27.

197 4 0
                                    

FLASHBACK

Vera Fernandez
Active Now

SAT 4:45 PM

Simone Co
Mahallll

Vera Fernandez
Oy, mahal?

Simone Co
Nasa SU ka pa?

Vera Fernandez
Kaaalis ko lang. Nag-inquire lang ako sa grad school.

Vera Fernandez
Why, mahal?

Simone Co
Mahal, utang sana ako ng 500 eh. Na-short lang ako. Balik ko rin this week. Para lang may allowance ako.

Vera Fernandez
Transfer ko na lang. Same account?

Simone Co
Yes, mahal. Thank youuu 🥺

Vera Fernandez
Okay na, mahal. ☺️

Vera Fernandez
Ano'ng nangyari?

Simone Co
Kailangan daw kasi ni Sean ng pambayad sa thesis defense. Nagpadala ako ng 5k.

Simone Co
'Di man lang ako tinanong ng nanay ko kung saang kamay ng diyos ko kinuha 'yung pera. O kung kumakain pa ba ako rito sa apartment. 😂

Vera Fernandez
Oh 'di ba ipon mo 'yon? May defense ka na rin next week ah!

Simone Co
Sabi ko nga no'ng una, wala. Kaso kawawa naman daw si Sean.

Vera Fernandez
Jusko naman, mahal! 23 na 'yung kapatid mo. Dapat nga may trabaho na 'yon kung hindi bumabagsak sa school.

Simone Co
Oo nga eh. Dapat sana naabutan pa siyang grumaduate ni Papa.

Vera Fernandez
Oo nga. Oh, eh bakit hindi siya ang gumawa ng paraan? Siya ang mangutang. Wala bang kaibigan si Sean!?

Simone Co
Wala ngang diskarte eh.

Vera Fernandez
Puro na lang ba ikaw?

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon