Chapter 26: On His Wedding Day

46 8 4
                                    

“Jeje tignan mo ang sinaing ko at baka nasunog na 'yon!” sigaw ni Safira na ngayon ay abala sa paglalaba sa likod ng kanilang bahay.

Agad namang tumakbo si Jeje mula sa kaniyang kwarto patungo sa kusina at iniwan muna ang kaniyang tinutupi na damit.

Napansin niyang wala na itong apoy kaya sandali muna niya itong hinipan at nang magkaapoy na ito ay iniwan na niya at bumalik na sa kwarto at pinagpatuloy ang pagtutupi.

Abala si Safira sa paglalaba ng kanilang mga damit. Minamadali niya ito sapagkat may lakad pa siyang pupuntahan ngayong araw.

Tutungo pa siya kina aling Delia at ededeliver ang nilutong suman. Sa pagkawala ng kaniyang ina at sa pagbangon nilang muli ni Jeje ay ginawa niya nang negosyo ang pagbebenta ng suman katulad ng kaniyang nakaugalian.

Ang pinagkaiba lamang ay ngayon siya na mismo ang nagluluto. Kuhang-kuha ni Safira ang timpla ng suman ng kaniyang ina na siyang labis na ikinatuwa ng kanilang mga kapitbahay.

Napagdesisyunan ni Safira na tumigil muna sa pag-aaral. Ilang beses din niya itong pinag-isipan. Babalik siya kaniyang pag-aaral kapag nakapag ipon na siya. Balak niyang mag-ipon muna bago bumalik sa pag-aaral.

Nais niya rin munang lumayo sa lahat. Nakausap niya na si dean at ang sabi pa nga nito'y pwedeng-pwede pa bumalik si Safira sa susunod na taon na hindi natatanggal ang kaniyang scholarship.

Mahirap na desisyon ito para kay Safira ngunit wala itong magagawa sapagkat ito na lamang ang tanging paraan para hindi sila maghirap ng lubusan.

Hawak padin niya ang sobreng binigay sa kaniya ng ama ni Apollo. Ni piso ay wala siyang kinuha rito. Balak din niyang isauli ito ngayon.

Nasaktan man siya at napilayan ngunit hindi naman ito sapat na rason na hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang buhay. Maraming nawala sa kaniya. Nanay, anak, kaibigan at mahal sa buhay ngunit alam niyang may dahilan ang lahat.

Lahat ay may dahilan. Siguro hindi pa natin naiintindihan kung bakit nga ba ganito na lamang ka lupit ang mundo saatin ngunit sa wakas ay unti-unti rin nating matatagpi-tagpi ang mga pangyayaring naging daan sa pagkatuto natin sa mga bagay-bagay.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Safira. Tumayo na ito at sinampay na ang mga labahin niyang natapos na niyang banlawan. Tumingkayad ito ng kaunti sapagkat hindi niya maabot ang sampayan.

Matapos niyang isampay lahat ay napagdesisyunan niyang maligo na upang magawa na niya ang kaniyang dapat gawin ngayong araw.

“Ate! Alis muna ako! Gagawa kami ng project kina Albert!” pagpapaalam ni Jeje. Si Albert ay ang kaniyang kaklase.

Nadinig ito ni Safira. Tapos na itong maligo kaya naman ay dali-dali siyang pumasok upang maabutan ang kaniyang kapatid. Minsan kasi ay tumatakbo na ito kaagad palabas sa kanilang bahay.

“Je! Umuwi ka ng maaga ha?” paalala niya. Noong araw kasi ay naabutan na ng gabi kakalaro si Jeje sa kalye.

“Opo ate!” wika niya sabay takbo paalis sa bahay nila.

Dumiretso na si Safira sa kanilang silid. Nadaanan niya ang silid sa kaniyang mama. Isang mabigat at malalim na buntong hininga ang kaniyang ginawa bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanilang kwarto ni Jeje. Simula noong namatay ang kaniyang mama ay hindi nila pinakialaman ang gamit nito.

Nagbihis si Safira ng isang simpleng maong na pantalon na pinarisan niya ng checkered na sinusout niya lamang kapag may program noon sa school niya noong highshool. Hindi naman masyadong lumaki si Safira kaya nama'y kasyang-kasya pa sa kaniya ang mga damit nito noong highshool.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now