Chapter 12: Cancelled

38 9 1
                                    


Sabado ng umaga at napag utusan ako ni Mama na bumili ng harina at bigas sa palengke.
Malaki kasi ang kita ni mama kahapon dahil mabait ang may-ari ng nilinisan niyang bahay kaya ngayon ay may ipambibili kami ng bigas.

Bigla ko tuloy naalala na may lakad kami ngayon ni Apollo. Sabi pa niya'y pwede ko raw itong e consider as date. Bakit naman kami magdedate? Kaya lakad lang ang dapat itawag ko dun.

Napailing na lamang ako sa mga iniisip ko. Bakit ko ba siya iniisip? Alam naman niya kung saan ang bahay at kung totoo man na may lakad kami ngayon, edi sasamahan ko siya. Wala namang malisya 'yon.

“Ang lalim ng iniisip natin mare!” Napatalon ako sa gulat dahil basta-basta nalang sumulpot si Jeff sa harapan ko. Ewan ko talaga sa taong' to kung saan-saan mo lang makikita.

“May lakad tayo ah?” tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Para ka talagang ano. Papatayin mo ba ako sa gulat?” tanong ko.

Tumawa naman ito ng mahina at ginulo ang buhok ko katulad nang nakasanayan niyang gawin. “Ang highblood mo para kang ano unggoy nila Aling Nissan!” pang aasar niya.

Sabi ko na nga ba. Dumating lang siya para asarin ako. Ano paba ang inaasahan mo sa kaniya. Hindi ko na siya sinagot pa at nakasimangot na naglakad.

Pinigilan naman niya ako at ginulo ulit ang buhok ko. “Isa ka talagang ganap na gago!” saad ko sabay suntok sa tiyan ng mahina. Imbis na masaktan ay natawa lamang ito sabay akbay saakin.

“'To naman joke lang eh. Saan ba lakad mo?” tanong niya. Inayos ko ang buhok kong ginulo niya at nagsimula nang maglakad. Nahihirapan pa ako dahil sa bigat ng kamay niya.

“Sa palengke bibili ako ng bigas. Eh ikaw ba?” tanong ko naman. Ngumiti ito saakin dahilan para mawala ang mata niya. Chinito kasi si Jeff at medyo moreno dahil nadin siguro sa pagtatrabaho niya araw-araw.

Kahit ganon ay gwapo rin naman si Jeff at may panlaban din sa hitsura. Gwapo kasi ang tatay niya na iniwan din sila. Matapobre eh.

“Wala, samahan na kita mahal na senyorita?” Bumitaw pa ito sa pagkaka-akbay saakin at umaktong parang luluhod sa harapan ko.

Hinampas ko ang balikat niya at nagsmula nang maglakad muli. “May dalaw kaba girl?” parang baklang tanong niya. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

“Bahala ka riyan!” wika ko sabay lakad ng mabilis para hindi na siya makahabol pa. May dumaan na tricycle kaya agad ko itong pinara. Sumakay ako at nagulat pa nang sumakay din siya.

Minsan talaga ang sarap isako nitong si Jeff. “Sama ako parikoy! Inaasar ka lang eh tinatakwil mo na ako agad!” wika niya. Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Libre mo ako ng pamasahe!” saad ko.

Kumunot naman ang noo niya. “User!” saad niya. Sumimangot ako at hindi siya pinansin. Kung ako lang sana mag isa ngayon edi matiwasay akong sumasakay sa tricycle at baka narating ko na ang palengke ngayon.

“Joke lang 'to naman. Syempre dahil ikaw ang pinakapangit kong kaibigan libre na kita!” manglilibre na nga lang mang-aasar pa.

“Kainan ka sana ng lupa!” tugon ko. Tumawa naman ito. “Ang swerte naman yata ng lupa!” Tumawa pa siya ng nakakaasar. Ewan ko pa'no kami naging magkaibigan sa pagkaloko niya.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang palengke. Syempre napakacrowded lalo na ngayon na sabado kaya marami talagang taong namamalengke.

“Manong ito po pamasahe!” saad ni Jeff sabay bigay kay manong ng one hundred pesos.

“Kayong dalawa po ng kapatid niyo nito sir?” Napatingin ako kay manong habang tawang-tawa naman si Jeff.

“O-Opo manong!” natatawang tugon niya. Nasuklian na siya ni manong habang ako ay aangal pa sana pero nahila na niya ako palabas ng tricycle.

“Mukha ba tayong magkapatid? Sa gwapo kong 'to?” mahangin na saad niya. Inirapan ko siya at pilit na tumabi dahil nababangga ako ng mga taong dumadaan.

“Mukha ka nga lang boy ko eh!” saad ko. Tumawa lang siya at inakbayan ako papasok sa palengke.

“Ano bibilhin natin sis?” saad niya. Siniko ko siya ng mahina kaya napaatras siya ngunit tumatawa parin.

“Sis mo mukha mo. Umuwi kana nga at pinipikon mo lang yata ako eh!” saad ko.

Kinamot niya ang noo niya. “Ang sama mo ngayon parikoy para namang hindi ka sumabay saakin noon na maligo sa ulan, dora pa nga panty mo eh!” Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ang dami ba namang tao tapos sinabi niya 'yan!

“Lumayo-layo ka saakin!” mahinahong wika ko.

Naglakad na ako patungo sa suki namin ni mama. Naramadaman ko namang sumunod siya saakin. Buti naman at tumahimik na.

“Oh Sasa!” bungad ni ate Leni, ang suki ni Mama.

“Magandang umaga po ate Leni!” bati ko. Ngumiti naman ito at napatingin pa kay Jeff na ngayon ay abala sa pag aamoy ng mga bigas.

“Matagal kanang hindi nakakapunta rito ah? Kumusta na si Aling Celia?” Tinignan ko ang bigas na nasa harapan ko. “Wala po kasing pera noong nakaraang araw ate. Mabuti naman po ang kalagayan ni mama.”

Napatango-tango naman ito. Kagaya ni Jeff ay inamoy ko ang bigas na nasa harapan ko. “Ito Parikoy panigurado masarap 'to!” wika ni Jeff. Iirapan ko sana siya pero nakatingin saamin si Ate Leni.

“Ah ito po ate sampung kilo,” saad ko. Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Napasimangot naman ito na parang bata.

Tinimbang ni ate Leni ang bigas at namangha pa ako dahil eksaktong sampung kilo ito.

Naghihintay ako ng tricycle sa tapat ng isang drugstore. Hinihintay ko rin si Jeff dahil may binili pa ito.

Napatingin ako sa mga dumadaang sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na White pick up.

Medyo traffic kaya napahinto ito sa malapit saakin. Nakabukas ang bintana niya ngunit mukhang may kausap siya sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang kasama niya. It was Joy, she was with Joy. Tumatawa pa ito at parang may pinag uusapan sila kung ano.

Akala ko ba hindi niya gusto?Bakit magkasama sila? Akala ko ba kami ang lalabas ngayon?

Napailing ako at napayuko na lamang. Kaibigan ko si Joy diba? Bakit parang ang hirap? Ang hirap isipin. Nakakalito!

“Parikoy lezgo na!” Naramdaman kong dumating na si Jeff ngunit hindi ko magawang iangat ang ulo ko.

“Hoy anyare sa'yo?” Inangat niya ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin at pinahid ang luha ko. Ang babaw ko!

“Umiiyak ka?” tanong niya at pilit na hinarap ang mukha ko sa kaniya.

Ilang segundo siyang napatitig saakin. “Ssh bakit? Sino umaway sa'yo?” tanong niya at sabay yakap saakin at marahang hinagod ang likod ko.

Mas lalo akong napahagulhol. Napahawak ako sa puso ko. Bakit ang sikip sa dibdib?

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now