Royal Blood University 27: Reign Elizabeth

742 41 2
                                    

Tunog ng espada lang ang tanging maririnig sa paligid at ang mga daing ng iba pang mga bampira at ng isang tao.

I groaned out loud when the buzzer buzzes. Mabuti naman kasi pagod na pagod na ako! Diyos ko!

“I am impressed! I really did see the improvements of my students in a short period of time. As reward, tomorrow will be your rest day in my subject.” mahabang saad ni Professor Bancroft na may ngiti sa kanyang mga labi.

Nakaginhawa ako ng maluwag sa narinig. Mabuti nalang talaga. Dahil nakasalampak na ako ngayon sa sahig ng arena ay kaagad na nagbalak na ako ng tumayo but before I did that ay may naglahad ng tubig saakin sa harapan.

Tiningnan ko muna kung sino ito bago tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan ko at muling tiningnan si Kennedy na medyo namamasa na ang sulok ng kanyang mata habang nakalahad parin sa akin ang tubig na dala niya.

“I wasn't thirsty.” I told her in my natural voice pero tinanggap ko parin ang tubig na dala niya.

“But still thank you,” anas ko at ininuman ng kaunti ang tubig. Napapikit siya ng mariin kaya naman ay kaagad na tinalikuran ko na siya. Gutom na naman ako.

“K, I'm sorry. Forgive me. Please.” napahinto ako sa narinig at nilingon siya at doon ko na nakita na umaagos na pala ang masagana niyang mga luha.

“Are we in a fight? Why I can't remember a thing?” marahan kong tanong sakanya. She sobbed.

“I said hurtful words to you K. I'm so sorry.” she sobbed again. I sighed atsaka ko siya hinila para mayakap.

Hinagod-hagod ko ang likod niya as she continue to sob harder. “Stop crying will you? Baka masabi ni Theo na pinaiyak ko na naman ang prinsesa niya.”

Umuuga-uga ang balikat niya sa sinabi ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ng kumalma ang katawan niya mula sa pag-iyak.

“I'm sorry K. I was just worried about you and our safety. I was traumatized after what happened to Theo when he was captured and I don't want that to happen to you too.” mahina niyang saad habang nakayakap parin saakin.

“Stop apologizing alright? I wasn't hurt anyways when you said those words. I was immune.” malumanay kong saad sakanya. She pulled out of hug and smiled at me.

“I’m so glad that we have you K.” napailing nalang ako sakanya atsaka ko napansin ang paligid namin.

Theo and others are here and they're looking at us with teary eyes. I looked at them coldly. Tch.

Emma chuckled. “Oh, we haven't really seen our Kianna being so sweet. Right guys?”

Namula ang mukha ko sa hiya. Fuck.

“Yeah, such a soft hearted baby Kianna.” sinamaan ko ng tingin si Blue dahil sa narinig. Baby his ass.

“Wait K! Your face doesn't have the scar.” untag ni Ken.

Napabaling ako sakanya. “What?”

“Scarlett scratch you on the face. It was only yesterday. Bakit walang peklat or fresh scar sa mukha mo?” nakakunot-noong tanong niya.

Everyone seems to know about it too. Looks like I have to lie again.

“I went to the infirmary at night and ask an ointment for my scratch. Nagulat pa nga ako pagkagising ko na wala na yung peklat ko sa mukha. Kaya pala hindi na siya mahapdi.” mahaba-haba kong paliwanag. I hope it sounds convincing. Ayaw ko namang sabihin sakanila na naghilom kaagad ‘yung sugat ko sa pisngi. Baka isipan pa nila na isa ako sakanila o kung ano man.

Royal Blood University 1: The Vampire's BelovedWhere stories live. Discover now