15.

259 10 0
                                    

LaBCo Law
Active Now

THU 10:19 PM

Cara Beltran
How did the PI go, @Simone?

Simone Co
PI na PI, mami! 😤

Naomi Beltran
Huh? Preliminary investigation na preliminary investigation?

Simone Co
Hindi! PI talaga!

Cara Beltran
Nagmumura siya, ma @Naomi. 😂

Naomi Lagdameo
Oh! PI!! Hahaha. Bakit? Ano nangyari?

Simone Co
Si Ethan investigating prosecutor ko kanina.

Simone Co
May reso agad siya!

Simone Co
'Di ko alam kung nanggagago o trabaho lang talaga, sobrang bilis niya. 🤦🏻‍♀️

Cara Beltran
Mabilis lang naman talaga 'yun, ma? 10 days. File ka na agad ng motion for reconsideration kapag natanggap mo 'yong reso.

Simone Co
I know. Pero hindi naman usually sinusunod 'yang period. Dito pa sa bansa natin? Na ang kaso, seven years ang minimum bago matapos?

Cara Beltran
That's why we're trying to change the system as the new generation of lawyers. So baka si Ethan naman, competent lang talaga and hindi namemersonal.

Simone Co
Bilib naman talaga ako sa kanya noon pa. Alam kong competent siya. Pero paano ko naman hindi iisipin na namemersonal, nag-text kanina, panay hugot.

Naomi Lagdameo
OMG 🙈 ANONG SABI?

Simone Co
Buti pa raw 'yung batas, may paliwanag. Tsaka bakit ko raw siya ipinatalo noon.

Cara Beltran
Hahaha grabe Ethan!??!?

Naomi Lagdameo
Oh ang ganda rin talaga, @Simone.

Simone Co
Pakyu both

Simone Co
Sabi niya pa, kung siya public prosecutor do'n sa kaso, tatalunin niya raw ako.

Naomi Lagdameo
Ganti ng api!!

Simone Co
'Di ko naman siya inapi!

Cara Beltran
Hoy gaga! Ano'ng hindi? Pinaiyak mo 'yon. 😂

Simone Co
Alam niyo naman kung bakit eh.

Naomi Lagdameo
Siya hindi niya alam 'yon.

Naomi Lagdameo
Omg 'no!! Paano 'pag wala nang ma-appoint 'yung court na public prosecutor sa trial tapos si Ethan na nga investigating mo, siya pa sa pre-trial hanggang trial mismo. Haha

Simone Co
Ayoko nang isipin. Na-s-stress ako sa kanya. 😭

Cara Beltran
Sa pre-trial pa naman, counsel tsaka prosec lang required na present. 😂

Naomi Lagdameo
WOW DATE AGAD 😂😂😂

Simone Co
PI kayo 'no?

Cara Beltran
HAHAHAHA

Naomi Lagdameo
Mag-ready ka kung paano ka mag-p-plea to a lesser offense. Kailangan pa naman may approval ng prosec 'yon tsaka ng offended party.

Simone Co
Okay lang kahit walang approval niya.

Cara Beltran
Para mas matagal 'no? Lagi kayong magkikita 'pag gano'n.

Simone Co
Ang saya-saya niyong dalawa 'no? Gustung-gusto eh.

Naomi Lagdameo
Hahaha ang taray sa sala pa ng judge maglalandian 😂

Cara Beltran
Muling ibalik? 😂

Simone Co
Hindi na kami katulad ng dati. Apat na taon na, marami nang nagbago.

Naomi Lagdameo
'Di mo na love?

Cara Beltran
Ba't 'di nasundan kung 'di na mahal? 🤪

Simone Co
Kasi ayoko na. Haha. 'Di ba sabi kapag daw abogada ka na, tapos wala kang boyfriend, malaki 'yung chance na wala na talaga. Kasi intimidated na sa'yo.

Simone Co
So wala na. This is it for me. Katapusan na ng matres ko.

Cara Beltran
Baka mapalaban ka ulit kay Prosec. 'Di ko lang alam baka magkaro'n ng sariling buhay 'yang matres mo. 😂

Simone Co
PLS

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon