75.

160 2 0
                                    

LaBCo Law
Active Now

TUE 12:34 PM

Cara Beltran
Sayang, wala si Ethan! Kumustahin lang din sana namin si prosexy. 😝

Simone Co
Baka busy.

Naomi Lagdameo
Tumigil na?

Simone Co
Saan?

Naomi Lagdameo
He's pursuing you ulit, 'di ba?

Simone Co
Siguro. Ilang araw nang hindi nag-te-text.

Cara Beltran
Miss mo, ma? 😅

Simone Co
Okay na rin 'yon. Marami pa akong responsibilidad sa pamilya ko. 🙂

Simone Co
Ethan thinks that he can share that with me. But until when? Ang unfair hingin nito sa kanya. At hanggang kailan ko hihingin 'yon sa kanya?

Cara Beltran
Maayos naman na sina Tita, Simone. Matatapos na si Sienna sa medicine school. Si Sean, paalis na papunta sa Singapore for work. Steven and Sofie are almost done with college as well.

Simone Co
Hindi naman ako sigurado kung anong mangyayari, 'di ba? Kay Papa nga noon, we thought it'll last for a long time. Akala namin, hindi siya mauubos.

Naomi Lagdameo
Kapag ganyan mo tinignan, hindi ka matatapos sa responsibilidad mo sa pamilya. Kaya ka nga may mga kapatid. Baka pwedeng sila naman.

Naomi Lagdameo
Pero kung ayaw mo na talaga kay Ethan, go. 'Di ka naman niya pwedeng pilitin. Kaya lang, alam naman namin na mahal mo pa.

Cara Beltran
Give him a chance to choose. A choice. 🙂

Cara Beltran
And give yourself a chance to be selfish, ma. ❤️

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon