1

21 4 0
                                    

"Dito dito! Inilabas na ang unang yugto ng pag-ibig ng apoy at yelo!"

In a lively market in the Floral Fortress, One of the five territory in Encqnta where Land Fairies Live, merchant bustled while pedestrians weaved through crowds. On the side of the road, one stall, gathered more than 20 fairies after hearing the merchant's yell.

"Yan ba yung ibinahaging kakatapos lang na kwento ng manunulat na si calliope sa House of Novels noong nakaraang linggo?"

May halong tuwa at pananabik na tanong ng isa sa mga napadaan na diwata.

"Tama ka diyan binibini. Ito nga ang kakatapos lang na kwento ng manunulat na si Calliope.
Nakapaloob sa librong ito ang bawat salitang binitawan niya sa House Of Novel!"

Sa narinig nayun ng mga diwata ay agad silang nag agawan ng kuha ng librong hawak ng negosyante na agad naman nitong ipinamigay.

"Mura lang naman yan, limang taong halaga lang naman yan ng kapangyarihan."

Nakangiting sabi ng negosyante habang nasa loob nito nakatago ang kasakiman sa kapangyarihan. Napahinto ang ilang nais bumili at nagdalawang isip sa mahal ng halaga ng libro pero sa huli ay mas pinili parin nila itong bilhin, lahat kase ng kwentong isinusulat ni Calliope ay isang magandang sining na walang nino man ang nais itong laktawan.

"Ano bang pinag-aagawan nila dun?"

Nagtatakang tanong nang isang babaeng nakasuot ng pinaghalong kulay asul at pulang damit na bumagay din naman sa desenyo nito, nakaupo ito kasama ang babaeng kulay rosas ang damit sa pangalawang palapag ng Flower Resto, ang pinakasikat na kainan sa buong encqnta dahil sa sarap at kakaiabang pagkain na sinisilbi nito, kagaya ng bulaklak ay maganda at masarap ang pagkain dito kaya naman pinangalanan ito na flower Resto, kita sa pwesto niya ang kalsada kung saan nagtumpokan ang mga diwata para lamang bumili ng isang libro.

"Kung hindi ako nagkakamali ay isa kayong bagong dayo sa lugar nato mga binibini hindi ba?"

Isang lalaki ang biglang nagsalita mula sa kabilang upuan at nakangiting hinarap ang dalawa. A small curved in the blue-red clothed woman's lips as she let go of her eyes to the commotion downs the street and lifted her attention to the guy who just approach them.

"Mukhang eksperto kayo sa pagbasa ng mga diwata pagkat isang tingin mo palang samin ay nalaman mo na agad na isa kaming dayo."

Pabiro pero totoo sa loob na sagot ng babaeng nakasuot ng pinaghalong asul at pula na damit.

"Hindi naman, napansin ko lang kase ang mga punyal na nakasabit sainyong bewang kung saan nakaukit ang simbolo ng Flame Territory."

The guy kindly said making the rose clothed woman look at her dagger. A vermilion bird was carefully carved at its scabbard along with the exquisite design of the flame flowers on its side.

"Ayun sa patakaran ng Flame Kingdom, bago makalabas sa teretoryo niyo ang mga diwatang apoy ay kailangan muna nilang maging mas makapangyarihan kesa sa isang normal na diwatang apoy. Binabati ko nga pala kayo sa inyong pagpasa sa pagsubok."

Nakangiting sabi ng ginoo na tinanggap naman nang dalawang babae. Napatingin sila sa pwesto kung saan kanina ay maraming diwata dahil sa benebenta nitong libro na ngayon ay wala nang mahagilap na diwata at nilalagpasan nalang ito at di pinapansin na parang hangin.

"Mukhang ubos na."

Sabi nang ginoo saka muling binalik ang tingin sa dalawang babae.

"Ang pinag aagawan kase nila ay kopya ng libro na isinulat ng manunulat na si Calliope. Isang sikat na tagasulat ng mga kathang isip na kwento na minsan ay naka base sa totong pangyayari."

The Eclipse Of Fire And Ice Where stories live. Discover now