19.

202 5 0
                                    

Mama

2:15 pm
Tumawag si Tita Annie mo.

2:16 pm
Oh?

2:18 pm
Nagsusumbong.

2:20 pm
Okay lang.

2:22 pm
Mali siya. Hindi ako mag-so-sorry.

2:25 pm
Ilang pages 'yung documents na iniwan niya sa'yo, nasa 10k ang halaga nun. Tapos gusto ni Tita, libre!?

2:27 pm
Ma, binabayaran ko pa 'yung bahay natin dito sa Manila, 'yung condo unit ko. Tuition ni Sienna sa med school. 'Yung gastos ni Sean para makapag-trabaho sa Singapore. Sina Steven at Sofie, nag-a-aral pa sa college.

2:29 pm
Natapos lang tayo sa utang pero may mga gastos pa. Hindi ko naman pwedeng i-libre lahat ng capricho ng mga kamag-anak natin. Ilang beses ko na silang pinagbigyan kahit hindi naman nga dapat kasi bakit? Pili lang naman ang mga taong sumusuporta sa akin. Si Sienna. Si Ethan. Mga kaibigan ko. Kahit nga ikaw, wala eh.

2:30 pm
I'm sorry, Simone. Sorry kung may pagkukulang si Mama. Hindi naman kita papagalitan. Naiintindihan ko naman ang pagtanggi mo sa Tita Annie mo. Okay lang 'yon. Pasensya ka na.

2:32 pm
Sorry, ma. Pagod lang.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon