhere stories live. Discover now