14.

258 11 0
                                    

FLASHBACK

Simone na akin ❤️
Active Now

SAT 11:11 PM

Ethan Paras
Pakasal na tayo?

Simone Co
Tanga

Ethan Paras
HAHAHAHA

Simone Co
Ang dami ko pang responsibilidad, Ethan. Gusto mo ba pati 'to pakasalan mo?

Ethan Paras
Tanggap ko naman eh. Pamilya ko na rin 'yung sa'yo.

Ethan Paras
Sige na. After bar, pakasalan mo na ako. 🥺

Simone Co
Hahahaha gusto ko naman pero mga ilang years pa after bar.

Simone Co
Pero may hashtag na ako! 'Di ba uso 'yon?

Ethan Paras
Hashtag sa kasal?

Simone Co
Oo! Haha. Ang cuteee!!

Ethan Paras
Ano?

Simone Co
#aCOyPARASayo

Simone Co
DIBAAAAA

Simone Co
Aminin mo ang smart ko d'yan! Hahaha. Wordplay ng mga surnames natin.

Ethan Paras
Ba't mo sinabi sa akin!

Ethan Paras
Lalo kitang gustong pakasalan. Gawin na nating totoo 'yan. 🥺

Simone Co
Kahit naman hindi pa tayo kasal, para sa'yo lang naman talaga ako.

Ethan Paras
Sabi mo 'yan ha?

Ethan Paras
Kahit 'di ako pumasa ng bar?

Simone Co
Sira! Bakit 'di ka papasa? Papasa tayong dalawa. Tapos sabay tayong magiging abogado. Tapos magiging prosecutor ka. Tapos ako gusto ko ng firm kasama sina Naomi. Lagdameo, Beltran, Co Law—LaBCo! Cute 'di ba? Tapos ipagtatanggol ko lahat ng kaya ko.

Simone Co
Tapos babayaran ko 'yung mga utang ng pamilya namin. Tapos bibigyan ko ulit nang maayos na buhay sina Mama. Kamukha noon, no'ng buhay pa si Papa.

Ethan Paras
Tapos papakasal na tayo. Bubuo tayo ng pamilya. Hindi ka na ulit iiyak. Hindi ka na ulit gigising na naghahanap ng pera kasi marami na tayo nun. Maraming-marami para hindi ka na mahirapan.

Simone Co
Basta hintayin mo ako, ha?

Simone Co
Aayusin ko lang 'yung buhay ko.

Ethan Paras
Paano pa ako aatras? May hashtag na #aCOyPARASayo 😂

Ethan Paras
Tsaka ikaw pa ba? Naiintindihan ko naman. Gusto ko lang dalawa tayo, para mapagaan ko 'yung dala mo. Kahit konti.

Simone Co
Napapagaan mo naman ngayon eh. Dami ko ngang utang sa'yo. 😂

Ethan Paras
'Wag mo nga isipin 'yan. 'Di ko naman gagamitin tsaka 'di naman kita sinisingil.

Ethan Paras
Basta okay ka, ayos na 'yon sa akin. 😊

Simone Co
I love you. Papakasalan kita. Promise ko 'yan.

Ethan Paras
I love you. Maghihintay ako.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon