Chapter 22: No Good In Goodbye

34 6 0
                                    


“Ube cake please!” Agad kong kinuha ang ube cake mula sa lalagyan.

“Ito lang po ba ma'am?” tanong ko. Tumango naman siya.

“Pakisulat na lamang po kung anong gusto niyong isulat ko sa ibabaw ng cake!” wika ko.

Agad naman niyang kinuha ang ballpen at papel mula saakin at sumulat doon. Matapos niyang sumulat ay agad din naman niyang ibinalik saakin ang papel.

Isinulat ko na sa cake ang sinulat niya sa papel. Pagkatapos ay inilagay ko na sa cartoon.

“Ito na po ma'am. Thank you come again!” saad ko. Ngumiti lang siya at umalis na. Napatingin ako sa wallclock. Malapit na palang mag alas otso ng gabi.

“Ang sipag naman Safira!” Napatingin ako kay Lei. Ngumiti lang ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Lei dahil pinapasok niya ako sa isa sa mga negosyo nila. Isa akong tindera sa isang branch ng bakeshop nila.

Kahit gabi ang trabaho ay tinanggap ko na at kailangan ko talaga ng pera.

“Hindi kapa uuwi Lei?” tanong ko rito.

“Samahan muna kita. Magbabasa ako ng libro rito!” Tumango na lamang ako at inayos ang mga tinapay.

Dalawang linggo na ako rito pero palagi parin akong inaantok sa tuwing ako ang nagduduty. Hindi naman kasi ako sanay na magpuyat.

Napahawak ako sa ulo ko. Biglang sumakit ito. Hinilot-hilot ko ito sandali, sunod-sunod nadin ang araw na sumasakit ang ulo ko. Parang gusto ng katawan kong matulog na lamang palagi. Palagi rin akong nagsusuka. Ang sabi ni Jeff ay siguro'y tungkol ito sa mata ko. Baka raw ay may deperensiya na ako sa mata at kailangan ko nang magpatingin sa doctor.

“Anim na coconut bread miss!” Napaangat ako ng tingin ngunit biglang nandilim ang paningin ko.

“Sasa!” sigaw ni Lei, ang huling nadinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.


Ang puting ding-ding at kisame ang bumungad saakin. Medyo okay na ang aking pakiramdam.

Napatingin ako sa gilid ko at nandoon si Lei na abala sa cellphone niya. Umupo ako ng maayos. Nandito pala ako sa Hospital.

“Lei?” tawag ko sa kaniya. Agad naman itong napatingin saakin. Nang makita ako'y agad niyang ipinasok ang cellphone niya sa bag niya at agad tumayo sabay kuha ng isang tray ng pagkain.

“Gising kana pala Saf. Kumain ka muna!” Napatingin ako sa tray na puno ng pagkain. Gulay ang ulam at may binalatang orange at apple na rito.

“Busog pa ako Lei! Uwi na tayo!” saad ko. Umupo siya sa tabi ko at umiling.

“Kailangan mong kumain Saf. Kailangan ng masustansiyang pagkain ang baby mo—” Sandali akong napatigil at napatingin kay Lei. Pati ito'y nagulat sa sinabi niya.

“Para sa? Para sa ano Lei?” seryosong tanong ko.

Sandali siyang napatigil. Huminga ito nang malalim at tinignan ako. “Buntis ka Safira!”

Ilang sandali kong inulit sa isip ko ang sinabi ni Lei. Hindi ko maintindihan!
“Ang pagiging antukin mo at pagkecrave mo ng iba't ibang pagkain ay sanhi pala ng pagbubuntis mo. Si Apollo ba?”

Hindi ako makahinga. Naramdaman kong nangatog ang buong katawan ko. B-buntis ako? Hindi pwede!

“H-hindi p-pwede Lei!” Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Hindi ako pwedeng mabuntis! Hindi pa ako tapos mag-aral! Paano na lamang ang pag-aaral ko? Anong ibubuhay ko sa kaniya? Anong sasabihin ko kay mama! Anong sasabihin ko kay Apollo? Matatanggap ba niya?

“Safira hindi mo pwedeng ipalaglag ang bata!” Lumapit saakin si Lei at niyakap ako. Napayakap na lamang ako pabalik.

Hindi pwede 'to! Hindi pwede.

“You need to be strong for your baby Saf. Nandito ako, okay?”

Hindi ko matanggap! Mahirap na nga kami nagpabuntis pa ako! Bakit ba ang bobo ko at hindi ko naisip ang maaaring mangyari pagkatapos ng ginawa namin?

“Paano na lang Lei? Hindi ko alam anong gagawin ko!” Hinagod nito ang likod ko.

“Hindi pa naman masyadong mahahalata 'yan Safira and besides I'm just here for you. Tutulungan kita. And I'm sure tatanggapin naman ni Apollo' yan. If he loves you tutulungan ka niya! Relax okay nakakasama sa baby mo 'yan!”

Pinahid niya ang luha ko at pinakalma. Nangangatog padin ang katawan ko ngunit pinakalma ko narin ang sarili ko, lalo na't alam kong hindi na ako nag-iisa.

“From now on kailangan mong kumain ng masustansiyang pagkain. Mag ingat ka rin sa mga galaw mo.”

Hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat ng ito. May pinoproblema pa akong pera para sa panggamot ni mama. Paano na lamang ako makakatrabaho nito. Paano ko sasabihin sa kanila?

Pinadismaya ko si mama at Jeje.

Nagtaxi kami pauwi ni Lei at hinatid niya ako sa bahay. Hiyang-hiya na ako sa kaniya sa rami ng natulong niya saakin.

Mugto ang mata ko habang nilalakad ang pasilyo patungo sa bahay. Alam kong nag-aalala na ngayon sina mama at Jeje saakin.

“Ate!”
Napatingin ako sa bahay. Napakaraming tao at dinig na dinig ko ang iyakan.

Anong nangyayari?

Napatingin ako kay Jeje na ngayon ay umiiyak na sa aking harapan. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kapitbahay naming nag iiyakan sa harap ng bahay namin.

“Ano Jeje?” sigaw ko.

“S-Si mama ate.. Si m-mama, w-wala na si m-mama!” Ilang segundo akong natulala at hindi maproseso ng aking isipan ang sinabi niya.

Nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo na lamang ako sa lupa.

Para akong binagsakan ng mundo. Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko maramdaman ang puso ko ang alam ko lamang ay napakasakit ng nararamdaman ko.

Gusto kong makita si mama!

Kahit nahihirapan ay tumayo ako't naglakad patungo sa bahay. Hindi ako naniniwala! Magkausap pa kami ni mama kagabi eh! Nagpaalam pa ako sa kaniya! Hindi naman totoo diba?

Hindi ako makapagsalita habang tinitignan ang nakahandusay na katawan ni mama sa sahig. Lahat ng luha ko'y bumuhos.

Lumapit ako sa tabi ni mama at niyakap ko ito. “Ma! Gising kana oh! Nandito na ako ma! MA!” sigaw ko.

Hindi kumikilos si mama. Hindi ito tumutugon sa akin. “Ma naman hinding magandang biro 'to! Ma! Sabi mo hindi mo kami iiwan? Ano na? Ma! Ano ba ma! Ma!”

“A-Ate wala na si mama..”

Pagod na pagod na ako. Ayoko na sa mga nangyayari! Hindi ko na kaya!

“HINDI KO KAYA JE! HINDI KO KAYA.”

Sobrang sakit. Hindi ko alam bakit nangyari' to sa buhay ko. Deserve ko ba ang ganitong buhay? Bakit ba napakaunfair ng mundo? Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Ang maghirap ang buhay?

Sana pala mamatay na lamang ako! Hindi ko na alam anong gagawin na wala na si mama. Mas pipiliin ko pang sumama sa kaniya kaysa paulit-ulit na maranasan ang walang hanggang kahirapan na ito.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now