Chapter 11: He's In The Hospital

44 10 0
                                    

Nasapo ko ang aking noo habang nakaharap sa bubong naming halos makita ko na ang kalangitan sa rami ng butas.

Kanina pa bumabalik sa aking isipan ang sinabi ni Apollo saakin. Nakakatawa lamang isipin na para akong tanga at naninibago ako sa aking nararamdaman. Tama ba ito?

Ngayon ko lamang ito naramdaman at natatakot ako! Hindi ako handa sa maaaring ipagtapat sa akin ng tadhana.

Ala una na ng umaga at heto ako't patuloy na nag iisip sa mga bagay na hindi ko naman dapat isipin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pumikit. Pipilitin ko na lamang ang aking sarili na matulog.

“Sasa! Ika'y malelate na talaga kapag hindi kapa bumangon diyan!”
Agad akong napabangon nang madinig ko ang boses ni mama. Syet! Late naba ako? Hindi ako pwedeng malate at may oral recitation kami ngayon sa isang asignatura!

Agad kong itinupi ang aking kumot at agad napatayo. Gumana yata ang adrenaline rush ko ngayong umaga. Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa labas, sumikat na pala ang araw.

Wala na ang kapatid ko sa aking tabi at siguro'y naliligo na ito. Napatakbo ako palabas at naabutan ko naman si mama na abala sa paglalagay ng suman sa basket na lagi kong dala.

“Ma? Anong oras na ho?” bungad ko. Galing sa suman ay nabaling ang tingin ni mama saakin. “Malapit nang mag alas syete anak! Nagpuyat kaba kagabi?” Nanlaki ang mata ko na sinundan ko naman ng iling.

Tignan mo nagiging sinungaling na ako! Kung sainyo'y maaga pa ito ngunit para saakin ay ito na ang pinakalate na gising ko. Nasanay naman kasi akong gumising ng maaga. Hindi tuloy ako nakapag-saing at hindi ko man lang natulungan si mama sa ginagawa niya.

“Maligo kana Sasa at tapos na yata ang kapatid mo!” saad ni mama. Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa likod ng bahay.

Hindi nga nagkamali si mama dahil nakasalubong ko na lamang si Jeje malapit sa pintuan. “Himala!” saad ko.

Ngumiti ng tipid ang kapatid ko at aakmang papasok na. Problema nito? “Oh ano problema natin bunso? Nabusted kaba ni Lovely?” biro ko ulit. Imbis na bumawi ito ng pang-aasar ay inirapan lamang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakunot na lamang ang noo ko at dumiretso palabas ng bahay. Hinanda ko ang isang balde ng tubig at tinignan muna ito bago tuluyang binasa ang sarili.

Kailangan ko nang magmadali sapagka't baka malate pa ako kapag hindi ako mag double time.

Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa bahay at nagbihis. Nadatnan ko naman si Jeje na papaalis na ng bahay na hindi man lang nagpapaalam saakin.

“Problema non ma?” tanong ko kay mama sabay upo sa nag iisa naming monobloc chair. Binigyan ako ni mama ng pagod na ngiti. “Ewan ko anak nagbibinata na siguro!” Hindi ko tuloy maimagine si Jeje na binata na. Paniguradong magiging habulin siya ng mga babae.

Syempre magaganda't gwapo ang lahi namin. “Siguro nga ma. Baka may nagugustuhan na!” saad ko.

Tumawa ng mahina si mama. Sumandok ako ng kanin at kumuha ng isang tuyo mula sa mangkok. “Ikaw ba Sasa may nagugustuhan kana ba? O manliligaw?” Nabitawan ko ang kutsara at sandaling napatingin kay mama.

“Ha? Wala ma. Wala pa po 'yan sa isip ko!” wika ko. Para akong nagsinungaling sa sinabi ko. Wala ba talaga?

Dumaan si mama sa gilid ko at tinapik ang balikat ko. Huminto siya sa paglalakad at ngumiti saakin. “Anak balang araw makikilala mo rin siya at sana' wag kang gumaya saakin na sumuko na hindi lumalaban.”

Isang tipid na ngiti ang binitawan ko at marahang tumango. Hindi ba niya ipinaglaban si papa?

Huminga ako nang malalim bago itinoun ang atensiyon sa pagkain. Kumain ako at iwinaksi sa aking isipan ang mga ideyang ayokong isipin.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now