33.

188 8 0
                                    

(0926) 624 026

1:44 pm
Atty. "hindi na akin" Co

1:45 pm
Uyyy

1:47 pm
Baka may ikokonsulta ka? Bukas ang opis namin.

1:49 pm
Huh? Wala naman.

1:50 pm
Umusad na 'yung kaso. Magkikita na lang tayo 'pag may hiningi sa'yo si Judge na additional evidence for determination of probable cause sa issuance ng warrant of arrest.

1:51 pm
Pwede ba tayo magkita ulit?

1:52 pm
Trabaho nga lang eh.

1:54 pm
Bakit? Namersonal ba ako? Tinanong ko lang naman kung pwede, 'di ko naman sinabi na date.

1:55 pm
Malay mo gusto lang kita tignan. Tas gusto ko lang magpakita sa'yo.

1:57 pm
Oh anong purpose n'yan?

1:59 pm
Magkikita lang literal. Tas alis na ako.

2:00 pm
Eh 'di sayang oras mo.

2:02 pm
'Di 'yon.

2:04 pm
Bakit hindi?

2:06 pm
Ito naman alam namang marupok ako sa kanya, gusto pa naririnig.

2:07 pm
Eh 'di hindi sayang kasi nakita kita.

2:09 pm
Hindi naman tayo.

2:11 pm
Ikaw pumili n'yan.

2:13 pm
Sus akala mo naman walang chix eh prosec ka na!

2:14 pm
Innocent until proven guilty.

2:16 pm
Fishing ka lang eh. Gusto mo lang malaman kung napalitan ka.

2:18 pm
Pwes...

2:20 pm
Hindi.

2:22 pm
Ethan...

2:25 pm
Alam mo sa prosecution, I represent the state. Inilalaban ko para sa People of the Philippines.

2:27 pm
Pero sa apat na taon na walang tayo, ikaw lang ang gusto kong ilaban.

2:29 pm
Ikaw, lahat ipinaglaban mo. Pero tayo, hindi.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon