Chapter 23: Bid Your Last Goodbye

33 7 0
                                    

Tila lahat ng pangarap ko'y naglaho na parang bula. Parang lahat ng nabuong pag-asa ay nawala.

Gumuho ang mundo ko. Parang walang saysay ang lahat. Ang hirap huminga at ang hirap-hirap humarap sa panibagong araw.

“Ate, kumain ka muna oh!” Tinignan ko si Jeje sandali at ibinalik ang tingin sa kabaong ni mama.

“Kahit konti lang po!”
Kanina pa ako kinukulit ni Jeje na kumain na. Wala akong gana! Nagluluksa ako! Ayokong kumilos at ayoko sa lahat!

“Hindi mo ba naiintindihan na ayoko? Kung gusto mong kumain Jeje, kumain ka! Kita mo namang nagluluksa ako! Wala na si mama Jeje! Wala na!” Tumulo na naman ang luha ko.

Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko ngunit mas pinili na lamang niyang umalis sa harapan ko.

“Safira.” Napalingon ako sa aking tabi at walang emosyong tinignan ko si Apollo.

Niyakap niya ako ngunit hindi ako tumugon. Gusto kong mapag-isa.
“Sshh. I'm here.”

Hindi ako umimik. “Gusto kong mapag-isa Apollo.” Tanging sinabi ko. May sasabihin pa sana siya ngunit sa huli ay umalis na ito sa tabi ko.

Mas mabuti ng ganito. Mas mabuti nang sanayin ko ang sarili kong mag-isa kasi pagdating ng araw, iiwan at iiwan lang naman din ako ng mga taong nasa paligid ko.

Tumayo ako at lumapit sa kabaong ni mama. Tinitigan ko ang maamong mukha nito at ang nakapikit niyang mata.

“Ma paano nalang kami ni Jeje? Paano ko na haharapin ang panibagong araw na wala ka na?” Hinawakan ko ang salamin ng kabaong niya.

“Ma ang aga mo naman yata kaming iniwan. Akala ko ba hindi pa ngayon? Nangako ka ma eh!”

“Saf.”
Biglang dumating si Lei sa tabi ko. Niyakap niya ako. Yumakap ako pabalik at umiyak muli.

Inalalayan niya akong umupo sa upuan. “Sobra-sobra na ang lahat ng 'to Lei! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba?”

“Saf, kayanin mo. May anak kana! Kahit para sa kaniya na lang oh, lumaban ka!” Ngayon lamang bumalik saaking alaala na buntis pala ako, na may anak na pala ako.

“Hindi ko kaya Lei. Hindi ko talaga kaya! Sobrang sakit!” Hinagod niya ang likod ko.

“Walang problemang hindi kayang lampasan Saf. Kaya mo 'yan, okay? I'm always here. Tutulungan kitang bumangon ulit!”

Paano nga ba bumangon ulit? Paano nga ba?




Araw na para ihatid si mama sa huling hantungan niya. Sa tatlong araw ng lamay ay parang naubos na ang luha ko ngayon. Wala na yata akong tubig sa katawan.

Kumakain lamang ako dahil kailangan. Kailangan kong kumain para sa batang nasa sinapupunan ko. Minsan nga ay nakakalimutan ko pang kumain mabuti na lamang ay nandiyan si Lei.

Palagi ko ring kasama si Apollo. Hindi siya umalis sa tabi ko. Pati nga ito'y umabsent na para lang masamahan ako. Hindi ko naman ito hiniling sa kaniya. Pinagtabuyan ko na nga ito pero palagi paring bumabalik sa bahay.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Marami pa akong iniisip. Sobrang dami.

Lahat ay nag iiyakan habang tinatanaw ang kabaong ni mama na unti-unting pinapasok sa nitso. Hindi ako umiyak. Wala na akong maluha pa.

Sobrang sakit pero walang luhang lumalabas sa mata ko. Niyakap ko na lamang si Jeje na ngayo'y walang tigil sa pag-iyak.

“Paano na tayo ate!” tanong niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya sapagkat pati ako'y hindi ko alam kung paano na kami.

Niyakap ako ni Apollo.

“I'm always here love. I'm your family too.” Bigla kong napagtanto na bakit ko nga ba sila pinagtatabuyan sa buhay ko.

Mahal ako ni Apollo at hindi siya nawala sa tabi ko simula noong una. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang taong nandiyan para saakin?

Niyakap ko siya ng mahigpit. “I'm sorry. Pasensiya na kung pinagtabuyan kita. I'm sorry!” Niyakap niya ako ng mahigpit.

“I'm always here love. Iwan kaman ng lahat nandito lang ako para sa'yo.” Tumango ako. Alam ko Apollo, naniniwala ako sa'yo.

Bumalik kami sa bahay. Napakalungkot ng bahay at parang pati ito'y nagluluksa sa pagkawala ni mama.

Parang wala ng buhay ang bahay. Napakatahimik at lungkot ng paligid. Umuwi narin ang mga kapitbahay. Umuwi na si Lei dahil malapit nang gumabi. Umuwi narin si Apollo dahil tinawagan na siya ng mama niya.

Kami na lamang ni Jeje ang natira sa bahay. Wala siyang imik at ganon din ako. Walang salita ang lumalabas saaking bibig.

Tanging alaala lamang namin ni mama ang naiisip ko.

“Anak kapag nakapagtapos kana ng pag-aaral bumili ka ng maraming bubong!” natatawang saad ni mama. Napatingin ako sa bubong namin.

“Oo ma tapos pati kapitbahay natin bibilhan ko!” biro ko.

“Bumili ka rin ng magagandang damit. Bilhan mo si Jeje ha para naman hindi magmukhang kawawa ang kapatid mo!” Tumango naman ako at sinulyapan ang tulog kong kapatid.

“At kapag gusto mo ng mag-asawa anak, hanapin mo ang lalaking hindi ka iiwan kahit anong mangyari. 'Yong lalaking paulit-ulit na ipapaalala sa'yo kung gaano ka kaswerte at kung gaano kaganda ang buhay.” Napakamot na lamang ako sa aking ulo.

“Ma hindi po ako mag-aasawa!” tugon ko. Ngumiti si mama ng nakakaloko.

“'Yan din ang sinabi ko noong hindi ko pa nakikilala ang tatay mo! Scam' yan!
Basta anak hindi mo naman mapipigilan ang tadhana pero pumili ka ng lalaking mamahalin ka ng totoo.” Nakinig lamang ako kay mama.

Lagi mong tatandaan anak na napakaganda ng buhay. Mag-aral kayo ng mabuti ni Jeje dahil may magandang kinabukasan ang naghihintay sainyo. 'Wag kayong tumulad saakin! Gusto kong makapagtapos kayo ng pag-aaral para mabili niyo ang gusto niyo. Mahirap tayo anak pero alam kong isang araw, magiging matagumpay kayo.

Hindi naman palaging ganito ang buhay anak. May pag-asa sa kabila ng hirap. Maaaring nahihirapan tayo ngayon pero palagi mong pakakatandaan na nariyan ang Diyos. Handa siyang makinig sa mga kwento mo. May pag-asa sa kabila ng kahirapan anak!”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Sana nga ma, sana nga may pag-asa sa kabila ng lahat.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon