138.

29 0 0
                                    

Vera Fernandez
Active Now

TUE 12:10 AM

Vera Fernandez
Mahal!!!

Vera Fernandez
Nagbalik na pala ang hashtag!

Simone Co
Mahaaaal, labas tayong tatlo kapag free ka and kami rin. Then si Mav pwede namang isama rin kung gusto mo. 🥺

Vera Fernandez
Kung gusto ni Ethan kamo. Haha.

Vera Fernandez
Pero dadaan ako sa LaBCo bukas. Tayo munang dalawa!

Simone Co
Okay. Let's have lunch? I'll tell you everything. 😊

Vera Fernandez
Yay sige!!

Vera Fernandez
Pero ano muna pala ang nangyari sa mga responsibilidad, mahal?

Simone Co
Mahal ko ang pamilya ko, V. Itutuloy ko ang mga responsibilidad ko dahil gusto ko rin namang gawin 'yon para sa kanila. Lalo na ngayong mas kaya ko nang mag-provide.

Simone Co
At mahal ko rin si Ethan. Kinailangan ko lang maging handa. Hindi para mabalanse ko sila pero para balansehin ang sarili ko habang pinipili ko silang hawakan pareho.

Simone Co
Dahil noong ipinilit ko, nasaktan ko sila pareho. Ngayon, mas kaya ko na.

Vera Fernandez
You had to see it for yourself. You had to be the one who's ready for it. 🥺

Simone Co
Yes. Kaya hindi ako nakinig sa inyo kahit sinasabi niyong manhid at tanga ako. 😂

Simone Co
I had to choose it for me. I had to be the one who's ready. Mahal ko kayo pero kailangan sa akin mismo manggaling ang pagtanggap na kaya ko at ang paghilom ng nakaraan na dinala ko. 😊

Vera Fernandez
Are you happy?

Simone Co
Yes. I'm very happy, Vera.

Vera Fernandez
Then I'm glad that you didn't let us dictate you and that you did it on your own pace, mahal. ❤️

Simone Co
Thank you, mahal. 😘

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon