3

16 4 0
                                    

"What?! You've seen the legendary Calliope?!"

Gulat na wika ni Avril ng mabanggit ito ni anadya habang naglalakad sila sa kagubatan ng floral fortress. Kasalukuyan na kase silang naglalakbay papuntang Encqnta Academy sa Wind Territory.

"Kailan? Bat di ko alam?"

Nanghihinayang na nagtatakang tanong muli ni avril habang nahuhuli sa paglalakad at nangunguna naman si Aranya.

"Kagabi. Tulog ka eh."

Maikling sabi ni anadya na may halong pang-iingit habang si Aranya naman ay tahimik lang na naglalakad sa unahan hawak ang patpat ng kahoy na napulot nito sa daan.

"Grabi ka aranya! Bat di moko ginising?!"

Naiinis sa sabi ni Avril pero di ito binigyang pansin ni aranya at deretso lang sa paglalakad, nang ilang sandali lang ay bigla itong napahinto dahil sa narinig na kaliskis sa di kalayuan, pakiramdam din nito ay may nagmamasid sakanila dahila para mas maging alisto siya.

"Get her!"

Sigaw ng isang estranghero na nagtatago sa likod ng mga puno at di nagtagal ay napapalibutan na sila ng halos sampung nakaitim at punit punit ang damit na mga estranghero, may takip din ang mga mukha nito dahilan para hindi nila mauri kung sino o ano ang kanilang kinakaharap.

"Sila yun! Yung mga kumulong sakin!"

Halos nanginginig nang sabi ni Anadya.
Napatingin naman si Aranya sa mga kalaban at parang pinag aaralan kung paano nila matatalo ang mga ito lalo na at lamang ang bilang nila sa kanilang tatlo.

"Avril, mauna na kayo, ako nang bahala dito."

Maowtoridad na sabi ni Aranya saka inilabas ang sandata at sinugud ang dalawang nakaharang sa harap dahilan para magbigay daan kina Avril at anadya na tumakas. Napangisi namang napatingin si aranya sa halos sampong estrangherong nakapalibot sakanya na para bang nasasabik nang makipaglaban.

"Munting diwata, ang babaeng yun lang naman ang kailangan namin, pero dahil sipsip ka, madadamay kana."

Inis na sabi ng pinuno ng mga estranghero dahilan para mapangiti si Aranya. " Makapagsalita naman to, parang kakayanin ako. " Aroganteng sabi ni aranya na mas nakapag painis sa pinuno nila.

"Kill her!" Utos ng pinuno nila sabay sugod kay aranya ng sabay sabay, pero ilang minuto lang ay agad silang natalo ng walang kahirap hirap.

Napangiti ito saka naglakad na palayo, habang ang pinuno naman ng mga estranghero na kaisa isang nakaligtas ay nanghihinang napatingin sa pigura ni aranya na palayo nang naglalakad.
"I-i sense crimson h-hellfire." Nanghihinang sabi nito sa takot saka tuluyan nang naging abo.

"T-they're gone?!"

Gulat na tanong ni anadya ng ilang sandali lang ay nakahabol na si aranya sakanila. "Mhh." Maikling sagot ni aranya at nauna nang naglakad, iniwanang nakatulala si anadya sa pagkamangha at gulat.

"Tara na! Bala ka dyan!"

Sigaw ni Avril dahil malayo layo narin ang agwat nila, napatingin nalang si Anadya sa pigura nila at napaisip kung sino ba talaga sila, kung tama ba ang pagsama niya sakanila at hindi siya madadala sa mas lalong kapahamakan.

"What now?"

Nagtatakang tanong ni avril ng mapahinto sila sa harap ng isang bangin.

"Base sa nabasa ko, dito daw ang daan papuntang wind territory."

Sabi naman ni anadya saka napatingin sa baba, ni wala siyang makita kundi mga ulap, siguradong napakalalim nito at kakaunti nalang ang tyansang mabuhay kung sakali mang mahulog ka.

The Eclipse Of Fire And Ice Where stories live. Discover now