Chapter 21: Complications

40 7 0
                                    

“Ma ako na ho maglalaba niyan. Hapon na po oh at kanina ka pa diyan naglalaba!” wika ko.

Umiling naman si mama at nagpatuloy sa pagkuso ng mga labahin. Hapon na ngayon at kaninang umaga pa si mama na nakaupo at naglalaba.

“Ako na anak kaya ko pa! Kunin mo na lamang 'yong zonrox sa lababo!” utos ni mama. Napailing na lamang ako at pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa lababo at kinuha ang maliit na zonrox na konting-konti na lamang ang laman.

“Jeje ano ginagawa mo?” Dumaan muna ako sa kwarto namin ng kapatid ko dahil kanina parin siya  abala sa proyekto niyang hindi niya matapos-tapos.

“Wag kang maingay ate malapit na!” tugon nito. Napailing na lamang ako at lumabas na sa kwarto. Baka hinahanap na ako ni mama.

“Ma?” sigaw ko.

“Ma!” Napasigaw ako nang makita ko si mama na nakahandusay sa lupa. Nangatog ang buong ang katawan ko habang nakatingin sa kaniya, Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksiyon niya.

Nanlamig ang buo kong katawan nang mapansin kong hindi na ito gumagalaw. Napatingin ako sa bibig ni mama na may dugo.

Kinapa ko ang pulso niya at nakahinga ako nang malalim nang may pulso pa ito. Kailangan kong madala si mama sa hospital!

“Jeje!” sigaw ko. Umiiyak na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong dalhin si mama sa hospital.

“Ate anong nangyaya—” Hindi na natapos ni Jeje ang pagtatanong niya nang makita niya si mama na walang malay.

“Humingi ka ng tulong sa mga kapitbahay Jeje kailangan nating madala si Mama sa hospital!” sigaw ko. Bigla siyang natauhan at tumakbo paalis.

Hindi ko alam anong nangyari kay mama pero alam kong tungkol na naman ito sa ubo niya. Matagal ko nang napapansin na sa tuwing umuubo siya'y may kasamang dugo.

Ang tanging ipinagdadasal ko lamang ay sana dahil lamang ito sa sobrang paglalaba niya. Sana hindi pa higit dito.

Biglang dumating si Jeje kasama si Jeff at ang iba pa naming kapitbahay. “Ako na Parikoy!” saad ni Jeff at agad niyang binuhat si mama.

Dali-dali akong tumayo at isinout ang aking tsinelas. Sumunod kaagad ako. Isinakay nila si mama sa tricycle, agad naman akong sumakay. “Jeje ikaw na ang bahala sa bahay!” sigaw ko nang umandar na ang tricycle.

Hinawakan ko lamang ang kamay ni mama. Hindi masukat ang kaba na nararamdaman ko. Nakakatakot.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang hospital. Mabuti na lamang ay malapit lang ito saamin.

Binuhat ulit ni Jeff si mama at agad kaming pumasok sa hospital. May kinausap na nurse si Jeff. Hindi ako makapagsalita at sumunod lamang ako sa kaniya.

Inasikaso na si mama kaya kahit papaano ay nawala ang aking kaba. Pinalabas kami ni Jeff.

Ngayon ko lang napansin na sobrang gulo pala ng buhok ko at punit pa ang nasout kong damit. Napahawak na lamang ako sa aking ulo. Nakasando pa ako na pambahay.

“Parikoy magiging okay rin si mama,” saad ni Jeff. Inangat ko ang tingin ko at lumingon sa kaniya.

“Salamat Jeff!” saad ko. Ngumiti siya't lumapit saakin. Niyakap niya ako na nagpagaan ng pakiramdam ko.

Bumitaw ako sa yakap at umupo muna sa mga upuang nakahilera roon.

“Bili muna ako ng tubig parikoy. Dito ka lang!” Tanging tango na lamang ang naging tugon ko.

Isinandal ko ang sarili sa pader at pumikit. Hindi ko kayang mawala saakin si mama. Mas gugustuhin ko pa sigurong mawala saakin sa lahat 'wag lang silang dalawa ni Jeje.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now