Royal Blood University 15: The Secret

1K 60 9
                                    


Theodore Collins

***

Mariin kaming napayuko sa loob ng infirmary habang karga-karga ng isang kinatatakutang nilalang si Kianna. Nakahilera kami at kapwa hindi makagawa ng isang galaw man lang.

“E-El Rey..” miski ang nurse ay natatakot sa presensiya niya. Hindi kita ang mukha niya dahil sa maskara na laging suot, napakatangkad niya at laging nakakapa. It's a pleasure to see him this close. But not in this kind of situation.

Sa isang iglap ay biglang lumitaw sa harapan namin ang ibang myembro ng Schatten at mas lalo akong nangilabot ng makitang kompleto sila.

Sobrang dilim ng aura na nakabalot kay El Rey habang nakatalikod saamin pero batid kung nakatingin siya kay K na puno ng galos ang katawan na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

“Kennedy Crimson..” napahawak saakin si Ken ng sambitin niya ang pangalan ng nobya ko. Hindi ako umimik.

“Una vez que vuelvas a gritar a mi vida, no dudaré en acabar con tu vida sin valor.” saad niya sa salitang espanyol na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.

I saw how Hawk's lips curved dahil sa narinig pero hindi siya nagsalita.

He leaned down at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paghawak niya sa kamay ni K na may mga galos at sa isang iglap nawala siya sa harapan namin. Nginisihan kami ni Aria kaya hindi ko maiwasang hindi mapa-igting ng panga.

This bitch never fails to annoy anyone she encounters. Talagang nobya ko ang pinupuntirya niya at mabuti nalang talaga ay marunong pang magpigil sa sarili si Kennedy.

Tahimik kami ng mawala sila lahat sa harapan namin. Hindi maiwasang mapatingin ako sa kalagayan ni Kianna at hindi ko maiwasang hindi makonsensiya.

“Gutom na ako,”Ken murmured at linapitan si K at hinaplos ang pisngi nito.

Then Liam suddenly spoke. “Alam ko na kung ano ang sinabi ni El Rey kanina.” his voice slightly trembled. Kaagad na napatingin ako sakanya. Miski si Ken ay napunta ang buong atensiyon kay Liam.

“What is it?” seryoso kong tanong. I have this feeling that somethings off about El Rey.

Pinakita niya ang phone at doon ko nakitang nag-google translate siya. Then, kunot noo niyang hinarap ang telepono sakanya. He slowly read it.

“Sabi rito, alam kong mahal mo ako, huwag kang mag-alala mahal din kita.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala kang kwenta.” inis na inis kong sambit sakanya. Akala ko pa naman seryoso siya sa sinabi niya kanina kahit kailan talaga napakawalang kwenta.

Humalakhak siya hanggang sa nakarating ako ng mahinang ungol. “Damn, someone has no manners can't he see that I'm freaking sleeping and he just laughed his ass off?” K irritably said and slowly opened her eyes.

Mabilis na sinamaan niya ng tingin si Liam kaya naman napailing nalang ako. I held Kennedy's waist for her to divert her attention to me.

“I'll get you some food,” malambing kong saad sakanya. She smile cheekily at tumango. Pinatakan ko siya ng halik sa noo pero bago ako makalabas ng infirmary dinig kong may pahabol na sigaw si Liam.

“Bro, me too. Bring some fries!”

Geez, that man. Pwede naman niyang bilhan ang sarili niya ah? Hindi naman ako nagtagal at naglakad na pabalik sa infirmary dala ang mga pagkain pero laking gulat ko ng madatnan ko ang nobya kong umiiyak sa loob.

Royal Blood University 1: The Vampire's BelovedWhere stories live. Discover now