Chapter 10: Favor

48 9 7
                                    

Umagang kay antok. Napatingin ako sa salamin naming halos hindi mo na makita ang sarili mo dahil sa rami ng crack.

Ang laki-laki ng eyebags ko. Hindi ko alam at anong kadramahan ang naramdaman ng utak ko at ang tanging iniisip lamang nito ay ang nangyari kahapon. Kung ano bang ginawa nila. Masaya ba sila, ugh! Kainis bat ko ba iniisip 'yon!

Iwan ko pero ngayon ko lamang ito naramdaman sa tanang buhay ko. Napatunayan ko talaga na hindi ako alien at isa akong ganap na tao.

Kaibigan ko si Joy pero hindi ko maiwasang mainis. Ah! Bakit ba ako nagkakaganito! Jusme.

"Oh anak? Bakit ka padyak nang padyak diyan?" Napahinto ako sa kaoahan ko nang biglang pumasok si Mama mula sa likod ng bahay.

"Wala ma. May pina practice lang po!" pagsisinungaling ko. Nasampal ko ang sarili, kailan pa ako natutong magsinungaling?

Naku naman oh!

"Ate para kang zombie!" saad ni Jeje na ngayon ay tapos nang maligo.

Salamat naman sa compliment niya. "Ikaw nga mukhang dinasour eh!" tugon ko.

Tumawa lang siya at dumiretso na sa kwarto. Dali-dali akong pumunta sa likod ng bahay at baka malate pa ako.

Dahil wala ako sa isip ko ay dire-diretso ang pagligo ko at hindi man lang nakaramdam ng ginaw hindi katulad ng dati na halos titigan ko pa ang tubig ng isang oras bago ako tuluyang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Nagsuklay at inayos ang sarili kahit papaano.

Natapos na akong ayusin ang sarili ko kaya nama'y dumiretso na ako sa kusina. Nadatnan ko si Jeje na kumakain. Walang labahin si Mama ngayong araw at magpapahinga na muna raw siya. Mabuti naman at naisipan niya na ang matagal ko nang pagpupumilit sa kaniya na 'wag muna maglaba at magpahinga muna kahit saglit.

Ilang ulit ko naring tinanong si Mama tungkol sa dugo na nakita ko ngunit sinabi niya lang na normal lang daw iyon. Hindi naman daw siya inuubo pa kaya okay nadaw siya.

"Oh anak kumain kana!" saad ni Mama sabay bigay saakin ng isang plato. Nakaupo si Jeje sa nag-iisang monobloc chair namin kaya ang ibig sabihin ay nakatayo akong kakain ngayon.

Ayoko namang umupo sa sahig dahil madudumihan ang puting uniform ko dahil hindi pa tuluyang nalinisan ang sahig dulot ng baha noong isang araw.

"Ano po ibebenta ko ngayon Ma?" tanong ko.

Kinamot ni Mama ang ulo niya sabay lakad patungo sa kusina at pinaypayan ang namatay na apoy. "Wala na muna anak at birthday ni Aling Beth bukas. Nagpapagawa ito ng suman at kutsinta kaya gagamitin ko nalang muna ang harina para roon!" Napatango tango ako. Makakakain na ulit ako ng litson nito.

"Mustang pag-aaral mo Je?" tanong ko sabay baling kay Jeje na seryosong nginunguya ang pagkain.

"Okay naman po ate pero napakapangit po ng mga kaklase ko!" Napatawa ako sa sagot niya. Itong kapatid ko talaga feel na feel na gwapo siya at kung makalait sa kapwa eh walang pagdadalawang isip.

"Jeje masama ang manlait sa kapwa. Walang pangit na ginawa ang Diyos!" saad ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Pangit naman talaga sila ate. Pangit ang ugali!"

Ang katulad naming mahirap ay prone talaga sa bullying. Sanay na sanay na ako dito dahil mula elementary hanggang ngayon ay lagi ko parin itong nararanasan. Pinapalabas ko na lamang sa kabilang tenga ko ang mga masasakit na salita na binibitawan nila. Totoo naman kasi, wala naman akong problema dun na sabihan nila kaming mahirap dahil mahirap naman talaga kami pero saka na ako umaalma kapag dangal at pagkatao ko na ang yinayarukan.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα