Chapter 1 : Comfort In The Midst Of Destitution

233 17 1
                                    


“Bananacue kayo riyan!” malakas na sigaw ko.

“Oh aling Ising! Bili na ho kayo isa nalang po. Naku! Sigurado akong mas lalo kang gaganda kapag bumili ka!” pambobola ko. Napangiti naman si Aling Ising kahit hindi naman talaga totoo ang sinabi ko.

“Naku iha kaya gustong-gusto kong bumili sa'yo eh kasi nagsasabi ka ng totoo. Magkano ba 'yan?” Napangiti ako at kinuha ang huling banancue mula sa tupperware na dala-dala ko.

“10 pesos lang po Aling Ising!” Binigay ko na sa kaniya ang bananacue at binayaran naman niya ako ng dalawampung piso, malaking tulong nadin ito.

“Naku iha keep the change nalang, sa'yo na' yan!” Mas lalo akong napangiti. Konting bola lang dito kay aling Ising bibigay na agad.

“Salamat po aling Ising na maganda, hanggang sa muli!” wika ko at nagsimula nang maglakad pauwi sa bahay. Napatingin ako sa langit at ngayon ko lang napansin na makulimlim pala. Hay buti naman at uulan ngayon para may tubig na kami. Ilang araw nadin kasing walang ulan dito saamin.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumuhos ang ulan. Wala pa naman akong dalang payong! Tumakbo na lamang ako at malapit lang naman din ako sa bahay.

Napatingin ako sa mga kapitbahay kong squatter lang din. Alam kong kalbaryo at blessing ang hatid ng ulan sa amin. Kalbaryo dahil sigurado akong kapag lumakas ang ulan ay babahain kami at blessings naman dahil may tubig na kami at nahihirapan pa kaming kumuha ng tubig dahil nasa kabilang lugar pa ang ilog.

“Ma!” sigaw ko mula sa tapat ng bahay naming pinagpatong-patong na yero at kahoy lang. Nababahala nga ako't baka pag may dumating na bagyo ay hanginin ang bubong namin.

“Oh anak, naku! Basang-basa kana!” Bumukas ang pintuan namin at bumungad saakin ang nag-aalalang mukha ni mama. Agad kong binigay sa kaniya ang kinita ko at sinigurado ko talagang hindi mabasa iyon.

“Maligo ka nalang para hindi ka lagnatin!” sigaw ni mama dahil hindi na kami nagkakarinigan dahil sa lakas ng ulan.

Pumunta ako sa likod ng bahay at doon nakalagay ang timba namin. Agad akong naligo at napatingin sa lagayan ng sabon namin at ngayon ko lang napansin na wala na palang shampoo. Hayst! Kinuha ko nalang ang sabon panlaba at isinabon iyon sa buhok ko. Hindi pa ako nasanay.
Pagkatapos kong magbanlaw ay pumasok na ako.

“Je? Pakikuha nga ang tuwalya ko!” sigaw ko. Ilang sandali pa ay lumabas na ang kapatid ko dala-dala ang tuwalya kong sampung taon na. Gutay-gutay na nga ito pero magagamit pa naman.

“Ito po ate!” Inabot niya sa'kin ang tuwalya na siyang tinanggap ko.

“Nagsaing kana ba? Baka umasa kana naman kay mama?” Napakamot naman si Jeje sa ulo niya. Sa pagkamot pa lang niya'y alam na alam ko na ang sagot niya.

“Hehe nakalimutan ko po pero sa tingin ko nagsaing na si mama.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Alam mo namang may ubo si mama diba? Kukurutin talaga kita!” Natakot naman ito kaya dali-daling pumasok sa bahay. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Jeje. May dalawang kwarto lang ang bahay namin. Tanging kurtina lang ang nakaharang sa pagitan ng kwarto. Mas mabuti na nga iyon at may harang pa. Pagpasok ko ay nagulat ako ng mapatingin ako sa bubong.

“Je! Kumuha ka ng balde! Basa na ang mga damit natin!” sigaw ko. Tumutulo ang bubong at dahil sa lakas ng ulan ay nabasa na ang mga damit namin. Agad kong kinuha ang mga ito at inilipat sa tuyong bahagi ng kwarto.

"Naku ate! 'Yong uniform ko!” sigaw ni Jeje. Napatingin ako rito at basang-basa narin pala ito.

“Hayaan mo matutuyo pa' yan hanggang bukas!”

Hindi ko maiwasang maawa sa pamilya ko. Laki ako sa hirap at sana'y na ako sa mga pangyayaring 'to. Salat kami sa yaman pero alam ko namang hindi nagkulang si mama sa pagbibigay saamin ng pagmamahal.

“Safira Ellison ninety nine over 100, wow! Ang galing mo naman ate!” Napatingin ako kay Jeje at hawak pala niya ang nabasang test paper ko.

“Akala ko po mahirap sa college? Isa nga lang wrong mo rito!” Napangiti ako. Nilapitan ko ang kapatid ko at kinurot ang matambok na pisngi niya.

“Mahirap Jeje pero kailangan kong magpursigi para sainyo, para sa'yo at kay mama. Dahil kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at may trabaho na ako bibilihin ko na lahat ng gusto mo. Gusto mo 'yon?” Lumapad ang ngiti ni Jeje.

“Opo naman ate tapos bibilihin natin ang pinakamasarap na ulam sa buong Pilipinas!” Napatawa ako sa sinabi niya. Ano bang pinakamasarap na ulam para sa kaniya?

“Oo naman kaya ikaw mag-aral ka ring mabuti! Wag puro holen at patentiro inaatupag!” Napakamot naman ito sa ulo niya.

“Si ate talaga bakit napunta naman sa holen ang usapan?” Napailing na lamang ako sa kapilyuhan ng kapatid ko.

“Sasa, Jeje! Kain na!” rinig kong sigaw ni mama. Sabay kaming tumakbo ni Jeje palabas at nag-unahan sinong unang makaupo sa nag-iisang monobloc chair namin sa bahay.

“Ako nauna ate!” Masayang saad ni Jeje.

“Hay naku, kumain na nga tayo.” Napatingin ako sa pagkain na nasa munting lamesa namin. Tatlong toyo at isang platong kanin. Napangiti ako at sa wakas ay hindi na asin ang ulam namin.

“Kainan na!” Sigaw ni Jeje at aakmang kukuha ng kanin nang pitikin ko ang kamay niya.

“Magdasal ka muna!” Napanguso naman ito.

“Oh siya! Ako na!” Pumikit na ako.

“Panginoon madaming salamat sa mga biyayang binigay niyo saamin. Sa malusog na pangangatawan at magandang buhay. At sa pagkain na nasa aming harapan ikaw oh Dios ang magagamit nito upang mas lalong lumusog ang aming pangangatawan at magamit namin ang aming lakas upang sambahin ang iyong ngalan. Sa ngalan ng ama, anak sa Diyos espiritu santo amen.”

Agad kumuha ng kanin si Jeje. Napatingin ako kay mama at bakas sa mukha niya ang pagod kakalaba. Bata pa si mama pero nagmukha na itong matanda dahil sa rami ng trabaho niya araw-araw.

Maaga kaming iniwan ng tatay namin. Hindi ko nga ito kilala dahil hindi naman ito nakwekwento ni Mama saamin. Hindi narin ako nag-abalang tanungin siya sapagkat alam kong hindi pa kaya ni mama na sabihin saamin ang katotohanan pero alam kong dadating ang araw na siya mismo ang magkwekwento sa'min.

“Ang sarap ma!” saad ni Jeje. Napangiti ako dahil alam kong paborito niya ang toyo.

Napatingin ako kay mama at nakatingin din pala ito saakin.

“Makakaahon din tayo sa kahirapan anak.” Ngumiti ako at napatango sa sinabi ni Mama.

Hindi ko alam kung maniniwala paba ako na may pag-asa sa kabila ng lahat. Ikinubli ko na lamang ang lungkot na nararamdaman ko.

Sana nga ma.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon