4

12 4 0
                                    

"Andami naman ng diwatang nandito, looks like more than 500 are here!"

Manghang sabi ni avril habang nililibot ang pananingin sa paligid, kasalukuyan na silang nasa floating Island kung saan nakatayo ang Encqnta Acadamy, nasa entrance sila which is the forbidden Forest. Bago mo kase marating ang bungad ng Encqnta
Academy, madadaanan mo muna ang forbidden forest. Sa forbidden forest din kase naka lagay ang mga pagsubok upang mapatunayan mo ang iyong sarili na karapat dapat kang maging estudyante ng Encqnta Academy.

"This is actually less than usual."

Sabi naman ni Anadya.
Napunta ang atensyon ng lahat ng isang lalaki ang biglang lumataw sa gitna ng maraming diwata, he carries a strong aura which makes them feel to give way to him.

"Everyone, the rules are the same as always, whoever managed to pass through the forbidden forest, will proceed to the second trial. Good luck."

Walang emosyong sabi nito saka biglang nawala din.

"Yun lang?"

Avril ask na para bang minamaliit ang pagsubok dahilan para mapatingin sakanila ang isang lalaki na nakarinig sa sinabi nito at saka nagsalita.

"Wag mong maliitin ang pagsubok binibini, hindi mo ba alam na delekado ang Forbidden forest? Maraming traps at mga delekadong hayop sa loob, at isa pa, madali maligaw diyan lalo na at gumagalaw ang mga puno at maraming ilusyon ang lugar. Good luck nalang sainyo."

Sabi ng lalaki saka nauna ng naglakad, napangiti nalang sina anadya at aranya habang tinitingnan ang takot na reaksyon ni avril.

"Tara na."

Sabi ni anadya ng makitang nauna ng maglakad si aranya.

"Nakakatakot naman dito....."

Takot at di mapakaling sabi ni Avril lalo na nung mapansin nitong unti unti nang nawawala ang ibang diwata at parang silang tatlo lang ang nasa kagubatan, sabayan pa ng nakakatakot na tunog ng mga ibon at matataas na puno na humaharang sa sinag ng araw.

"Nasan na ba tayo? Paano mo malalaman na nakapasa kana? Nasan yung finish line!"

Sa sinabing yun ni avril ay napatawa nalang si Aranya kahit kita na sa mukha ng dalawang kasama niya ang takot.

"Tinatawa mo aranya?"

Naiiritang sabi ni Avril pero hindi ito nakatanggap ng sagot.

"Ayun sa kwento, yung dulo ng pagsubok ay pagnakita mo na ang tarangkahan o pasukan sa Encqnta."

Kalmado man ang tuno ni Anadya ay di maitatanggi ang takot nito sa mukha.

"Ahhhhh!"

Sigaw ni Anadya, nang mapatingin sina aranya at avril sa dereksyon nito ay hinihila ito ng sanga ng isang puno, walang takot namang sinundan ito ni Aranya at hiniwa ang sanga gamit ang kanyang sandata dahilan para mabitawan nito si Anadya.

"Shit! Si avril!"

Mura nito ng mapansing nawawala si avril, sinubukan nitong bumalik pero masyadong makapal ang ulap sa paligid sabayan pa ng ambon na nagpadilim ng paligid.

"Kainis!"

Galit na sabi ni Aranya saka hinila si anadya papasok pa ng kagubatan, nagbabasakaling makikita ang pinsan nito sa daan.

"Aranya!"

Takot na tawag ni avril sa pinsan habang sinusuri ang paligid, nagbabasakaling mahanap ang pinsan nito. Bigla itong napasigaw ng makakita ito ng ahas at agad tumakbo palayo nang bigla ay napahinto ito dahil sa nakitang tarangkahan o pasukan ng Encqnta Academy. Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman nito, una ay dahil baka kung ano ng nangyari sa pinsan nito, pangalawa ay dahil siya palang mag isa ang nasa lugar.

The Eclipse Of Fire And Ice Where stories live. Discover now