28.

184 3 0
                                    

FLASHBACK

Lover 🖤
Active Now

SAT 5:11 PM

Ethan Paras
Simone kooo

Ethan Paras
Kumain ka na?

Simone Co
Oo. Kumakain na ako dito sa baba ng apartment. ☺️

Ethan Paras
Ano ulam mo?

Simone Co
'Yung lechon kawali dito kay nanay sa tindahan.

Ethan Paras
Sarap?

Simone Co
Superrr!

Ethan Paras
Akyat ako sa apartment niyo. Nand'yan sina Naomi?

Simone Co
Ethan.

Ethan Paras
Nandito ako sa baba. May dala akong pagkain. Kumain ka.

Ethan Paras
Ba't 'di ka nagsasabi sa akin?

Simone Co
Nahihiya ako. Kakain naman ako talaga dapat. Kakahiram ko lang kay Vera.

Ethan Paras
Parang tanga.

Ethan Paras
Ba't ka mahihiya? Boyfriend mo nga ako eh.

Simone Co
Eh kahit na. 🥺

Ethan Paras
Magkano ipinadala mo kina Tita?

Simone Co
5k.

Ethan Paras
Ipon mo 'yon ah? 'Di ba pang-defense mo 'yon next week???

Simone Co
May defense rin daw si Sean. Sayang naman daw, graduating na.

Ethan Paras
Ikaw rin naman ah!

Ethan Paras
Simone, dapat sinabi mo sa akin. Ako na lang sana nagpahiram.

Simone Co
Masasanay sina Mama. Hayaan mo na.

Simone Co
Tumanggap ako ng raket. May igagawa ako ng layout ng mga pubmats. Ilan din 'yon. Tapos essay.

Ethan Paras
Eh kaya ka nga nag-leave sa work para maka-focus sa exam week tsaka sa defense. Tapos may raket ka na naman.

Simone Co
Hayaan mo na. Habulin ko na lang aral ko.

Simone Co
Okay lang ako, promise.

Ethan Paras
Papasukin mo ako. Kumain tayo.

Ethan Paras
Nand'yan ba sina Naomi? May dala akong milk tea para sa kanila ni Cara.

Simone Co
Wala eh. Umuwi sila. Tayo lang dito.

Ethan Paras
Hehe solo kita?

Ethan Paras
Ako na gagawa nung raket mo na essay. Aral ka na muna. Nakaaral na ako kanina sa bahay.

Ethan Paras
Kain muna tapos aral ka.

Simone Co
May deadline 'yon, love. 🥺 Pati 'yung pubmats.

Ethan Paras
Tapusin ko. Para masingil mo na. Gawin mo 'yung pubmats sa break na lang. Ako na bahala sa kulang sa pang-defense mo.

Simone Co
Ehhh. 'Wag na. Sakto lang 'yon. Kapag natapos ko lahat today, okay na.

Simone Co
Hindi mo naman ako responsibilidad eh.

Ethan Paras
Pero gusto ko.

Ethan Paras
Pera lang 'yon, Simone.

Simone Co
Babayaran ko 'pag binayaran na ako ng mga clients ko ha?

Ethan Paras
Okay lang. Basta unahin mo sarili mo kahit kapag tayo lang. Okay lang 'yon sa akin.

Simone Co
Thank you. 🥺

Ethan Paras
No problem, love. ☺️

Ethan Paras
Sana pagbuksan mo na ako ng pinto kanina pa ako nakatayo sa labas.

Simone Co
Ay omg! Haha. Ito na, wait! Sorry.

Ethan Paras
Oki lang! Lutang ka na, tignan mo. Kaya ako na muna bahala. ☺️

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon