Chapter 4: First And First

91 14 4
                                    


“Ano ba 'yan ate bakit may bawang' tong itlog?” Tinaasan ko ng kilay si Jeje. Kailanman ay hindi talaga niya gusto ang bawang.

“Gamot 'yan Jeje wag ka ngang maarte. Pag kumain ka ng bawang madaling gagaling ang mga sugat mo!” paliwanag ko. Napakamot naman si Jeje sa ulo niya.

“Eh? Wala naman akong sugat ate ah? Tsaka ulam natin' to.” Napailing na lamang ako at tinatamad na akong magpaliwanag sa kapatid ko.

“Tama na nga 'yan at kumain na lang kayo. Mabuti nga't may itlog at bawang pa tayo kaya magpasalamat kayo keysa puro reklamo!” pangaral ni mama. Umupo na ako sa monobloc dahil ako ang naunang umupo kanina.

“Oh kumusta' yong pag-aaral mo Jeje?” tanong ni Mama kay Jeje.

“Okaynanannahshshpohqmmamkasihahsj” tugon nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ilang ulit ko nang pinagsabihan ito na hindi magsalita basta may pagkain sa bibig.

“Don't talk if your mouth is full!” pangaral ko. Napapeace sign naman ito.

“Sorry ate hehe!”

Nagpatuloy na ako sa pagkain habang si mama naman ay tawa lang nang tawa.

“Hay naku kayo talagang dalawa itong kulitan niyo talaga ang mamimiss ko!” Napatingin naman ako kay Mama, “Saan ka naman pupunta ma?” tanong ko.

Nawala ang ngiti nito sa labi ngunit agad naman itong ngumiting muli, “Wala anak ang ibig kong sabihin sa tuwing naglalaba ako naalala ko kayo!” tugon nito.

Napatango na lamang ako pero alam kong may mali sa ngiti ni mama.

“Mauna na ako Ma!” paalam ko. Hindi naglaba si Mama ngayong araw at may PTA meeting sa eskwelahan nila Jeje.

“Sige anak, mag-ingat ka!” Kinuha ko na ang basket na lagi kong dala-dala, suman na naman ngayon ang dala ko.

As always dumiretso ako kina Aling Delia. Pagdating ko ay sarado naman. Naglakad ako patungo sa katabing tindahan nila Aling Delia, ang computer shop ni Kuya Adong. Lagi ako rito sa tuwing may ginagawa ako about school stuffs. Alam niyo na wala naman akong cellphone.

“Magandang umaga iha!” bati ni Kuya Adong saakin. Napangiti ako sa taas ng energy nito.

"Magandang umaga ho kuya Adong! Bakit po ba sarado sila Aling Delia?” Naglakad ako papasok sa computer shop ni Kuya at bumungad saakin ang mga batang kay aga naglalaro na.

“Naku iha! Nahospital ang anak ni Aling Delia kaya nama'y walang tao sa kanila!” balita ni Kuya Adong. Nalungkot naman ako at nahospital na naman pala ulit si Kuya Gimmy, siya ang anak ni Aling Delia.

Hay naku sayang naman ang benta ko. Napatingin ako kay Kuya Adong.

“Kuya Adong! Bilhin mo nalang 'tong suman oh!” saad ko sabay alok sa kaniya ng basket. Sana naman bilhin na ni Kuya para naman hindi na ako mahirapan mamaya.

“Naku naman iha birthday ng pamangkin ko kahapon at may suman pa ako! Pero para may benta ka pabili nalang ako ng lima!” Napangiti ako at agad kinuha ang limang suman mula sa basket ko at ibinigay kay Kuya Adong.

“Salamat po Kuya!” saad ko at naglakad na palabas mula sa computer shop. Tinanggap ko naman agad ang bayad.

“Ingat ka iha!”

Tumakbo na ako habang dala-dala ang basket ko. Marami-rami pa ito pero sigurado naman akong mauubos ito ngayon sa classroom.

Maraming mga sasakyan na kasabay ko sa pagtakbo. Wala naman akong pakialam. Napangiti ako nang makita ko na ang gate ng University. Salamat naman!

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon