Chapter 15: Constantly

36 10 4
                                    

Napahawak ako sa aking ulo at nagpakawala ng ubo. Dahil sa pagpapaulan namin kahapon ni Jeff ay nilagnat ako.

Hindi ako nakapasok ngayong araw at nandito lamang ako sa aming sahig. Sinisipon din ako at kanina pa ako ubo nang ubo.

Kinuha ko ang isang basong tubig na nasa tabi ko na hinanda ni Jeje. Ininom ko ito at bumalik sa pagkakahiga. Hindi ko naman pinagsisihan na maligo sa ulan kahapon.

Hindi ko nga alam kung ulo lang ba masakit saakin o pati ba puso?

"Hays bakit ka kasi nagpaulan anak sana hinintay mo nalang na humupa ang ulan!" wika ni mama na ngayon at kinukuha na ang mga labahin namin ni Jeje mula sa sako.

"Ma ako na po maglalaba niyan!" Lumingon si mama saakin sandali at ibinalik din sng tingin sa sako.

"Magpahinga ka lang diyan Sasa! Wala naman akong trabaho ngayon kaya lalabhan ko na lamang ito hanggang sa may tubig pa tayo." Alam ko namang hindi tumanggap si mama ngayon ng labahin dahil sa nilagnat ako. Noon paman ay kahit importanti ang pupuntahan niya sa tuwing may nagkakasakit sa isa saamin ni Jeje ay cinacancel talaga niya.

"Magpahinga ka rin ma," saad ko. Hindi na ako pinakinggan ni mama bagkus lumabas na ito mula sa aking kwarto dala-dala ang labahin.

Huminga na lamang ako nang malalim at nagkumot sapagkat giniginaw na naman ako.

Kaninang umaga ay dumalaw dito si Jeff at nang malaman niyang nilagnat ako ay todo sorry ito saakin. Hindi niya naman kasalanan at ginusto ko namang maligo.

Pinadala ko narin sa kaniya ang sulat ko para kay dean. May pinapagawa kasi ito saakin at dahil wala ako ay hindi ko na magagawa.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata upang makapagpahinga ang aking katawan.

****

Maingay ang labas at may kausap si mama. Siguro narito ang isa sa aming kapitbahay o kaibigan niya. Hindi na ako nag-abalang tumayo pa at silipin ito.

"Iho nagpapahinga pa si Safira. Umupo ka muna sa nag iisang upuan namin," dinig kong wika ni mama.

Iho? Sino naman ang pumunta rito? Si Jeff ba?

"Ano nga ang pangalan mo iho?" tanong ulit ni mama.

"Apollo po." Nanlaki ang mata ko nang madinig ko ang pangalan niya. Bakit siya narito? Kinapa ko ang buhok ko at gulong-gulo ito. Bakit siya narito?

"Ah oo nga pala. Pasensiya na't napakaliit ng aming bahay."

Tila uminit ang paligid. Hindi kagaya kanina na sobrang lamig. Hindi ko alam anong gagawin ko! Lalabas ba ako?
Anong kailangan niya?

"Teka titignan ko lang kung gising na ba si Sasa!" saad ni mama.

"Sure po. I will just wait here."
Halos tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Jusmeyo!

"Anak?" Magkukunwari sana akong tulog ngunit dumating na si mama. Kalma Safira!

"Anak nandito ang kaibigan mo!" balita ni mama. Ma! Hindi ko pa siya kaibigan!
Hindi ko alam anong erereact ko. Ano bang gagawin ko? Magkukunwari ba akong masama ang pakiramdam? O matutulog ulit? Hindi ko nalang kaya siya kakausapin? Bakit ba kasi siya narito!

Anong nakain ng isang mayamang kagaya niya at napadpad siya rito sa squatter area? Baka magkasakit pa siya.

Huminga ako nang malalim. Kakausapin ko na lamang siya at ipapauwi. Tila nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa nalaman kong nandito siya.

"Ah kausapin ko lang ma." Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Mama. "Siya na lamang ang ipapapunta ko rito anak. Bumalik ka sa pagkakahiga at ayokong mabinat ka!" saad ni mama.

Nasapo ko na lamang ang noo ko sabay libot ng tingin sa magulong kwarto namin ni Jeje. Nakakahiya ito!

Lumabas na si mama kaya kinuha ko muna ang tali ng aking buhok at inayos ang sarili. Ilang sandali pa ay lumabas na si mama kasama si Apollo sa kurtinang nakaharang sa pagitan ng kwarto at labas.

Napatingin ako kay Apollo na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin saakin. Ano nagsisisi kana bang pumunta ka rito sa squatter area?

"Ewan ko muna kayo Sasa at iho. May kukunin lang ako sa kapitbahay!" pagpapaalam ni mama. Aangal pa sana ako ngunit nakaalis na siya.

Hindi ko alam anong una kong sasabihin. Kinakabahan ako at tanging kabog ng puso ko lamang ang aking nadidinig.

"How are you? Masama parin ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at nakatitig lang ito saakin. Naghihintay ng sagot ko.

Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay binato ko siya ng isang tanong. "Bakit ka narito? Kadiri ang lugar namin Apollo at baka magkasakit ka. Bumalik kana sainyo at hindi ka nababagay rito!" Umiwas ako ng tingin.

"I don't care Safira! Wala akong pakialam kung gaano pa kadumi o baho! Ang akin lang malaman kong okay kana." Umiwas siya ng tingin at kinalma ang sarili. "You damn make me worried! Bakit ka sumulong kahapon sa ulan?" Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Hindi ako sumagot. "And why the hell are you crying yesterday?" he asked again. Napapikit na lamang ako. Nakita pala niyang umiiyak ako!

Kung alam niya lang na siya ang dahilan magagalit ba siya sa sarili niya? Bakit ganun? Bakit ganiyan siya umakto?

"B-Bakit ka nandito?" tanging naging tugon ko.

Napasuklay na lamang siya sa buhok niya at inis na tinignan ako. "Why can't you understand that I f*ckin cared for you Safira!" Humina ang boses nito at malumo akong tinignan. "Please don't create a barrier between us."

Napapikit ako. Bakit siya nag-aalala saakin? Bakit? Ang gulo! Dahil ba wala nang magagawa sa project niya? Dahil ba dun? Kung dahil dun sana sabihin niya na agad at 'wag na siya gumamit ng iba pang salita. Nahihirapan ako. Nahihirapan akong intindihin siya at ang mga sinasabi niya!

"Hindi kita maintindihan Apollo."
Tinignan niya ako sandali at dahan-dahang lumapit saakin.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at tanging kabog ng puso ko ang aking nadidinig. Nakakabingi!

Ang hirap huminga! Nahihirapan ako sa tuwing nasa malapit siya. Anong bang ginawa mo saakin Apollo at nagkakaganito ako? Hindi ako ito!

Hinawakan niya ang kamay ko na nagdulot ng bolta-boltaheng kuryente saaking katawan. Gusto kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit hindi umaayon ang puso ko.

Mali 'to! Hindi pwede.

Inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok nito. "Even I Safira. Kahit ako ay hindi ko maintindihan bakit ganito na lamang ang tibok nito sa tuwing naaalala at nakikita kita! Lahat ng ginagawa ko ikaw ang iniisip ko." Binitawan niya ang kamay ko at tumitig lamang sa akin. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya.

Nananaginip ba ako?

He made a deep sighed bago sabihin ang mga salitang minsan ko nang pinangarap. "I like you Safira Ellison."

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now