92.

69 3 0
                                    

INT. REGIONAL TRIAL COURT OF MANILA, BRANCH 26 - MORNING

Naglalakad sa hall si Simone papunta sa korte nang makarinig siya ng mga nagmamadaling yapak kasunod niya. Lumingon siya at nakita si Ethan na hinihingal habang nakasunod dito ang staff nito at may hawak na dalawang kape. Hinihingal din ito bago sabay na huminto kay Ethan at inabot ang dala nito.

LEGAL STAFF
Prosec, naiwan mo 'yung mga kape.

ETHAN
Thank you, Kurt. Ah, Simone... staff ko. Si Kurt.

LEGAL STAFF
Good morning po, Attorney Co!

Lumingon si Ethan at simpleng sinamaan ng tingin ang staff niya. Minsan talaga, hindi niya maintindihan kung hinahamon siya nito at nananadya pero paborito niya pa rin ito. Matalino at magaling ito sa trabaho, masipag din dahil nag-a-aral ng law sa gabi tulad ni Simone noon.

LEGAL STAFF
Sorry po. Attorney Simone po pala dapat.

SIMONE
Good morning. Okay lang naman ako sa Attorney Co.

LEGAL STAFF
Ay nako, Attorney. Hindi po kayo sa akin.

Gustong tirisin ni Ethan ang staff niya habang nakatingin pa rin dito. Nakikipagtawanan pa ito kay Simone kaya sumingit siya at inabot ang kape.

ETHAN
Kape mo.

SIMONE
Thank you, Ethan.

Hindi pa man nakukuha ni Simone ang kape sa kamay niya, dumating na ang tiyahin nito kasama ang pinsan niyang akusado at ang abogado nito.

Posturang-postura ito bago hinila ang buhok ni Simone at kinaladkad ang pamangkin palayo kay Ethan.

ANNIE
Talagang itinuloy mo, maldita kang bata ka!

Mabilis na ibinalik ni Ethan ang dalawang kape na hawak niya kay Kurt bago hinila palayo si Simone mula sa tiyahin nito. Magulo na ang buhok ng dalaga at pati ang blazer na suot nito habang hawak niya ito sa baywang.

ANNIE
At talagang nagkampihan pa kayo ng boyfriend mo! Tandaan mo 'tong ginawa mo sa pamilya natin, Simone! May karma ka rin!

Hindi sumagot si Simone pero sinubukan pa ring lumapit ng tiyahin niya kaya itinulak ito palayo ni Ethan.

ETHAN
Attorney, 'yung kliyente mo, baka gusto mo ng isa pang kaso.

DEFENSE COUNSEL
I'm sorry, Prosecutor Paras and Attorney Co.

Hinila na ng abogado palayo ang tiyahin ni Simone at ang anak nito na akusado habang paulit-ulit pa ring humihinging dispensa sa nangyari. Nakakuyom naman ang kamao ni Ethan habang nakasunod pa rin ang tingin sa mga kamag-anak ni Simone. Gusto niyang kasuhan ang mga ito sa gulo na ginawa at dahil nasaktan si Simone pero mas nawala siya sa sarili nang maramdaman niya ang kamay nito sa kamay niya.

Hinawakan ni Simone ang nakakuyom niyang kamao kaya napatingin siya rito. Ngumiti pa ito sa kanya kaya unti-unti niyang ibinuka ang palad niya para hawakan ang kamay nito.

SIMONE
I'm okay, Ethan. I wasn't hurt. Pupunta lang ako sa comfort room, I will fix myself. Mauna na kayo ni Kurt sa loob.

ETHAN
Sasamahan kita.

SIMONE
Hindi ka naman pwede sa comfort room ng mga babae. I'll be fine. Babalik ako agad.

Muli itong ngumiti bago binitiwan ang kamay niya. Sinundan niya ng tingin ito bago siya tinapik ng staff na nakalimutan niyang kasama niya pala.

LEGAL STAFF
Prosec, nag-holding hands kayo ni Attorney Simone. Kinilig ka ba?

ETHAN
Shhh!

LEGAL STAFF
May video ako, prosec. Gusto mo?

ETHAN
Mamaya, patingin ako. Halika na sa loob.

Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Ethan habang naglalakad kasunod ang staff niya. Inisip niya pa rin si Simone at ang kamay nito. Pero mas iniisip niya kung totoo bang ayos lang ito at kung ano ang ikakaso niya sa bruhang tiyahin nito dahil hindi niya kayang palagpasin ang pambabastos nito sa pamangkin.

Pumasok siya sa court room kasama ang staff niya na naupo sa pwesto ng mga spectators. Siya naman ay naupo sa kabilang table habang masama ang tingin sa kanya niya ng tiyahin ni Simone na nakaupo sa likod ng abogado nito at katabi ang anak.

Ilang minuto pa, dumating na rin si Simone at naupo sa tabi niya. Maayos na ang buhok at damit nito pero napansin niya ang ilang kalmot at pasa nito sa leeg.

ETHAN
Ano 'yan!?

SIMONE
Kaunting galos. Okay lang ako. Focus on the case.

Sasagot pa sana si Ethan na hindi ayos sa kanya na nasaktan si Simone pero pumasok na ang presiding judge at tinawag na ng branch clerk of court ang atensyon nila.

Nagpatuloy ang court proceedings habang binabasa ng branch clerk of court ang information. Wala sa sariling nakatingin pa rin si Ethan sa mga galos ni Simone kaya nagulat siya ng kalabitin siya ng staff niya para sa appearances.

ETHAN
Prosecutor Ethan Jeramiah Paras, appearing for the government, Your Honor.

Kasunod niyang tumayo si Simone na seryosong nakatingin sa harap habang nagpapakilala.

SIMONE
Attorney Simone Audrey Co, appearing as private prosecutor under the direct control and supervision of the prosecutor, Your Honor.

ETHAN
I am delegating to Attorney Co the authority to prosecute, Your Honor.

Nanatili silang nakatayo habang nagpapakilala ang abogado ng akusado. Napansin niya rin ang patagong ngiti ni Simone nang marinig nito na siya na ang may hawak ng prosecution sa kaso bago ito mahinang bumulong sa kanya.

SIMONE
Thank you, Prosecutor Paras.

ETHAN
I got you, Attorney Co.

Ngayon naunawaan ni Ethan na mali siya. Hindi ito trabaho na may kasamang Simone. Dahil ang totoo, si Simone pa rin ang palagi niyang unahin.

Si Simone pa rin, na may kasamang trabaho.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon