Chapter 27: After

45 7 0
                                    

“Ma'am Safira, Pakipirmahan nalang po!” Kinuha ko ang papel mula sa kamay niya at binasa ito bago tuluyang pumirma.

“4 pm ma'am you have meeting at Chanela Hotel,” wika ni Magda, ang secretary ko. Napatingin naman ako sa kaniya. “Sino ang kameeting ko today Mag?” I asked.

She checked her notes. “Si Mr. Devera po ma'am. 'Yong magfrafranchise ng isang branch ng Saje Restaurant!”

Napatango ako. Nagpaalam na ang aking sikretarya saakin habang naiwan akong mag-isa sa aking opisina.

Tumayo ako mula sa aking swivel chair at napatitig sa kabuuan ng aking opisina. Ilang minuto nalang at alas kwatro na.

Dumako ang tingin ko sa glass wall ng aking opisina. Kitang-kita ko ang matataas at matatayog na building na katapat lang ng kompanya ko.

“Magandang hapon Ms.Ellison!” Napalingon ako sa pintuan, hindi nga ako nagkakamali.

“Lei!” sigaw ko nang makita ko na siya. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at niyakap ito. Matagal nadin kaming hindi nagkita sapagkat masyado siyang abala sa law firm na pinagtatarabahuan niya.

“Gaga ang ganda mo na!” sigaw niya. Napailing na lamang ako. Iginiya ko siya paupo sa couch.

Tinitigan niya ang sout kong palda. “Taray girl, boss na boss dating mo!” Natawa ako sa sinabi niya dahilan para hampasin ko siya ng mahina.

“Ang oa mo talaga kahit kailan!” saad ko.

Tumawa lang siya at inilibot na ang tingin sa paligid. “Ang yaman mo na talaga dear. Libre naman diyan oh!”

Sumandal ako sa couch. “Sige ba, kailan ka free?” I asked back. Napangiti naman siya. “Ang charot mo na talaga Saf! Bongga kana!” aniya.

“Ah mamaya nalang bar tayo!” excited na saad niya. Naging adik na talaga 'to sa pagbabar. Ngayong nakapagtapos na kami ng pag-aaral lang kasi niya nadiscover na may hidden talent pala siya, ang pagiging lasinggera.

“Ayoko' no! Ikaw nalang.” Tinaasan naman niya ako ng kilay. She even crossed her arms for the drama. Alam ko namang hindi papayag 'to.

“Girl samahan mo na ako, besides nagcecelebrate ako kasi ang daming benta ng libro ko so please celebrate with me! Wag kang nega!” Napaisip ako sandali. Ilang beses nadin akong niyaya ni Lei na mag bar kasi para naman daw maexperience ko bago ako maging gorang. Ayoko naman talaga kasi hindi ako mahilig sa maingay na lugar pero since magcecelebrate nga siya. Why not?

These past few days masyado rin akong madaming ginagawa at wala man lang akong break from everything.

“Fine!” I surrendered. Napangiti naman siya.

“Anyways sikat na sikat kana sa mundo ng pagsusulat ah?” I asked back. That's true, Leisel is one of the most famous writer in the country. She's an architect at the same time she still make time for writing. Kaya bilib na bilib ako sa kaniya.

“Hala! Hindi naman masyado!” Natawa na lamang ako. Pahumble.

Since then, isa si Leisel sa mga taong hindi ako iniwan. She have been there through my ups and downs. She helped me to live my life again after those bunches of uncountable trials.

I'm now a successful business woman. After I came back to college I never pursue nursing since it wasn't really my dream instead I pursue BSBA. Pinasukan ko lahat para lang maigapang kami ni Jeje.

It's been 8 years and I'm still Safira Ellison. I'm standing still and I'm living my life happily.

“Ate where are you going?” Pababa na sana ako sa hagdan nang magkasabay kami ni Jeje.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now